Chapter 33

783 53 13
                                    


"Pakibilisan ang pagkilos. Hindi pa napupuno ang drum ng tubig.." utos ni Igor sa kanya. Prente itong nakaupo sa isang malaking bato habang nakahalumbabang nakamasid sa kanya.


"Hindi pa ba napupuno yan? Jusme pang isanglibong hakot ko na yata ng tubig ito ah! Ang layo layo ng lawa." reklamo nya sa tigre. Kanina pa sya naghahakot ng tubig na ipupuno sa drum subalit hindi ito mapuno puno.


"Ngayon ka lang nagreklamo?! Dapat kanina mo pa naisip yan. Magsasampung oras ka ng naghahakot ng tubig." nakasimangot na sabi ni Igor.



Parte ng pagsasanay ang ginagawa nya. Pampalakas daw ng stamina chuchu. Buti na lang at sanay syang magbuhat.


"Pasensya naman. Busy lang mag isip."


"Wala sa training ang isip mo kaya ganyan ka. Hindi pupwede ang ganyan pagdating sa mga laban. Madali kang matatalo."


"Pwede bang magpahinga muna?" nahahapong naupo sya sa tabi nito.



"Hindi pwede. Hindi mo agad mapupuno ang drum na yan."



Sinilip nya ang drum. Konti na lang at mapupuno na ito.


"Dalawang timba na lang at mapupuno na ito. Papahinga lang ako ng konti." aniya.


Iginala nya ang paningin sa paligid. Napakatahimik at napakaaliwalas. Berdeng berde ang mga damo sa malawak na kaparangan. Agaw pansin din sa paligid ang nag iisang malaking puno na syang nagsisilbing tahanan nya sa lugar na iyon. Napag alaman nyang isang ilusyon lang ang puno, subalit isang may kalakihang bahay pala ang nakatayo roon. Sapat upang maging pansamantalang tahanan nila habang sya'y nag eensayo.



Napansin nya sa lilim ng puno sina Deathlian, Firr, Nix, at Yuva. May nakalatag na malaking mat at picnic basket rito. Bigla syang nakaramdam ng gutom ng mapansin ang ilang prutas na nakahain sa tabi ng basket.



"Hmmp! Hindi ba napapansin ni Igor na nagugutom din ako? Wala na nga akong energy sa kabubuhat ng timba! " reklamo nya habang binabagtas ang may kalayuang lawa.


"I heard you!!" naulinigan nyang sigaw ni Igor sa di kalayuan. "Makakakain ka lang pag natapos mo yan!"



Dahil sa narinig ay minadali nya ang kilos.



"Ah! Walang pahi- pahinga sa taong gutom!" Mabilis nyang isinalok ang dalang timba sa lawa. Nabistahan pa nya ang sariling repleksyon sa tubig.


"Naks, Katheryn! Ang ganda ganda mo talaga!"



Nakangiting bumalik sya sa pwesto ni Igor. Akmang ibubuhos na nya ang tubig sa drum ng biglang lumubog ang paa nya sa putik.



"Huh? Bat maputik?" nagtatakang tanong nya.



Biglang tumayo sa kinauupuan si Igor. Nag inat inat ito saka pinalagutok ang kamao, saka nagneck stretching.



"Hay! Mukhang kelangan ko ng matinding ehersisyo.." anito.



Sinipat nya ang drum at dun nya napansin ang nangangalahating laman nito.



Putik at hindi mapuno punong drum...



TANG INA LANGS!!!


Nilingon nya ang taong tigre..


OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon