KINGDOM OF SAUROS
Greene PalaceMarami ng high ranked officials at nobles ang nasa bulwagan ng dumating si Duke Blade at Count Chance. May pagtitipon sa palasyo ng Greene royal family para sa gaganaping Fire Fest, ang taunang selebrasyon ng Kingdom of Sauros bilang homage ng maraming fire mages.
Every kingdom in Zardheim has their own main elemental attribute. Kung ang Sauros ay kilala bilang tahanan ng mga fire mages, ang Nouran naman ay balwarte ng may mahika ng hangin. Sa Easteria naman naninirahan ang mga earth mages, samantalang sa Westerin matatagpuan ang maraming nagtataglay ng water attribute. At ang Regalla, ang sentro ng lahat. May kanya kanya rin itong taunang selebrasyon na dinarayo rin ng ibat ibang kaharian at kaalyadong imperyo.
"Paniguradong titriplehin ng kaharian ang seguridad sa araw ng selebrasyon. Hindi na biro ang pagkakakumpiska ng mga Medallan bombs sa buong imperyo..."
"Tama ka. Bali-balita rin sa Westerin na may natagpuang bomba malapit sa teritoryo ni Duke Henson. Tapos kahapon naman sa old village ng Nicus, sa Easteria. Tssk. Tssk!"
"Naku, naku! Nararapat lang na triplehin! Ang ating kaharian na lang ang hindi pa nakikitaan ng ganung bomba! Hindi natin alam kung kailan pwedeng kumilos ang mga kalaban. Baka kung kailan nasa kasiyahan ang lahat, saka magkakaaberya!"
Napalingon silang dalawa ni Count Chance sa grupo ng mga nobles na nag uusap sa kalapit na lamesa nila. Tutok na tutok ang mga ito sa pinag uusapan, at hindi namamalayan ang pasimpleng pakikinig nila ng konde.
"Nga pala, kumusta sya?"
Nangunot ang noo nya. Sino bang tinutukoy nito?
"Who??!"
"Yung babaeng natagpuan natin sa Portrait Room? Is she okay? Hindi mo ba ginugutom yun? Baka sinasaktan mo ha? " dire diretsong tanong nito sa kanya.
"Bakit ko naman gagawin yun?.. Anyway, she's doing good. Everyone treats her well. She was visited by the princes yesterday..."
"Oh, talaga? Ang bibilis talaga ng mga gago kumilos.." Count Chance reacted.
"Yeah. Ang sakit sa ulo. Para akong nagkaanak na madaming manliligaw." he sipped on his wine. Talaga namang nakakasakit ng ulo. Last week, he had a peaceful life.
Ngayon naman, ang gulo gulo ng isip nya.Count Chance laughed. " Hahaha! So, can I call you Father, too?"
He showed his middle finger. "Fvck you!"
"Hahaha! "
"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah. Can we join?"
Panabay pa nilang nilingon ng konde ang nagsalita. Ang prinsesa ng Sauros kasama ang apat na babaeng nobles.
"Greetings, Princess Delia. You look lovely today.." bati ni Count Chance.
Ngumiti ang babae. " Thank you." Nilingon nito si Duke Blade saka walang kiyemeng umabrisyete sa lalaki. "I'm glad you came."
Agad inalis ni Duke Blade ang pagkakahawak ng dalaga. He gave her a warning look.
"Shoo! "
Naiiyak na umalis ang prinsesa dahil sa pantataboy nya. Hindi naman sya mahilig mamahiya ng tao pero makulit ang babae. Aware naman sya na may gusto ito sa kanya pero hindi sya interesado.
"Poor princess. Her beloved duke doesn't loved her back.." naiiling na komento ng konde.
"She's too clingy.." nayayamot nyang tugon rito.
Ilang sandali pa ay dumating ang hari ng Sauros, kasunod si Prinsipe Dale. Agad inihain ng tagapagsalita ang mga gaganaping paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang.
"Magpapakita kaya ngayong taon ang rainbow fire spirit? Princess Delia's last year's spiritual fire dance performance was good, pero tanging ang Kajil o orange fire lang ang nagpakita... " muling umugong ang usapan sa kabilang table. Nagkatinginan na naman ang dalawa.
"We don't know. I heard that this year's performer will be the daughter of Marquis Levitico, Lady Livya. Hope that she'll perform well. Napakamahiyaing dalagita pa naman noon." sabi ng isang middle aged nobleman sa mga kausap.
"Tama ka. I also heard na ililipat na sa kanyang kapatid ang titulo ng kanyang ama.."
"Uhuh. He deserve it. Hindi basta basta ang mapabilang sa DEUMS but he made it! "
"Such a talented young man!" another man commented.
Duke Blade grinned. DEUMS is not just a group of powerful mages, for him it's also a team of a super handsome duke (ehem!) ,a bunch of idiotic princes and stupid nobles.😈😈
--------------------------
"TAHAN NA, Prinsesa Delia.. Hindi lang si Duke Blade ang lalaking babagay sayo." panay ang alo ng mga babaeng nobles sa prinsesa. Hindi nito matanggap na ipinagtabuyan sya na parang aso ng duke.
"Siya lang ang nababagay saken! Walang iba!"
"Pero, Prinsesa-------"
"Walang makapipigil saken! Wala!"
Wala talagang makapipigil sa katigasan ng ulo ng prinsesa.
--------------------------------
CARTOS EMPIRE
SOUTHDOM
ALBERTINE MARQUISATE"Sigurado ka ba anak? Kailangan mo talagang pumunta roon?" tanong ng matandang marquis sa nag iisang anak. Kasalukuyan itong nag iimpake ng mahahalagang gamit na dadalhin.
"Opo, Papa. Hindi pa nya oras.. Kailangan ko syang maibalik. Kasalanan ko kung bakit sya nandito. Hindi kakayanin ng katawan nya ang manatili dito ng matagal. She's a human!"
"Pero, Kassandra! Paano kung ikaw naman ang hindi makabalik? Anak, ibang mundo ang pupuntahan mo, hindi ibang imperyo lang... Pakiusap, wag ka ng tumuloy."
"Papa, I'm sorry but I need to. Kailangan kong mahanap ang kwintas . Iyon lang ang may kakayahang magbalik sa kanya sa tunay nyang mundo."
"Paano ka?"
Niyakap nya ang ama.
" Pa, you have nothing to worry. I'm the only seeress in this world. I can see the future. Pero may bagay lang talaga na hindi ko napigilan.."
"Once na nakita mo ang hinahanap mo, bumalik ka kaagad ha. At utang na loob, wag mo namang paglaruan ang mga portal. Look what you've done! Madaling makapasok sa mundong ito, pero mahirap makalabas." bilin nya sa anak.
"Yes, Papa. Pero kung dumating man yung oras na hindi agad ako makabalik, hanapin mo sya. "
"How?"
"She looks like me, but her hair is black. I saw her in my visions, Dad. She's with a duke and a lion..."
She casted a spell that creates a portal, a very special portal that only the Albertine's can create.
She hugged her dad before going inside the portal. "Take care, Papa! Babalik ako agad."
"Kassandra Katheryn Albertine! I'll wait for you, anak..!"
As she walked inside, a tear fell.
"I promised, Dad. Gagawin ko lahat para makabalik ako."
------------💕💕💕💕💕--------------------
naiintindihan nyo pa ba ang isinusulat ko hahaha.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...