Chapter 8

1.6K 102 27
                                    

"UYYY! Samahan nyo ako sa loob. Wala dito si Deathlian, baka patayin ako ng duke!" aniya sa dalawa. Pilit syang itinutulak papasok ng opisina ni Duke Blade.

"Hindi, Lady Kath. Pare pareho po tayong malilintikan kapag hindi kayo sumunod. Mag uusap lang naman po daw kayo eh." sabi ni Hana habang hinaharangan sya.

"Oo nga po. Saka nandito lang kami sa labas... Pumasok na po kayo." pangungumbinsi naman ni Eura.

Napilitan na din syang pumasok. Nadatnan nya sa malawak na opisina ang Duke, kasama ang lalaking ipinaghila sya ng upuan kanina, si Sir Noah, na kung saan ay syang head butler ng mansyon na iyon. Busy sa ilang papeles ang dalawa. Hindi pa yata napapansin ang pagpasok nya.

Inilibot nya ang paningin. Napakasimple ng opisina nito, hindi masyadong magarbo. Sa kabilang banda, nakakaout of place sa kasimplehan ng kwarto ang ilang basket ng bulaklak na may iba't ibang klase.

" Those flowers are yours. Pinadala ng mga admirer mo."

She flinched when she heard his voice. His purple eyes were kinda intimidating.

"Sinong admirer?" Iginiya sya ni Sir Noah sa isang one seater sofa. Ipinaghanda din sya ng maiinom at ilang cookies.

"Ang plain ng cookies nila ha! Mas pleasing pang tingnan yung Chunkee chewy cookies eh!"

"Sino  pa ba? Eh di yung mga kausap mo kahapon. Here. Read this. Nakasulat dyan ang mga kondisyon ko sa pagtigil mo sa bahay ko."
Iniabot nito ang isang papel. Pasimple nya tong inamoy.

"Ambango naman. Amoy yummy!"

"Babasahin mo ba yan o aamuyin mo na lang?"

Napairap sya sa lalaki.

"Ang yabang mo. Tinitingnan ko lang kung mabaho ang kamay mo. Baka mamaya dumikit sa papel tapos mahawa pa ako. Ooopps. "

Tinaasan lang sya ng kilay ng lalaki. Pero visible ang famous smirk nito.
"Alam mo bang posibleng manganib ang buhay mo rito?  Once na nalaman nila na mula ka sa ibang mundo, maraming tao o kalaban ang magiging interesado sayo. Maraming choices kung paano mo gustong mamatay sa mundong to.."

Nanlalaki ang matang napatingin sya sa duke. Shocks! Ayaw nyang mamatay ng maaga.

"Uyy! Masyado akong maganda para mamatay ng maaga! Ang dami ko pang pangarap!"


Ibig nyang maiyak. Naiimagine nya ang sariling pinupugutan ng ulo, sinusunog ng buhay, pinapakain sa mababangis na hayop, ginagawang target board, at kung anu ano pa.

------------

HE wanted to laugh sa facial expression ng babae. Halatang natakot ito sa sinabi nya.

Pero totoo naman kasi ang sinabi nya. Malaki ang posibilidad na pag interesan ito ng iba. Kagaya nga ng sabi nito, galing ito sa hinaharap. Hindi nila alam kung may dala itong swerte o kamalasan sa mundo nila. The way she talked and the way she dressed ng una nila itong nakita ay kakaiba talaga. Pati na din ang mga gamit na dala dala nito.

Ito lang din ang babaeng hindi natatakot sa kanya. At ang lakas pa ng loob nitong sagut sagutin sya! Aminin man nya o hindi, he found her alluring and seductive.

"Anong gagawin ko?" mukha talaga itong batang naiiyak. She's...... cute.

"Basahin mo kasi ang mga nakasulat dyan sa papel!"

She look at the paper. Kita nyang napapangiwi ito.

"Ano bang kondisyones to? Sampu pero iisa lang naman ang nakasulat!  'LAHAT NG GUSTO KO AY SUSUNDIN MO!' Ano to? Nanay, Tatay? Gusto kong tinapay? Ganern?"

OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon