Isang babae ang nagmamadaling lumabas mula sa opisina ng sikat na fashion designer na si Pablo Glendale. Nakasuot ito ng brown pants at cream na long sleeves. Nakasuot din ito ng boots na out of this world ang disenyo. Bukod sa outdated na bag, nakatalukbong pa ang ulo nito ng manipis na puting tela. Tanging mata lang ang nakikita.
Napapalingon ang mga staff ng naturang fashion house. Mayroong natatawa sa klase ng pananamit nito at meron ding nagtataka.
"Who was that?" may nagtanong pero walang may alam ng sagot.
Matiwasay namang nakalabas ng naturang building ang babae. Agad nitong ibinaba ang manipis na telang nakatakip sa kanyang ulo. Nalantad ang golden hair nito.
Napapakagat labi itong nilibot ang tingin sa paligid.
"Ano na, Kassandra? San ka mag uumpisa? " tanong nya sa sarili. Matapos pumasok sa portal patungo sa Earth ay dito sya niluwa sa lugar na ito. She felt the presence of the Celestial Tear in this place. Pero sa lawak ay hindi nya alam kung san mag uumpisa.
Maglalakad na sana sya patungo sa kabilang kalsada ng may babaeng biglang humila sa kanya.
"Oh my God! Katheryn?!" nanlalaki ang matang tanong nito sa kanya.
"Huh?" naguguluhang napatingin sya rito.
"Gaga, ikaw nga! Jusko, san ka ba nagpupupunta! Basta ka na lang nawala nung gabi. Tapos hindi na kita makontak."
"H-huh? Sino ka?"
The girl rolled her eyes. "Grabe! Nagpakulay ka lang ng buhok nakalimutan mo na kaagad ako? Nakakahurt ha! Jane Romero, ang pinakamagandang saleslady ng France!"
"Eh? You know me?" itinuro pa nya ang sarili.
"Okay ka lang? Para kang timang! Hello, Kassandra Katheryn Marquez, anong tinira mo? Yung totoo?"
'Ahh, she knew her. Maybe she can help me...'
"Haha, pasensya na. Naligaw kasi ako.. Hindi ko alam kung paano makauwi.. sa bahay ko.." hindi nya alam kung anong sasabihin sa babae.
Nakataas ang kilay na tinitigan sya nito.
"Para kang wala sa sarili. Saka bat ganyan ang hitsura mo? Para kang hinugot sa lumang panahon? "
"Naligaw nga kasi ako. "
"Hmp! Mainam pa umuwi ka muna sa hotel. You look horrible sa suot mo!"
Napasapo sya sa noo. Kung ano anong pinagsasabi ng babaeng ito, hindi nya maintindihan. Sumasakit ang ulo nya.
"Ahh.. Can you go with me? Nakalimutan ko na yata ang pabalik?"
'Sana samahan ako ng babaeng ito! Malaking tulong to para mahanap ang kwintas... Makakauwi agad ako kay Papa!'
At dininig naman nga ang hiling nya.
"Sakto! Pabalik din ako sa Hotel Dmitriv, may apply ako dun as chamber maid! Hehe, sana talaga makapasa ako!"
Napipilitang nginitian nya ito. Eto lang ang natatangi nyang pag asa.
"Lakad na lang tayo, Kath! Malapit lang naman yun dito. Mga 30 mins na lakarin."
Sinundan nya ang babae. Panay naman ang kwento nito na hindi nya naman maintindihan. Kahit halatang naweweirduhan na ito sa kanya ay hindi na lang nya pinansin.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...