Chapter 28

1.2K 89 25
                                    

"Hey, I got you!"

Nakangiting sabi ni Prince Arius sa kanya. Marahan sya nitong ibinaba sa lupa.

"S-salamat!"

Biglang namula ang prinsipe ng makita ang kaanyuan nya. "Aay! Anu ba yan!" Dali dali sya nitong tinalikuran.

"Problema nun? "

Tumingin sya sa langit. Nananatiling nakalutang ang ilang Deums, kaharap ang lalaking sakay sa griffin. Nangingibabaw ang itim na aura ni Duke Blade dahil sa pakpak na gawa sa apoy.

Makalipas ang ilang sandali ay ibinaba na ni Prince Wade at Sir Dolf ang earth wall. Malayang nakalabas ang lalaki sakay ng griffin.

Napatingin siya sa paligid. Nagkalat ang mga mages na handang bumack up sa gulong nangyari.

"Ate Kath!" awtomatikong napatingin sya sa tumawag. Papalapit ang magkapatid na ponkan. Bakas ang pag aalaala sa mukha ng mga ito.

"Ate, ayos ka lang? Hindi ka ba nya sinaktan?" alaalang tanong ni Tangerine.

Umiling sya. "Hindi naman nya ako sinaktan, pero yung hayop na bumitbit saken, grabe makabitbit! Ang talas ng kuko!" reklamo nya.

"Yung griffin, ate? Kasing talas ng dulo ng espada ang kuko non!"

Chineck nila ang katawan nya. May gasgas at nagdugo ng kaunti.

"Grabe naman yun! Buti na lang napigilan ng Deums ang pagtangay sayo!" ani Inna.

"Kaya nga. Napakabilis ng pangyayari. Hindi agad nakakilos ang mga kawal. Buti na lang talaga at present sa pagdiriwang sina Duke Blade. Kung nagkataon, hindi namin alam ang mangyayari sayo. "

"Tangna! Baka may rabies yung griffin ha! Naku, lang talaga!"

"Tara na sa tent! Doon natin gamutin ang sugat mo!" anyaya ni Tangerine.

Pasimple syang nagmasid. Ang dami pa ding nakatingin at nakikiusyoso sa kanya.

"Mainam pa nga."

Paalis na sila ng makaramdam sya ng paninindig ng balahibo.

Shocks! Ano yun?

Ipinilig nya ang ulo para mawala ang kabang nararamdaman.

Hindi pa sya nakakahakbang ng may biglang yumakap mula sa likuran nya. Hindi lang sya ang nagulat dahil pati ang nasa paligid ay napasinghap rin! Kita nya ang panlalaki ng mata ng Tang- Inna sisters. Natutop pa ni Inna ang bibig.

Agad siyang pumiglas sa pagkakayakap nito pero lalo lang nitong hinigpitan.

"Stay still, please. Let me hug you."

Oh, his voice. His cold sexy voice. Namiss nya ang masungit na ito.

Hinarap nya ang binata. Ah, she missed those purple eyes!

"How are you?" hinaplos nya ang makinis nitong mukha. Nangingitim ang ilalim ng mata nito, tanda na wala itong maayos na tulog.

"I missed you... so much. Don't leave me again like that. Hindi nakakatuwa."

"Weh? Hindi nga??"

"I'm serious."

"Pero balita ko may fianceé ka na raw eh.." panunudyo niya rito. Pero mali yatang magbiro sa lalaking masungit.
His face darkened.

"I don't give a damn on that woman! Fvck those engagements! Fvck those rules! Ikaw ang gusto kong makasama! Kaya wag ka nang muling umalis."

Muli nyang hinaplos ang mukha nito. "Bat nagagalit ka?" She stared at his darkened purple eyes. She suddenly remembered the animé character na favorite ni Eunice, si Lelouch Vi Britannia.

OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon