Chapter 6

1.8K 99 15
                                    


"Ampunin nyo muna ako, please! Wala akong alam sa mundo nyo. Saka hindi ko pa alam kung pano makakabalik..  " she pouted while looking at the twelve guys.




Nakasundo nya agad ang mga ito kahit nung una ay pinagdududahan sya ng mga ito. Buti na lang at may cellphone syang dala, ilang id's na wala sa mundong napuntahan. Nagkaroon din sila ng deal na kapag gumawa sya ng kalokohan sa mundong iyon ay sila mismo ang magpaparusa sa kanya.




"Wag naman gangbang ha! Maawa kayo!"




"What?" Clueless na tanong ng mga ito.




"Ayy, never mind." buti na lang at hindi nila alam yun. Nakakahiya.




Kanya kanyang presinta ang bawat isa, at dun nya nalamang hindi basta basta ang mga nakilala. Halos malula sya sa pinagsasasabi ng mga ito. May naririnig syang vacation house, manor, at palasyo. Gosh! Mga bigatin ang nakadaupang palad nya!




Pwera na lang sa isang lalaki na masama pa din ang tingin sa kanya. Pero pag napapatingin kay Deathlian ay lumalambot ang hitsura.




"Hoy, Deathlian. Pansinin mo naman yung amo mo! Ang laki ng galit sa akin oh!"



"Later. Tinatamad pa ako. " she yawned.


"Ay naman oh!"


"Oh, ganda! Nakapili ka na ba kung kanino ka sasama? Sa palasyo namin, magbubuhay prinsesa ka kasama ko..!" nakangiting sabi ni 2nd Prince Arion.


"Sa Kingdom of Sauros, mahal. Dun ka bagay..." ani Prince Dale na may kasama pang kindat.



"Sa palasyo namin sa Easteria, binibining Katheryn, handa kitang pagsilbihan!" banat naman ni Prince Wade.



Napangiwi sya sa kakornihan ng mga ito. Hindi nya din alam kung sino ang pipiliin nya.

"Deathlian, Help!"

"Ok!"


Deathlian got up to his feet. Lumapit ito kay Duke Blade at kinagat ang sleeve ng damit nito. Hinila ito palapit sa kanya.



"What the hell?! Let me go, Deathlian!" pasag ni Duke Blade. Ngunit hindi pa din ito binitiwan ng leon.



"Ha?! Sa kanya ako sasama?? No way!"





"Arte mo! Siya kaya ang master ko. Sa kanya din ako nakatira noh! Malamang sa kanya din tayo sasama!"


"Eeeeh! Pwedeng iba na lang?"



Deathlian just growled at her. Naparoll-eyes na lang sya sa iginawi nito.




"Fine!" tumingin sya sa masungit na duke. " Sayo daw ako sasama, sabi ni Deathlian..."




Napaiwas ang lalaki." What?! No way! Ayoko! Saka he can't talk!"




Nag angilan din ang ibang prinsipe. Hindi din pabor sa sinabi nya. Pero inungulan lang sila ni Deathlian.




"See?! Look at the way he behaves!  Yun ang gusto nyang iparating. Use your common sense, pangit!"



"Aba't!-"



"Shut up, duke! As if naman ginusto ko yun?! Si Deathlian sisihin mo! Sya ang may gusto nun, not me!"


"Hala hoy! Nananahimik ako dito ha!"


"Sa dami ng pwede mong maging master eto pang lalaking to.. Hmmp!"


"Swerte mo nga at pinapansin ka nyan..."


"Di na uyy!"

Sayang naman ang kapogian nito, mukhang magiging sanhi pa ng maaga nyang kamatayan.

-----------------------

"AAAAH! Awat na! Tama na ang sigawan. Please, mga people. Usap ng maayos, pwede?" ani 1st Prince Arius na rinding rindi na sa pagpapalitan ng salita ng dalawa. Kailangan nya ng mamagitan dahil nasasayang ang oras. Hindi makausad ang author sa chapter na to! Masyado ding iparamdam na extra character lang sila!



Seriously, wala talaga syang aasahan sa mga kasama nya. Lahat manghang mangha sa pakikipagbardagulan ni Duke Blade sa babae. They know him as the cold blooded duke. Walang pakialam, and all he cared was his pet lion. Kung pet pa nga bang matatawag sa laki nito. As a prince from the North Kingdom, he knew na hindi basta bastang leon si Deathlian. He's a guardian, one of the twelve divine beast.




The 'transported' woman, on the other hand, had the guts. Siguro dahil na din sa galing ito sa ibang mundo kaya ganun ito makitungo. She never acknowledge them as royals. Kaya ang lakas din ng loob na bara- barahin ang kilalang Duke ng Sauros.




"Hmmp! Sige, papayagan kitang tumira sa ducal house, pero madami akong rules na dapat mong sundin!"






"No problem. As long as andun si Deathlian, go ako! Mapagtitiisan ko naman siguro ang ugali mo. "





Duke Blade smirked. " For Deathlian's sake. Let's see.."






----------------


"INGAT ka dun, mahal! Dadalawin kita pag may pagkakataon!" nakangiting sabi ni Prince Dale sa kanya. She cringed when she called her 'mahal'. Hindi naman sa ayaw nya sa prinsipe pero natutrauma pa sya sa nangyari sa kanya. Dahil sa kabaliwan ng doktor na yun napadpad tuloy sya sa mundong hindi nya akalaing nag eexist.




"Ganda, pag inaway ka ng duke na to, sumulat ka lang sa akin at agad kitang susunduin!" si Prince Arion naman ang nagpakita ng interes sa kanya. Natatawang tumango na lang sya.




"Psh! Hindi ka pa ba tapos magpaalam sa mga iyan? " ani Duke Blade na naghihintay sa labas ng pinto ng Portrait Room, kung saan pupwede ng gamitin ang magic na taglay nila. Sa tulong ni Deathlian ay pwede syang makalabas na hindi nakikita ng ibang mages. May superspeed ability kasi ang leon.




"Hmp!Ang sungit talaga! Eto na po!"





Nagpaalam na sya ng tuluyan sa mga ito. Pati na din sa dalawang knight na nanutok ng espada sa kanya.


"Salamat at buhay pa ako! Pramis, magbabait ako! Mwah!" sigaw nya sa mga ito bago umakyat kay Deathlian.




Natatawang kumaway naman ang mga ito sa kanya.


"Tangna ang popogi talaga!"

"Ang harot!"




"Oi, minsan lang to noh!"



"Hold tight. It's not my fault pag nahulog ka!" may kasungitang sabi mula sa likuran nya. Prente itong nakaupo sa likod.




Nabigla sya ng bigla nitong tinapik si Deathlian. Napasandal sya sa lalaki ng agad sumibad ng takbo ang leon na parang nagblurred na lang ang paligid sa sobrang bilis.




"Hoy! Maiiwan ang kaluluwa ko! Hayup ka!" mura nya habang mahigpit na nakakapit sa balahibo ni Deathlian. Napapapikit sya sa hampas ng hangin sa mukha nya.



Isang malutong na tawa lang ang narinig nya.



-----------------
😅😅😅😅

OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon