Chapter 9

1.6K 112 20
                                    


"HOY! Hinto muna!"


Napapagod na umupo sya sa sahig.  Nananakit na ang mga paa nya kalalakad. Idagdag pang buhat buhat nya ang feeling baby na si Deathlian.



Agad lumapit sa kanya ang dalawang alalay nya. Tinulungan syang makatayo.



"Binibini, hindi dapat kayo umuupo sa sahig.. maaari po kayong madumihan." saway ni Hana sa inasta nya.


Natatawa nyang inirapan si Hana.


"Ayy, OA ng taon. Maliit na bagay lang yan, Hana. Wag kang oa."


"Ehh?! Ano po?"


"Wala. Tara na nga. Let's libot libot diz malaking mansyon!!"


Matapos magpaalam kay Duke Blade, ay pinayagan naman syang maglibot sa buong mansyon. Pinagbawalan lang syang pumunta sa ilang lugar, kabilang na ang kwarto nito.


"Kala mo naman nanakawan ang gago. Hmmp!"

Isinama nya si Deathlian sa paglilibot para may shield in case of emergency. Syempre, mawawala ba ang kanyang dalawang alipores na wala ng ginawa kundi pagpagan ang kanyang damit!

Ang oover talaga ng mga tao dito!


"Eto po ang training grounds ng mga knights, Lady Kath. At dun naman po ang kanilang quarters." turo ni Hana sa labas.


Agad syang napalingon sa itinuro nito. At namilog ang kanyang beautiful eyes sa nakita.

"Oooh! My blessed eyes! So yummy ng mga pandesal! " wala loob na nakagat nya ang tenga ni Deathlian. Agad itong tumalon mula sa pagkakabuhat nya.

"Ang landi talaga!"

Pero hindi nya pinansin ang leon. Nakatutok pa din ang mata sa mga knight na nagtetraining sa ground. Pati ang dalawang babae eh ay pasimpleng nagkukurutan sa gilid nya.

"What are you doing here!"

Nagulat sya sa malakas na boses na yun. Agad syang napalingon sa likod.


"Tangna, close up pandesal..."

Isa lang po syang simpleng babae, may kahinaan rin. At ang gantong klaseng tanawin ay talaga namang nakakapaglaway!

Wala sa loob na pinindot nya yung oh so yummy abs..

"Bes, matigas sya!"


Uulitin pa sana nya ng may pumigil sa kamay nya. She look horrified when she saw the duke's grinning face.


"Hala, takbo!"


Napatakbo sya pabalik sa pinanggalingan. Hiyang hiya sya sa inasal nya.


Nang masigurong malayo na sya kay Duke Blade ay saka sya tumigil. Sakto namang naabutan sya ng dalawang babae. Hinihingal na napahawak ang mga ito sa tuhod.


"B-binibini, ang bilis nyo pong tumakbo!" ani Eura. Hiningal yata ito ng bongga.



"Eh, bat ka ba tumakbo?" tanong nya.


"Eh kasi po tumakbo kayo!" sisi ng mga ito sa kanya.



Napatawa sya ng malakas.


"Hahahaha! Pasensya naman! Nagulat lang din ako. Hahaha."


"Naiwan na din po natin si Deathlian.."


OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon