Chapter 12

1.4K 100 3
                                    


"ANG dami naman nito! Dagdagan mo pa kaya?!" reklamo niya kay Deathlian. Prente itong nakadapa sa ibabaw ng lamesa sa loob ng malawak na silid aklatan ng mansyon. Nasa baby form ito ngayon. Nawiwili daw magpakarga sa kanya.


May sampung makakapal na libro ang pinababasa sa kanya ng leon. Makakadagdag daw ito sa kaalaman nya tungkol sa Zardheim at sa paraan ng pamumuhay dito.



"Yan lang ang pag aaralan mo ngayong araw. Bukas ulet ang sampung libro..."



"Ganito din kakapal?" tanong nya rito.


"Mas makakapal. Umpisahan mo na yan para makausad ka."


Nanghihinang napasandal sya sa upuan, saka pahinamad na kinuha ang isang libro. History daw ang uunahin nya para madali nyang maintindihan ang lahat lahat.


"Grabe namang higpit mo! Buti na lang hindi kita naging professor nung college..." himutok nya pa.


Hindi na umimik ang leon. Mukhang natulog na yata.


Lumipas ang isang araw na puro pagbabasa ang inatupag nya. Dinadalhan na lang sya ng kanyang dama ng pagkain.


Dilim na ng lumabas sya ng silid aklatan. Kung hindi pa sya pinuntahan ni Hana ay hindi nya malalaman ang oras. Gumagana pa naman ang cellphone nya, pero tinitipid nya at hindi naman uso ang kuryente sa Zardheim. Lampara at mga fairy lights ang nagsisilbing liwanag pag gabi. Ngayon sya nagsisisi at wala syang knowledge pagdating sa electronics at kung anu anong imbensyon. Tama ng Do- It - Yourself lang sa Tiktok.


"Binibini, hinahanap ka nga pala kanina ni Duke Blade. Sinabi ko po yung bilin nyo na pag hinanap kayo eh sabihin ko na masama ang pakiramdam nyo.." ani Hana ng magkita kita sila sa loob ng kanyang silid.


"Salamat. "


Hanggat maaari ay ayaw nya munang makaharap ang duke. Wala syang mukhang maiharap dito. Bakit nga naman kasi napakakialamera nya? Eh nakikitira lang sya. >_<


"Ang arte mo."  komento ni Deathlian. Mula sa pagkakabuhat nya ay tumalon ito sa kama at agad na nahiga.


"Hindi ako maarte, nahihiya lang..."  aniya. Naupo sya sa tabi nito saka hinaplos haplos ang mga balahibo nito.


"Sus. Wag mo na nga lang intindihin yun. Lilipas din yang hiya mo..."


"Nahurt nga kasi ako. Hirap akong makamove on."


"Move on? Wala ka namang kasintahan! Tapos yung manliligaw mo, may tama pa sa ulo!"


Sinimangutan nya ito. Ipinaalaala pa ang doktor na yun!


"Kung hindi dahil dun, hindi kita makikilala Deathlian..."


"Pero, kung hindi dahil sa kanya, hindi ka din mapupunta sa sitwasyong ito, sa mundong ito.."


"Deathlian!!..." naiiyak na mahina nyang hinampas ang leon. " .....hindi ko na nga iniisip ang Earth, tapos pinaalaala mo pa!"


Nagkatinginan si Hana at Eura, saka pasimpleng nagsikuhan.


"Hala! Nabaliw na yata ang binibini.." ani Eura.


"Ikaw ba naman ang magbasa ng sampung libro, ewan ko lang kung hindi ka mabaliw!" sagot naman ni Hana.


"Hindi. Tatlong libro lang yung natapos nya. Dumugo yung ilong nya, information overload daw! Hindi ko alam kung ano yun."


"Hoooy!!! Naririnig ko ang usapan nyo! Hello, andito po ako!"


"Pasensya na po, Lady Kath! Ang daldal po ni Eura eh.."


Gulat na napatingin si Eura sa katabi.


"Hala! Bat mo ako nilaglag!"


"Hindi naman kasi ako sinungaling!" bwelta ni Hana.


"Eh tayo lang na------"


"Hep! Enough! Nagugutom na po ako.."


Inawat nya ang napipintong sagutan ng dalawa, wala naman kasing kwenta ang pinag aawayan.


"Ayy! Oo nga pala. Kukunin ko pala ang pagkain nyo!"


Dali daling lumabas si Hana para kunin ang hapunan nya. Hindi na sya pumunta sa hapag dahil nagdahilan nga syang masama ang pakiramdam.


"Ihahanda ko lang po ang pamaligo nyo... " paalam ni Eura.


Tinanguan nya lang ang babae.



"Hanggang kailan ako dito, Deathlian? Sabi nila Hana, malapit na daw ang Heart of Fire kaya todo ensayo si Duke Blade.."


"Uhmm.."


".... tapos nabasa ko kanina na ang Heart of Fire ang pinagbabasehan ng pagpili ng emperor. Eh di ba, isa sa candidate si Duke Blade? Kasama ng mga gwapong nilalang na nameet ko nung first day ko dito sa Zardheim?"


"Tapos?"


"....Pano kung mapili si Duke Blade? Di ba yung ganun sa mga imperial palace tumitira?"


"Eh di sa Imperial Palace ka din titira."


"Hoooy! At bakit? Sampid lang ako dito ha!"

"Dahil kung nasaan ako, naroon ka din! We are connected, I can feel it. Hindi ko alam kung ano yun, pero familiar.."

"Hooy! Hindi talaga pwede yun. Hindi ikaw ang magdedecide, kundi ang amo mo. Paladesisyon ka talaga!"


"Hmmm."


Tatlong katok sa pinto ang pumigil sa telepathy nila ni Deathlian. Bumukas ito at tulak tulak ni Hana ang trolley ng pagkain. Sunod na lumabas si Eura galing banyo.


"Ok na po Lady Kath."

"Ah sige, salamat. Sabayan nyo na akong kumain, hindi ko din naman ito mauubos lahat." paanyaya nya sa dalawa.



Todo tanggi na naman ang dalawa.


"Naku, ayan na naman kayo! Tayo tayo lang ang nandito kaya wag na kayong mahiya.. Hala! Maupo na kayo, masamang tinatanggihan ang pagkain. Habambuhay daw na minamalas." panakot nya sa mga ito. Agad namang nagsiupuan ang mga ito.

Atubili namang napatingin si Hana sa mga kubyertos. Pang isahang tao lang talaga ang dala nya. Para lang sa binibini.


Agad nya naman itong napuna.



"Ay, akin na yang takip ng ulam. Diyan ako kakain.. Magsalo na kayo dyan sa plato. "


Parang timang na napatingin ang dalawa sa kanya. Hindi yata maintindihan ang sinasabi nya.


Dahil literal na madaming dinalang pagkain si Hana, pinagparte parte nya ito sa apat. Syempre, kasama sa hatian ang maattitude na leon.


Wala pa ding kaimik imik ang dalawa habang kumakain. Hindi sila makapaniwala sa inasta ng binibini.


"Wala man lang kaarte arte ang binibini sa pagkain..." nasa isip ni Hana.


"Kahanga hanga talaga sya..." ani naman ni Eura. Para sa tulad niyang mula sa low class fairy, bihira lang silang makatagpo ng mabait na pagsisilbihan. Alipin ang turing sa kanila dahil mahina lang ang taglay nilang mahika.


Wala namang pakialam ang kanilang pinag uusapan. Sarap na sarap ito sa pagkain, at nagkamay pa! Very Pinay!


Sa sobrang kabusyhan nila sa pagkain, hindi nila napansin ang pag angat ng ulo ni Deathlian. Nakatutok ang paningin nito sa nakasaradong pintuan ng balkonahe.


"Invisibility huh?!"



------------------------------

Salamat po sa mga pumapansin nareng gawa ko.

At sa kapatid kong nagbabasa nito, alam mo na kung bakit ako tulala minsan. 😅😅😅

OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon