Chapter 3

2.1K 111 6
                                    

ZARDHEIM

ANG Imperyo ng Zardheim ay nahahati sa limang bahagi:

NOURAN. Ang North Kingdom na pinamumunuan ng Harris royal family.

SAUROS. Ang South Kingdom kung saan ang royal family ng Greene ang namumuno.

WESTERIN. Hawak naman ng Monteluce royal family ang West Kingdom.

EASTERIA. The East Kingdom ruled by the Deviera royal family.

At ang REGALLA o Main Capital kung saan nakatira ang Emperor at Empress ng Zardheim. Eto rin ang sentro ng kalakalan at iba pang transaksyon sa pagitan ng mga kaharian.

Zardheim was ruled by Emperor Luxe and Empress Catalyne. But due to their old age, kailangan na nila itong ipasa sa susunod na tagapagmana.

Pero hindi tulad ng ibang imperyo na anak na lalaki ang magmamana sa trono, may tradisyon ang Zardheim na  kinakailangang sumalang sa Heart of Fire ang bawat kandidato. Hindi sapat na nobility ka at may naipanalong gyera. Kailangang masukat ang lakas ng kapangyarihan o magic na taglay mo.

Ang Heart of Fire  ay isang pagsubok kung saan ipapatong ng bawat kasali ang dalawang palad sa Plate of Fire, isang nag aapoy na divine relic. Kinakailangang mabago ang kulay white na apoy nito. The darker the color, the stronger the person may be.

Emperor Luxe maintained the dark blue lineage when he tested the Heart of Fire. Now that he's getting old, he wants someone who will surpass their era.

Kahit ang pagpili sa Empress ay iba din. They believed on winged prophecies called Orakuro. Orakuro are bright divine beings who choose a ruler's bethrothed. They looked like seraphims. They are summoned during a holy ritual on the sacred room of the temple.

Kapag nakapili na ang Orakuro, the chosen maiden will be transported from her place to the temple's sacred room. No one can enter to the room except for the High Priest and the current empress. Besides it was highly guarded by the Nix, the divine beast phoenix. So, either you're a noble , royalty, or a commoner, if you're the chosen one, the throne is yours.

Zardheim is  full of  mages. From Battlemages, Healers, Elementalist, and Celestials. Pero limitado lang ang kakayahan ng bawat isa. Isa o dalawang ability lang ang kayang imaintain ng katawan ng bawat mages.

Pero exemption ang DEUMS. Binubuo ng labindalawang kalalakihan na pawang myembro ng mga royal families at nobles na sinasabing higit pa sa dalawa ang taglay na ability.

Women swoon over them...

Enemies want to destroy them...

They are all dashing, but deadly...

And one of them will rise as the new Sun of the Empire.

-------------------------

MGA nagmamadaling mages ang makikitang pabalik balik sa loob ng Main Tower ng Zardheim, busy sa kani kanilang gawain. Ito ang pinakasentro ng lahat ng magic tower sa buong imperyo, kung saan bawat kingdom ay may sariling tower. Ang mga magical tower na ito ang gumagawa ng mga magical tools na ibinebenta sa Zardheim at kalapit imperyo.

Samantala, may ginaganap na pagpupulong sa Portrait Room ng Magic Tower ang grupong Deums.

"Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sa akin yang alaga mong leon, Duke Blade! Kadarating ko pa lang inaangilan na ako!" reklamo ni 2nd Prince Arion ng Nouran Kingdom. Naupo sya sa bakanteng upuan.

OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon