"ANONG sabi ng healer?" tanong ng mga kaibigan nya ng makalabas sya galing kwarto ng dalaga.Naupo sya sa pinakamalapit na sofa. "Her magic was unstable. Nagkakagulo ang flow nito sa katawan nya. That makes her nose bleeds."
"Well, I remembered her wielding fire magic during the fest. Akala ko wala syang kapangyarihan?" tanong ni Duke Brix. Tumango ang iba sa sinabi nito.
"Siya lang ang makakapagpaliwanag nyan. Sa ngayon, hindi pa masabi ng healer kung kelan sya magigising.." Duke Blade replied.
-------------------
Nagising sya sa malawak na damuhan. Pamilyar sa kanya ang lugar, hindi nya lang maalaala kung saan.
"Welcome back! Andito ka ulit sa Morfei, Katheryn!"
Napalingon sya sa nagsalita. And there stood the most regal lion na nakita nya sa tanang buhay nya. Si Deathlian.
"Oh My! Deathlian! I miss you so much!" agad nyang niyakap ang leon.
Napaismid ito. "Che! Hindi mo talaga ako namiss. Inuna mong makipagtukaan kay Blade kaysa tawagin ako. Malandi ka!"
"OOH! Umaattitude ka na naman ha! Sorry na, Deathlian.."
"Apology accepted. Pasalamat ka at hindi ka na ordinaryong tao ngayon. Kung nagkataon hindi na kita papansinin."
"Sorry na nga di ba..."
"Hmmp! Oo na nga."
Nagpalinga linga sya sa paligid. Malawak na damuhan pa rin.
"Ahh, ano nga palang ginagawa ko dito?"
"Nasobrahan ka sa paggamit ng kapangyarihan mo nung Fire Fest. Nabigla ang katawan mo kaya nandito ka para magpalakas at kontrolin ito."
"Paano mo nalaman na may kapangyarihan na ako? "
Naparoll eyes ang leon. "Isa ako sa labindalawang divine beasts. Malamang malalaman ko kaagad. Naaamoy ko sayo ang holy power ni Goddess Katriah." paliwanag nito sa kanya.
Hindi pa sya nakakatugon sa sinabi nito ng maramdaman nyang umuga ang lupa. Napahawak sya sa binti ni Deathlian para hindi mabuwal.
"Shocks! Anong magnitude kaya yun?"
"Maghanda ka. Parating na ang mga kasama ko.." ani Deathlian sa kanya.
Iba't ibang bilog na portal ang sumulpot sa malawak na damuhan.
"Oh men! Morfei, here I come!" isang matinis na boses ang narinig nya sa isang portal. Lumabas dito ang isang.... Kwago?
Sa iba't ibang portal ay may lumabas na nag aapoy na ibon, kulay puting bear at wolf, tigre, dalawang isda na magkaiba ang kulay, at apat na ....butiki?
"Kamusta kayo? Kaytagal nating hindi nagkita!" bati ng puting bear sa mga kasama. Nagkumustuhan ang mga ito na parang hindi sya nag eexist.
Lalong humigpit ang kapit nya sa binti ni Deathlian ng isa isang lumapit sa kanila ang mga ito.
"D-deathlian? Mamamatay na ba ako?" tanong nya rito habang nakatingin sa kulay silver na ngipin ng tigre.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...