Chapter 5

1.8K 100 1
                                    


"POSIBLE ba yang sinasabi mo? Ibang mundo?? Ngayon ko lang narinig yun ah.."



Tahimik syang nakaupo sa isang upuan, katabi ang malaking leon na panay ang kuskos ng pisngi nito sa hita nya. Napapalibutan sya ng labindalawang lalaki na pawang kakaiba ang kasuotan. Mukhang galing pa sa baul ng 18th century ang pananamit ng mga ito. Pero ang mga feslak at katawan.. Dayum! 




"Meron nga, at dun ako galing. Sa mundong merong advanced technology. Yung merong ganito oh!" Pinakita nya ang cellphone nya sa mga ito. Iniscroll pa nya para maniwala ang mga ito. Parang timang na pinakatitigan ng mga ito ang screen ng cellphone nya.




"Ooh, medyo kakaiba nga. Hindi naman siguro yan magic tool ano?" Tanong ng lalaking nagpakilala na si 2nd Prince Arion, may orange itong buhok at green na mata. Katulad din ng kapatid nitong si 1st Prince Arius.



"Hindi ito magic tool noh! Sa mundo namin, walang magic. Lahat pinapagana ng technology, ng mga makinarya. Teka, anong taon na dito sa mundo nyo?"



"1820..."


"Whaat!!? 1820?? 2022 na sa pinanggalingan ko! "




"That explains kung bakit ganyan ang suot mo. Ang ikli. Kita na halos ang buong kaluluwa mo.. "



Awtomatikong napabaling ang tingin nya sa lalaking nagsalita. He has that black hair and purple intimidating eyes. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kanya.



"Hoy, uso kaya to sa earth noh! Pag may party sinusuot to..." aniya saka inirapan ang lalaki.



"It doesn't look formal to me!" giit nito.




"Hindi ko hinihingi ang opinion mo! Shut up ka dyan, okay!" Isa pang matalim na irap ang pinakawalan nya para rito.




Napatayo ang lalaki. "Gusto mong maging hapunan ni Deathlian?"




'Pagpasensyahan mo na si Duke Blade. Ganyan talaga yan, mainitin ang ulo at medyo conservative. Pero mabait yan...'



Narinig nya sa isipan si Deathlian. So, eto pala si Duke Blade. Ang master ni Deathlian bago sya dumating.




"Hmm.. He's pogi pero masungit."


"Ganyan talaga yan. Pagpasensyahan mo na..."



"Ano pa nga ba.."




"Hoy! Hindi ako bet ni Deathlian kasi payat daw ako, in short hindi masarap! Saka ba't ba ang init ng ulo mo saken? Nagagalit ka ba dahil maikli ang suot ko o dahil ako na ang love ng pet mo?" Napatayo na din sya at nameywang. Nalaglag tuloy ang nakatakip na coat sa hita nya.



"What the hell are you talking about? Hindi mo ba nakikita ang mga kasama mo sa kwarto? Puro kami lalaki. Is that how the women in your world act? So disgusting!"



Anudaw!? Disgusting?!



Nagpanting ang tenga nya sa narinig.
"Anong sabi mo?? Disgusting??!! Disgusting pala ha?"


Dali dali nyang pinulot ang heels nya at ibinato sa lalaki na agad nitong inilagan. Akmang ibabato nya din ang walang lamang baso ng pigilan sya ng lalaking green ang buhok at may kulay brown na mata.




"Naku binibini! Tama na!"



"Hindi! Bitawan mo ako! Papatayin ko ang pangit na yan!" aniya habang gigil na gigil na nakatingin sa lalaking masama rin ang tingin sa kanya.




-----------



PALIPAT lipat ang tingin nila sa dalawang nagpapalitan ng masamang tingin. Parehong ayaw patalo.




KASSANDRA KATHERYN MARQUEZ.





A woman who came from the other world named Earth. Aksidenteng nakapasok sa portal ng Erdrun.




Matapos magising dahil sa kurot ni 2nd Prince Arion, nahintakutan ang babae ng makita sila. Lalo na ng makita nito ang leon na si Deathlian. Subalit ng matigilan at mahimasmasan, ay bigla itong ngumiti at yumakap sa leon.




"You're real?! Akala ko panaginip ka lang.." she talked to the lion and hugged it again. The lion just growl and make kiskis to the woman's face.




Humarap ang babae sa kanila and she nervously waved her hand.




"H-hello. I'm Kassandra Katheryn Marquez, 24. I accidentally transported here from Earth..."





HANUDAW???



"Transported from what?"- Prince Dale




"Are you a spy from another empire?"-Prince Wade



"Wow! Ang ganda mo naman?!"- Count Chance



Kanya kanyang tanong at komento ang mga Deums sa dalaga. Hindi naman nito alam kung pano sasagutin ang mga ito.



"Shut the fuck up, Deums! Ang dami nyong tanong, pwedeng isa isa lang!" Duke Blade's voice boomed na nagpatahimik sa mga tolits na kasamahan.




"You! Woman!" Itinuro ng duke ang dalaga." Who are you?"




At dun na nga po nagpakilala ang dalaga.

-----------------



Eto ang istoryang go with the flow. Kung anong maisip, isulat. Hahaha.

OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon