"WOW! Ang ganda ganda nyo po!" puri ni Hana ng matapos syang ayusan ni Eura."Ay naku! Matagal na akong maganda noh! Pinaganda lang lalo ng fairy na ito." She flipped her long hair na nakacurls ang dulo. Nilagyan lang ni Eura ng flower crown as accessory.
Natutuwa sya sa ayos nya. Mukha syang dyosa na bumaba sa lupa para maghasik ng kagandahan.
"It's time for a selfie!" aniya bago pakisuyuan si Hana na kunin ang cellphone nya sa ibabaw ng vanity table.
Iniabot nito sa kanya ang cellphone. She checked the battery percentage. Nagulat sya ng makitang nadagdagan ang percentage nito.
"Aba! Malolobat na dapat to ah. Pano nangyari yun?" nagtatakang tanong nya sa sarili.
"Anong problema, Lady Kath?" usisa ng dalawa.
"My phone. Nadagdagan ang battery life nya..." She looked at Hana. Ito lang ang humawak sa phone nya.
"Huh? Wala akong ginawa!" anito ng mapansing dito sya nakatingin.
"What's your ability?"
"L-lightning po pero hindi ganun kalakas.. " mahinang sabi nito.
" Ooh. Hawakan mo nga ulet ang cellphone ko." utos nya rito.
Nag mahawakan nito ay tiningnan nya kung tama ang hinala nya.
And voila! Nagchacharge sya!
" Isa kang human charger! Hahaha!" tawa nya.
"Nabaliw ka naman po, Lady Kath!" agad napatakip sa bibig si Eura. Napakomento sya ng wala sa oras. Buti na lang at hindi nagalit ang dalaga.
"Heh! Grabe ka sa akin!" she pouted.
Mahihinang katok ang nagpatigil sa usapan nila, na agad binuksan ni Hana.
" Hello, Sir Noah! Come in!" bati nya ng makita ang butler ni Duke Blade.
The old man bowed at her.
"Greetings, Lady Kath. Hinihintay na po kayo ng mahal na duke sa ibaba."
"Ay! Oo nga pala!" Dali dali nyang inayos ang sarili, saka inilagay sa pagitan ng dibdib ang cellphone.
'Bakit hindi? Kasya naman eh! '
Sinamahan sya ng dalawang babae pababa. Nabibigatan kasi sya sa suot nya.
"Tangna talaga! Sa susunod wag nyo na akong pasusuotin ng ganito ha. Hindi pa ako nakakalayo, hinihingal na agad ako sa bigat.." reklamo nya sa dalawa.
"Kayo naman po ang pumili nyan eh." pangangatwiran ni Eura. Napapansin nyang habang patagal ng patagal ay nagiging pilosopo na ito. Ayos lang naman sa kanya yun dahil nagiging komportable na ang babae sa presensya nya, hindi gaya nung una na ilag sa kanya.
"Wow! Ang gwapo talaga ng mahal na duke!" kinikilig na bulong ni Hana sa katabing si Eura. Nakasunod sa kanya ang dalawa at hawak ang dulo ng gown nya.
"Kaya nga, kahit nakatalikod hindi maipagkakaila. Hihihi!" tugon ng kausap.
"Terno pa sila ni Lady Kath ng suot!"
She rolled her eyes. Talaga nga naman! Ang kikiriray talaga ng mga ladies in waiting nya!
Naabutan nyang may kausap si Duke Blade. Sa pagkakatanda nya ay isa ito sa Deums. Sa dami kasi nila ay nakalimutan na nya kung sino ito. Is it Chase? Ranz? Lance?
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...