"SHOCKS! Ang sakit na ng paa ko! Ilang talisod pa ba ang aking dadanasin makita ka lang, oh liwanag! Ayy!" hindi na nya mabilang kung ilang beses na syang natisod sa mga basurang nagkalat. Kung kanina ay malinis pa ang dinadaanan nya, ngayon naman ay baku bako at paliit ng paliit ang espasyo. Marami ding daga na kasinlaki na ng kuting. Buti na lang at immune na sya sa daga.
Agad syang nabuhayan ng loob ng may nakita syang liwanag mula sa taas. Mga ilang hakbang pa mula sa kanyang kinatatayuan, at sa tantiya nya ay kaya na nyang abutin.
Hindi pa sya nakakahakbang ng may lalaking lumundag mula sa nakabukas na manhole.
" Tagal mo bago nakarating. Nainip ako kahihintay sayo."
Itinutok nya ang flashlight sa lalaki. At namukhaan nya ang lalaking kinasusuklaman nya. Kumislap sa liwanag ang hawak nitong kutsilyo.
"D-doc?! Baka naman pwedeng pag usapan natin to.." nahihintakutan nyang pakiusap sa lalaki.
The doctor laughed." No, darling. Pagkatapos kong gawin ang gusto ko, I want you dead. As in dead."
"Doc naman! Sa dami ng babae, bat ako pa?!" aniya habang unti unting umaatras. Bahala na. Kahit bumalik sya sa pinanggalingan basta ang mahalaga makalayo sya sa lalaki. May mapupulot naman siguro syang panlaban sa nadaanan nyang basura.
"Bakit nga ba ikaw?? Hahaha. Because I want you! I always get what I want, pero ikaw? Palagi mo akong iniiwasan..."
"May mental problem ka na, Doc! Psycho ka!" sigaw nya dito habang pasimpleng tinatanggal ang sandals. She was mentally counting in her head.
"Call me psycho, I don't care. Sisiguraduhin ko namang hindi ka na makakalabas dito.. " He licked the knife's blade.
'Tangna! Sinong matinong tao ang gagawa nun?! May sapi talaga to, malala!'
Humakbang palapit sa kanya ang doctor. He was smiling like a psycho.
Wala syang inaksayang oras. Agad syang tumakbo pabalik sa pinanggalingan nya. She heard him shouting and laughing at the same time.
"Run, Katheryn! Run!!"
"Siraulo ka! Masyado akong maganda para mamatay ng maaga!" she shouted back, which he answered with his annoying laugh.
Nasa kalagitnaan na sya ng pagtakbo ng matigilan sya. May tatlong tunnel syang nadatnan, na wala naman ng dumaan sya kanina.
"Hala! Saan ang tamang daan?!"
Pare pareho lang ang tatlong lagusan. Gusto pa sana nyang mag Eenie Meenie Minee Mo pero naririnig na nya ang boses ng siraulong doctor. Hindi na sya nagdalawang isip na pumasok sa kaliwang tunnel.
"Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hanggang dito ba naman sinusundan ako... huhu! San na ba kasi yung labasan!" Hanggang natanaw nya ang isang liwanag. Agad syang tumakbo papalapit roon.
-------------------
"DEATHLIAN! STOP!!!" Duke Blade's voice boomed inside the Portrait Room. But the giant lion kept on running back and forth. Natatabig na nito ang ilang portraits na nakasabit sa dingding.
"What happened to him? Bakit parang gusto nyang magwala?" tanong ni Count Jib sa katabi nitong si Prince Dale. The prince just shrugged.
Natigil ang pagpupulong slash pag aasaran nila ng biglang umalulong ng malakas ang nananahimik na leon na nasa isang tabi. Hindi ito mapakali at panay ang takbo na parang isang aso. He looked excited na ewan. Kahit ang amo nitong si Duke Blade ay hindi nito pinakikinggan.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...