"I don’t like her."
"I hate her."
"But admit it, girls. She's useful."
"Yeah, yeah!" the two lazily agreed.
Mariin niyang pinikit ang kaniyang mga mata habang nakikinig sa usapan ng tatlong babae na itinuring niyang mga kaibigan. Hiniling niya sa isipan na sana ay hindi na lang siya nakatulog—o nagising mula sa pagkakatulog. Hindi niya napigilan ang sakit na lumatay sa kaniyang dibdib nang marinig ang sinabi ng mga ito patungkol sa kaniya. Ang sakit palang ma-backstab. Hindi lang isa kundi tatlo pa talaga!
Nagsisisi siya sa pagsama sa mga ito sa sleepover na iyon. Siya lang ang natulog habang malaya ang tatlo na nag-uusap ng masama patungkol sa kaniya. She hated it! She hated them. But she hates herself more for letting them talk shit about her.
Hinayaan niya lang ang mga ito. At least alam na niya ngayon ang totoong intensyon at motibo ng tatlo sa kaniya.
Mga manggagamit!
Umisod siya at tumihaya mula sa pagkakadapa sa kamang hinihigaan niya. Dapat ay katabi niya na ang mga ito sa ganoong oras ngunit pinili ng mga ito na sumalampak muna sa sahig upang mapag-usapan siya nang ‘maayos’.
Natigil ang mga ito sa pagsasalita ng mapansin ang paggalaw niya.
"Gising na ba siya?" pabulong na tanong ni Jaymee.
"I don’t know. Go check on her, Layne," utos ni Mildred.
Tumayo si Layne para lapitan siya at yugyugin ang balikat niya. Wala na siyang nagawa kundi ang idilat ang kaniyang mga mata. "Nagising ba kita?"
Gusto niyang tumawa. Sa grupo ito talaga ang pinakatanga. "You just shook my body."
"S-sorry. Go back to sleep. . . or join us?"
Her eyebrows furrowed. An invitation, really? Sa isip ay napaismid siya dahil hindi niya matansya ang pasensya na inilalaan niya sa mga ito nang mga oras na iyon.
Tumikhim muna siya upang alisin ang bikig sa kaniyang lalamunan bago sumagot,
"Sige."
Bumangon siya at sumalampak na rin ng upo sa sahig— nakipagkuwentuhan na parang walang masasamang salita na narinig mula sa tatlo.
"Tommorow, I will keep my distance from these three. I will not let them use me anymore."
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
Ficción GeneralAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...
