"SAKTO lang sayo ang mga damit, ate Kath. Pasensya na kung medyo hindi kagandahan. Yan lang kasi ang meron ako." Hinging paumanhin ni Tangerine. Pinahiram kasi sa kanya ang ilan nitong damit na hindi ginagamit.Isinukat nya ang mga damit. Tama lang sa kanya, hindi man kasinggarbo ng dati nyang sinusuot pero malinis at komportableng isuot.
"Sus! Wala yun. Ako nga dapat ang humingi ng pasensya, nakaistorbo pa ako sa inyo.. Salamat dito, Tang. Ang gaganda kaya! Look at the fit!" aniya habang binibistahan ang sarili sa salamin.
"Ipagtatahi kita ng damit pag may labis na tela, Kath." sabi ni Ginang Leondra sa kanya. Busy itong nananahi ng isusuot ng binibini ng Salem Estate para sa pagdiriwang. Tinutulungan ito ng anak na si Inna.
"Salamat po, Nay Leondra! Yaan nyo tutulungan ko kayo sa pananahi! May background po ako bilang sewer...Nagdedesign din po ako ng mga gown."
Napangiti sa kanya ang ginang. "Salamat kung ganoon. Bihira lang ang nagpapagawa saken ng damit, at tanging si Lady Livya lang ang noble lady na nagtitiwala sa kakayahan ko."
"Realtalk Nay, kulang ka lang po sa fashion ideas pero maayos naman ang fitting at color combination ng mga damit.. "aniya saka pinapasadahan ang ilang kasuotan na maayos na nakasabit sa kwartong yun.
"Grabe! Ito talaga ang isusuot ni Lady Livya? Ambigat nito! Makakasayaw pa kaya sya ng ayos dito?" reklamo ni Inna habang binibilang ang layers ng damit. Ibat ibang kulay na animo'y rainbow.
(credits kay google. yan ung naiisip ko eh hahaha)
"Ganyan ang disenyo na ipinapatahi nila. Hindi ko alam kung bakit ganyan, pero nung nakaraang taon ay napakahapit ng suot ni Prinsesa Delia." paliwanag ng matanda.
"Ang alam ko masyadong mahiyain ang Binibining Livya kaya pabor sa kanya ang ganyang kasuotan..." ani Tang.
Siya namang nakikinig sa usapan ay napapangiwi lang.
'Nakakaumay yung outfit, te! Maganda sya, pero hindi nya bet. Parang birthday party!'
Matapos nyang likumin ang mga damit na bigay ni Tangerine ay tumulong na lang din sya sa mga ito. Wala ang batang si Kael dahil busy na naman itong magpastol ng tupang mukhang baboy.
"Nanay Leondra, pwedeng sakin na lang tong mga retasong maliliit? Gagawin kong pantapal.." hinging permiso nya. Napakaraming maliliit na tela pero pwede pang magamit.
"Huh? Pantapal saan?"tanong ni Inna.
" Pantapal sa dibdib at sa pepsi cola. Hindi ko feel yung style ng undie nyo eh, masyadong makalola."
"Pepsi cola? "
Natatawang tinapik niya ang hinaharap ni Tang. "Eto oh!"
Gulat na napaigtad ang dalaga. "Ay, nanay ko!" sigaw nito.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...