Akala nya sa Pilipinas lang uso ang marites, kahit pala sa sinaunang panahon, sa ibang mundo, ay present din sila. 😑
Pagkababa pa lang nya sa karwahe habang inaalalayan ng duke, nakakuha na agad sila ng atensyon mula sa mga dadalo sa oathtaking ni Sir Levi. Gusto na sana nyang bumalik sa karwahe kundi lang hinawakan nito ang kanyang kamay at iniangkla sa bisig nito.
"I'm with you.." bulong nito sa kanya. Gusto na sana nyang kiligin kaso mas malakas ang kaba nya dahil sa hiya.
Pagdating nila sa main hall ay lalong dumami ang napapatingin. Lalo na sa mga kababaihan.
"Who's that? Which noble house does she come from?"
"Why is she with the duke?"
"Ang ganda nya naman. Nakakainggit..."
"Kaya nga. Kung ako ang mahal na duke, hindi ko na sya papakawalan."
At kung may humahanga, hindi din mawawala ang basher.
"She looks like a trash." komento ng mas mukhang basura.
"True!" sang ayon ng kasama nito.
Pasimple nyang inirapan ang mga ito. Gusto sana nyang makipagbardagulan kaso wala sya sa Earth. Baka dito pa sya maputulan ng dila.
"Oy, Duke Blade! Lady Katheryn!"
Agad nilang nilingon ang tumawag. Si Count Chance kasama ang ilang myembro ng Deums, pwera lang sa mga prinsepe. Marahan syang iginiya ng duke sa pwesto ng mga ito.
"Hello sa inyo! Nagkita muli tayo." nakangiti nyang bati ng makalapit.
Napansin nya ang ilang singhapan at gulat ng ilang kababaihan mula sa kalapit na pwesto nila. Maya maya'y nagbulungan na ang mga ito.
"Never mind them.. "ani Duke Blade.
"How are you? Wala na kaming naging balita sa'yo mula ng umalis ka. May isa kasi dyan na sobrang damot, bawal daw ang bisita. By the way, I'm Duke Henson of Westerin.." The guy was probably in his late 30's , at mukhang ito ang pinakakuya sa grupo. He has this brown hair and chinky brown eyes. Papasa itong Asian.
"Okay naman. They treat me nicely." hindi nawawala ang ngiti nya.
Ilang kumustahan at muling pagpapakilala ang naganap sa pwesto nila bago ituon ang atensyon sa nagsisimula pa lang na oathtaking ng bagong Marquis.
Pasimple nyang inoobserbahan ang mga bisita. Lahat ay mukhang yayamanin. Ang mga babae ay kakikitaan ng elegance sa kasuotan, pero nevermind na lang sa ugali. Hahaha.
Nang matapos ang seremonya ay lumapit din sa kanila ang bagong marquis kasama ang isang babae, na sa tantiya nya ay nasa edad disiotso.
"Lady Katheryn! You're here!" nakangiting bati ni Marquis Levi.
Ngumiti din sya sa lalaki. "Congratulations, Marquis Levi!"
"Nah. Just Levi for you, milady.." kinuha nito ang kamay nya at hinalikan.
Nagulat sya ng bawiin ni Duke Blade ang kamay nya mula sa pagkakahawak ni Levi. " Fuck off!" mura pa nito saka pinunasan ng panyo ang kamay na hinalikan ng marquis.
"Easy man. High blood agad?" komento ni Marquis Levi.
The lady besides Levi laughed at the duke's sudden reaction.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...