Chapter 32

950 62 18
                                    


Isang malakas na pagsabog ang gumising sa kabayanan ng Belona, na sakop ng kaharian ng Westerin. Nagmula ang naturang pagsabog sa kabundukang nagsisilbing harang sa pagitan ng Zardheim at Cartos. Nang humupa ang makapal na usok ay agad inimbestigahan ang nangyari. Kabilang sa nakiusyoso ang ilang miyembro ng Deums na mamamayan ng naturang kaharian.

"Medallian bombs glass fragments..." tukoy ni Duke Henson ng makita ang nagkalat na bubog sa pinangyarihan. Madaming puno ang nawasak at may ilang malalaking uka sa lupa.

"Nasabi ni Emperor Ivan na hindi kalaban ang imperyo ng Cartos. Narinig ko nung nagkaharap sila ni Duke Blade.." ani Sir Louis.


"Tama. Imposible ding gawin yun ng emperador dahil maayos naman ang samahan nilang magpinsan! "sang ayon naman ni Count Jib.

Hinarap ng Duke ang dalawa. "May punto kayo. Kilala natin ang pinuno pero hindi natin kilala ang mga nasasakupan."


Nilapitan ni Count Jib ang isang malaking uka. "Grabe, ang inilalim ng isang to! Diretso libing ka na kung nagkataon."

"Usok pa nga lang ng Medallan bombs nakakamatay na, pano pa kung masabugan ka noon? Ayst!" komento ni Sir Louis.


"Oo na. Dami mong alam. Umpisahan na natin tong linisin. Madami pa akong gagawin!"


"Sungit. Mana ka talaga kay Duke Henson, palibhasa tumatanda na."


Inis na binalingan sila ng duke. "Louis, bibig mo pasmado! Gusto mong pasakan ko yan ng Medallian bombs?"

Tinakpan ng soon to be marquis ang bibig. "No comment na nga! " biro nito na nakaani lang ng masamang tingin mula sa duke. Nilingon nya ang kaibigang konde na tatawa tawang binelatan lang sya.

"Gagu!"

-------------------

Samantala...

"Hoy! Bakit naparito si Marquis Albertine?! Anong napag usapan nyo?" pangungulit ni Count Chance kay Duke Blade. Busy ang huli sa pagkukwenta.

"Wala nga!" bulyaw ni Duke Blade. Nawawala sya sa konsentrasyon sa ginagawa ng konde.

"Sabihin mo na nga kasi!" isa pa ding makulit ang prinsipe ng Sauros. Pilit nitong inilalayo ang mga papeles sa kaibigan.

"Wala nga sabi! Ang kukulit nyo ba!"

"Ah! Isa tong pagtataksil sa palasyo! Siguro may pinaplano kayo ano?"  hinala ni Prince Dale na syang ikinasama ng tingin ni Blade dito.

"Fvck you! Hindi ako ganoon. Isa pa ang usapang yun ay para lamang sa aming dalawa. Hindi kayo kasali dun!"

"Ah! Siguro marriage proposal yan para sa anak nya ano?" nakangising sabi ng prinsipe. Lumapit pa ito sa kanya para usisain. "Alam mo ba ang sabi sabi sa Cartos, may itinatagong anak daw ang Marquis na mala mangkukulam ang hitsura? Ha! Yari ka pag nagkataon. Ngayon pa lang sinasabi ko na, 'May you rest in peace'. Ako na ang bahala kay binibining Katheryn."

Inambaan ng suntok ni Duke Blade ang prinsipe bago tumayo sa kinauupuan. "In your dreams!"

Sumiit sa usapan si Chance. "Wag mong kalimutan ang Heart of Fire, sa isang araw na yun. Oras na manalo ka, goodbye Katheryn ka na talaga. Pero, wag kang mag alaala. Marami naman kaming pwede nyang pagpilian." pambubwisit pa nito sa kaibigan.


"Tsk! You're lucky enough 'cause Deathlian is not around. If he's here, sinisigurado kong uuwi kayong walang ulo."

"Pwede ka namang magback out sa kumpetisyon. Pero sayang naman ang iyong mga pinaghirapan kung mauuwi lang sa wala, di ba?" siit ni Levi. Busy ito sa isang sulok, pinapapak ang hindi nagalaw na pagkain ni Marquis Albertine.

OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon