Chapter 26

1K 75 15
                                    


"HINDI ako pupunta, Deathlian. Stop pulling my sleeves." suway nya sa alaga. Busy sya sa mga oras na ito. Tambak ang mga reports na kailangan nyang reviewhin. Wala na syang sapat na oras para magliwaliw, besides, sigurado naman sya na pupunta si Count Chance at iba pang kaibigan.


Subalit, patuloy lang na nagpapapansin ang leon sa kanya. He can't help but sighed.


Hinarap nya ito. "What is it?"

Deathlian lets out an excited growl. Gusto nyang mabuhayan ng loob sa pinapakita ng alaga.


"Is she coming? Tell me, buddy!" hinaplos nya ang balahibo ni Deathlian. The lion just rub his mane to his master's arm.


"Just give it a try, Blade.." rinig nyang sabi ni Sir Noah. Busy din ito sa sarili nitong table.


"K."


Tumayo sya at nagtungo sa pinto. Nagbilin lang sya sa butler nya saka lumabas. Kasunod nya ang nakagiant form na leon.


Agad nagtabihan ang mga nakakasalubong nyang tauhan ng mansyon.

"Greetings, Duke Blade!" nakayukong bati ng mga ito. As usual, hindi man lang lumingon ang binata.

----------

"TANGNA! Eto ang ipapasuot nila saken?" maang nyang tanong ng makita ang damit na isusuot nya 'kuno' sa spiritual dance.


"Grabe.. ang laki ha. 3xl yata ang size nito eh."


Lumapit sa kanya si Marquis Levi.
"Lady Kath, can we talk?"

Ngumiti sya rito. Ampogi naman kasi talaga!


"Sure, why not?"

Sa isang sulok ng tent ay masinsinan syang kinausap ng binata.

"I can't thank you enough for saving my sister's performance, Lady Kath. Kung anuman ang kailangan mo, just tell me. Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya." sincere na sabi ng binata. Titig na titig ito sa kanya.


'Shocks! Why naman kasi ang popogi ng mga guys dito.' she mentally face palmed. Gusto nyang kiligin.


"Ehehe. Wala yun!" pasimple nyang hinampas ang balikat ng binata. "Maliit na bagay lang yun. Enebe.." pasimple nyang hinawi ang buhok patungo sa tenga.


'Kiriray! Malandi!' boses ni Dyosa Lyka.

'Hmm..' no comment talaga si Ymar.

'Go, girl!' pagchicheer ni Christina sa kanyang kagagahan.

She mentally rolled her eyes. Hindi talaga matino ang mga kapwa nya diyos at diyosa. Kulang din sa turnilyo.

"Ate Kath! Hindi ko makita si Nanay! Paano na yan? Ang laki ng damit mo!"  nilapitan sila ng humahangos  na si Tangerine.

Hinarap nya ang dalagita. "Tangna! Hindi mo ako mapapasayaw na ganun ang damit. Parang sinabi mo na magbigti na lang ako." Napanguso sya rito.

"Ah, anung klaseng damit ang kailangan? Baka may mahahanap ako sa gamit ng kapatid ko?" tanong ni Levi.

"Something sexy, something curvy, something shiny, basta yung komportableng isuot?! Ganern!"


Namula si Levi. "K-kelangan ganun ang suot?"



"Hindi. Gusto ko lang. Bakit ba?!" pang aasar nya sa namumulang mukha ng marquis. "Uuuy! Blushing si Koya! Hehehe."



OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon