Chapter 29

1.1K 65 8
                                    


"Eh?? Bakit ang daming tao?" Napatigil sa paglalakad si Hana ng sapitin nya ang receiving hall ng mansyon. Pati ang nasa likod nyang si Eura ay natigilan din.



"Bakit ka huminto?" napasilip ito sa harapan. "Ayy! Anong meron?"



Kaharap ni Sir Noah ang Deums, may dalawang babae rin ang tila nahihiyang nakaupo sa isa sa mahabang sofa ng hall.



Sakto namang napalingon ang head butler sa kanila.



"Ah! Eura, Hana? Gising na ba ang binibini? May mga nais bumisita sa kanya.." nakangiting sabi ng matanda.


"Eh? Lahat po sila?" Tango lang ang sagot ng kausap.


Dali dali silang nagtungo sa silid ng dalaga para gisingin ito. Nauuna si Hana na pumasok.



"Lady Kath! Bumangon ka na! May mga bis---- " Biglang nanlaki ang mata ng dalaga sa nakita. "Ayy, balik Eura! Balik!" dali daling hinila ni Hana ang kasama na naguguluhan.


"Bakit?"



"Basta!" agad nitong sinara ang pinto. Namumula ang mukha nitong humarap sa kaibigan.



"Anyare sayo?"




"Darating ang araw na may aalagaan na tayong bata."



"..................." Eura.



---------------


Samantala...



Nagising si Kath sa mainit na hangin na nasayad sa leeg nya. Medyo nakikiliti sya kaya naisipan nyang silipin. Agad nanlaki ang mata nya ng makita ang ayos nila ni Duke Blade.


Nakayupyop lang naman sa leeg nya ang masungit na duke. Nakayakap at nakadantay sa kanya ang malaki nitong katawan!


"Uyy! Gising!" ngunit hindi man lang ito natinag.


"Wow ha! Napisat na yata ang katawan ko sa bigat." sinubukan nyang gumalaw pero nahigpit ang yakap nito. Naipit ang kamay nya sa pagitan ng tyan nila kaya pilit nya itong kurutin.


"Tangna, bakit kasi matigas ang abs!" Inulit nya ulit pero kumibo lang ito ng kaunti.



"Naman oh!" Nanggigigil na kinurot nya ulit ito. Nilagyan na nya ng pwersa ng magising.



Biglang bumalikwas ng bangon ang duke. "THE FVCK!! OUCH!" hawak nito ang harap saka masama ang tingin sa kanya.



Agad syang bumangon at nameywang. "Aber! Bat ganyan ka makatingin?"



Nanghihinang naupo sa kama ang binata, sapo pa din ang harap. " Bakit mo ako kinurot dun? Sa dami ng pwedeng kurutin, bakit dun pa?"



Nangunot ang noo nya. "Hoy! Sa tyan kita kinurot ha!"


Umiling ang binata. "Hindi.. Hindi dun! Iba ang nakurot mo! Masakit ang ...." nakagat nito ang pang ibabang labi dahil sa hapdi.



Hindi naman sya boba para hindi maintindihan ang sinabi nito. Feeling nya ay namula ang tenga nya sa hiya.



"Eh? S-sorry.. Akala ko tyan mo. Matigas kasi..." mahina nyang sabi saka kakamot kamot sa ulong nagbaba ng tingin sa lapag.


'Shocks! Kamoteng kahoy pala yun?! Hayuupp! Nakakadyahe!'



Muli nyang tiningnan ang binata. Nakangisi itong nakamasid sa kanya. Inirapan nya ito. Umusog ito palapit sa kanya.



"Ikaw ha! Sumisimple ka." tudyo nito sa kanya.



OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon