HOTEL DMITRIV
FRANCE" Legit ba yang hawak mo? Sigurado ka bang mapababalik si Katheryn nyan?" naiinip na tanong ni Blaze sa dalaga.
"Oo naman. Divine relic kaya ito! Maghintay ka lang dyan.."
Walang nagawa ang binata kundi maghintay sa isang tabi. Lumipas ang ilang minuto ....hanggang maging sampu.... labinglima.....
"Granny, mauubusan ka na ng oras..."
paalaala ng binata."Just wait." pinagpapawisan na din sya kahit malamig sa kwarto.
...isang minuto...
...trenta segundo.....
Isang nakasisilaw na liwanag ang pumuno sa kwartong iyon. Nang bumalik sa normal ang liwanag, isang babaeng nakablue gown ang nakatayo sa gitna ng silid.
"Tangna! Im back!" sigaw nito.
Nagpalinga linga si Blaze.
"Shet! Nawala si Granny!" tanging ang libro lang na ibinigay nya ang naiwan nito.
Nagkatinginan sila ni Katheryn. Halatang nagulat ito ng makita sya.
"Welcome back, Miss Marquez!"
"Hala! Di ba ikaw si.....?"
"The one and only Blaze Dmitriv."
ZARDHEIM
SAUROSMabilis na tumakbo si Deathlian pauwi ng mansyon, sakay ang tahimik na duke.
Hindi maipinta ang mukha nito. Lahat ng bumabating kawal at katulong ay hindi nito pinapansin.
Nasalubong nito ang dalawang ladies in waiting ni Katheryn.
"Greetings! Ang binibini po?" ngunit walang nakuhang sagot ang nagtanong.
Dumiretso ang duke sa kwarto ng dalaga. Nagbabakasakaling nasa kwarto lang ito at binibiro sya.
But the room looks empty.
Naupo sya sa kamang ginamit nito. Maayos na nakatupi ang kumot, gayundin ang pagkakapatas ng mga unan.
Naramdaman nya ang balahibo ni Deathlian na kumikiskis sa binti nya.
"She's gone, right? Babalik pa ba sya?" mahina nyang tanong sa alaga.
The lion just growled sadly.
Nang sumunod na mga araw ay nagmistulang haunted ang mansyon. Napakatahimik. Ayaw na ayaw ng duke na makarinig ng mga tawanan. Tanging mga knights na nagtetraining lang ang pinapayagan nitong mag ingay.
"Grabe namang umibig ang duke. Pag nasasaktan, damay lahat!" bulong ni Eura kay Hana ng minsang naglilinis sila sa kwarto ni Katheryn. Nakita kasi nila itong pumasok sa kwarto ng dalaga, at pinagyayakap ang unan. Nagalit pa nga ng palitan nila ang mga punda ng unan nito. Wala silang nagawa kundi muli itong ibalik.
"Kaya nga. Namimiss ko na rin ang binibini kahit medyo pasaway sya."
"Kelan kaya sya babalik?"
-------------------------
PRANSYA
1820SAMANTALA sa isang maliit na nayon na malapit sa ilog, isang babae ang natagpuan ng mga batang naglalaro. Duguan ang ulo nito at walang malay.
Agad humingi ng saklolo ang mga bata sa mga kanayon.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...