Chapter 13

1.4K 92 12
                                    


" Sir Noah, kumusta si Lady Katheryn? Hindi sya sumabay kanina sa pagkain..." tanong nya sa kanyang butler. Hindi na nya ito nagawang lingunin dahil tambak ang kanyang gawain sa opisina.


"Ah, maghapon na naman pong nasa silid aklatan ang binibini. Mukhang nawiwili  syang mamalagi roon. Nagpadala na lang sya ng pagkain sa kanyang silid..."


"Hmm. I'll talk to her later. Nga pala, any letters?"


"Meron. Teka lang."



Mula sa patas ng mga papeles na nasa lamesa nito, isang makapal na bungkos ng mga sobre ang inibigay nito sa kanya.


"Sana pinili mo lang ang importante.." komento nya. Tamad syang magbasa ng mga imbitasyong hindi naman mahalaga. Hindi rin naman sya pupunta.


"Sulat mula sa mga kaibigan nyo para kay binibining Katheryn, sulat galing sa Imperial Palace ,at imbitasyon para sa oathtaking ni Sir Levi."


Isa isa nyang binasa ang mga sulat ng mga kaibigan nya. Kagaya ng inaasahan, walang kwenta ang pinagsususulat ng mga ito.


Hindi na nakarating sa basurahan ang mga papel, gamit ang dark purple fire na kapangyarihan nya, sinunog na nya ito sa mismong kamay. Walang bakas ng abo ang naiwan.


"Those motherfvckers just sent me a love letters! Unbelievable!"


"Hindi naman para sayo ang mga sulat pero binasa mo. Ikaw ba si Lady Katheryn?" natatawang sabi ni Sir Noah.


"No. But I need to know what they're up to! "


"Malinaw naman na interesado sila sa binibini. Well, sino ba naman ang hindi? Kakaiba ang ganda nya..."


"Hindi naman kagandahang panlabas ang basehan, kailangan mo pa ding kilalanin yung tao." aniya.



"Hindi ba at nais nilang makilala? But, what did you do? Sinunog mo. Ay naku, Blade! At isa pa, nasa iyo na lahat ng pagkakataon na makilala ang binibini. Galaw galaw din!"



Matapos nitong manermon sa kanya ay itinuloy nito ang sariling ginagawa.   Naiwan naman syang nag iisip.


"Ah, Sir Noah.. Pwedeng pakitawag si Lady Katheryn?"


Dali daling sumunod ang lalaki. Hindi pa ito nakakatagal umalis ng biglang dumating ang captain ng kanyang knights.


"Greetings! Duke, we've found some Medallan bombs at the border. "agad nitong balita sa kanya.


He rose from his seat. " Ilan?"


"Apat po. Natagpuan po sa magkakahiwalay na pwesto. Inutusan ko na ang ibang knights na suyurin ang buong paligid. "


"Good. Let me see it."


Lumabas sila ng opisina nya para puntahan ang kinaroroonan ng mga bomba. Nasalubong nya sa hallway si Sir Noah kasunod si Katheryn. Nakatungo ito kaya hindi agad sya napansin.


"I'll talk to you when I came back. Just wait at my office." aniya saka nilampasan ang mga ito.


Dinala sya ng kapitan sa may gubat na sakop pa ng kanyang lupain. At doon nya nakita ang medallan bomb na binabantayan ng ilang knights. Nangangalahati na ang itim na usok na nasa loob nito. At oras na napuno ito, maaari na itong sumabog at makapaminsala. Mabuti na lang at agad itong natagpuan.



"Captain Lex, send someone who'll bring it to the South Tower. Sila na ang bahalang sumira sa bomba. The rest, continue the search. Babalik na ako sa opisina.."


OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon