Chapter Four

60 5 20
                                        

꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂

KATULAD ng dati, mag-isa pa rin akong kumakain sa cafeteria. Tinanggihan ko si Samantha nang anyayahan niya akong kumain kasama ang kaniyang mga kaibigan. I was about to take a bite on my vegan humburger when someone took a seat in front of me. Binaba ko ang hawak ko na pagkain bago tumingin sa taong umukopa sa bakanteng upuan ng table ko.

Jordan.

"Hi, Dan!" bati niya sabay ngiti. Lihim na tumaas ang aking kilay nang sa wakas ay mapansin ko na may biloy ito sa kaliwang pisngi.

Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Tama ako— pinagtitinginan nga kami ng mga tao sa loob ng cafeteria. Nahagip ng mga mata ko ang tropa ni Jordan sa basketball na nagtutuksuhan habang nakamasid sa aming dalawa. Bumangon ang pagdududa sa utak ko.

"Leave me alone," I said icily.

Dinampot ko ang humburger at kinain iyon. Tumingin ako kay Jordan at tinaasan siya ng kilay dahil mukha atang wala siyang balak umalis sa harap ko. Ngumiti lang siya sa naging asal ko sa kaniya.

"Wala naman akong masamang intensyon sa 'yo. Gusto ko lang makipagkaibigan." Napansin niyang tumingin ako sa paligid kaya marahas siyang bumuntong hininga. "Don't mind them. Gusto lang kitang makasama."

"Well I don't," I casually replied.

"Don't hurt me like that. I really like you. Let me be friends with you, Dan."

Napipilan ako hindi dahil sa sinabi ni Jordan kundi dahil sa hitsura niya habang matamang nakatingin sa akin. Nanunuyo at nagsusumamo ang mga mata niya na nakatuon lang sa akin. Para iyong mainit na tubig na binuhos sa yelong pader na nakapaligid sa akin.

"Just leave," I finally said after the long silence between us. I secretly shook my head. "Let me eat in peace."

Tumango si Jordan bilang pagsunod sa akin. "I'm sorry. I shouldn't have bothered you like that." Iyon lang at umalis na siya.

Palihim kong sinundan ng tingin ang papalayong bulto ni Jordan. I don't know why, but I felt something was piercing inside me when I could no longer see him from a distance.

───※ ·❆· ※───

GALING sa university ay agad akong umuwi ng bahay. Maaga akong nakauwi dahil absent nang araw na ito ang professor namin sa pinakahuling subject. Sigurado ako na wala pang tao sa loob ng bahay dahil oras pa ng trabaho ng nanay at ng nakatatanda kong kapatid na lalaki. At ang tatay ko naman . . . who knows? Baka nambababae na naman.

Ngunit taliwas sa aking iniisip, may tao sa loob ng aming tahanan.

Nagtatakang tinapunan ko ng tingin si Abby, ang nanay ko, at si Daryll na nakatatanda kong kapatid. Nasa salas ng bahay ang mga ito, halatang hinihintay ako. Mas lalo pa akong nagtaka nang makita ang babaeng katabi ni Kuya Daryll at pagkahugpong ang kamay ng dalawa.

"Danny," tawag sa akin ni Momma. Malamlam ang mga mata niya. Galing ba siya sa pag-iyak? "Umakyat ka na muna sa kuwarto mo at magbihis," utos niya sa akin ngunit hindi ako natinag mula sa kinatatayuan ko sa may bungaran ng pinto.

"Bakit nandito kayo? 'Di ba may trabaho pa kayo? At sino siya?" sunod-sunod na tanong ko sa kanila. Pinaglipat-lipat ko rin ang aking paningin sa tatlo.

Bumaling ako kay Kuya Daryll nang bumuntong hininga ang kapatid ko. "Danny, mayroon kaming sasabihin sa 'yo."

Kunot-noong tinitigan ko si kuya at ang katabi niyang babae. Hindi ko alam kung bakit, but my eyes settled on the lady's belly. Kasunod niyon ay ang pagbangon ng hinala sa isip ko.

"Uhm . . . T-this is Jessica. Girlfriend ko," wika ni Kuya Daryll.

Hindi ko inalis ang aking paningin sa babae na tinawag niyang Jessica. Kung hindi ako nagkakamali ay matanda ito ng ilang taon— probably two years— sa kuya ko.

"Don't tell me she's pregnant," aniko. Natahimik silang tatlo. I took it as a confirmation. "Ano plano mo, Kuya Daryll? Pakakasalan mo ba siya?"

He gulped before nodding his head slowly. "Y-yeah. But . . ."

"But?" Hindi na siya nakasagot. Tiningnan ko si Jessica. Naging mailap ang mga mata nito sa akin.

"I'm already married."

Tinakasan ng kulay ang aking mukha sa narinig. This woman was already married? At nabuntis ito ni Kuya Daryll? This is insane!

"Danny," tawag sa akin ni Momma. Tiningnan ko siya at humingi ng paliwanag sa pamamagitan ng aking mga mata. But to my dismay, our mother just downcasted.

"Excuse me," walang emosyon kong sabi bago tuloy-tuloy na umakyat sa kuwarto. I washed both of my hands on my face then groaned in anguish frustration.

This can't be. Nakabuntis ang kuya ng may asawang babae!

Marahas akong bumaling sa pinto nang may kumatok doon. Nang hindi ako tumugon ay saka iyon bumukas at niluwa si Kuya Daryll.

"Danny. Listen to me, please," he begged.

"Ano'ng sasabihin mo? Ipagpipilitan mo ang sarili mo sa babaeng 'yon? My god, kuya!" palatak ko. "She's a married woman. Paano mo ito nagawa? Hindi ka na ba naawa sa asawa't pamilya niya?"

Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa sumisidhing emosyon. Sinapo ko ang aking noo bago sinalubong ang mga mata ni Kuya.

"How could you do that, kuya? Bakit mo 'yo—"

"Danny . . ."

Tinaas ko ang aking kamay upang patigilin siya. "Nagawa mong maging kabit? Wala kang pinagkaiba kay papa. Pareho kayong mapanira ng pamilya."

"Danny!" sigaw niya sa akin.

I fell silent. Tuloy-tuloy na rin ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko.

"Just listen to me first." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy.

"Yes, she's already married. Pero hindi ko magagawa ang bagay na sinasabi mo. She's a battered wife, at katulad ni mama ay niloloko rin siya ng asawa niya. She'd already filed for an annulment at buwan na lamang ang hihintayin para makasal kami," paliwanag niya. "I love her, Danny, as much as I love you and Momma. Hindi ko siya hahayaang makulong sa asawa niya. So please understand."

"Oh, stop playing hero ready to save a damsel in distressed. Mas matanda siya sa 'yo!" I yelled.

"Age doesn't matter. Nagmamahalan kami," tugon niya.

I laughed scornfully. "Yes, it matters. Lalo na kung may asawa na ang pinatulan mo," mariing tugon ko. "You said, she's a battered wife. Paano kung maghabol ang asawa niya? Eh, 'di mapapahamak ka pa. I am not against the idea of age gap pero sana naman pinag-isipan mo muna. Nakabuntis ka, kuya. At take note— may asawa pa!" pagbibigay diin ko sa kaniya sa huling pangungusap.

"Look, Danny. . . I love her," he replied.

"Really? Does she loves you back?"

"Yes!" mabilis niyang tugon. "Mahal namin ang isa't isa at gagawin ko ang lahat para lang sa kaniya. So, please understand."

I wept over my brother's remarks. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at umandig sa gilid ng kama. I cried silently in pain. At alam kong hindi iyon matatanto ni Kuya Daryll na nanatiling na nakatayo habang tila talunan na nakatingin sa akin.

"Leave me alone," I said in almost whisper. "Hayaan mo akong makapag-isip-isip." I gulped. "Just leave."

Walang nagawa na iniwan niya akong luhaan. I was extremely disappointed with him at this time. Ang akala ko ay naiiba siya kay Papa. But I was wrong.

Tumingala ako sa kisame kasabay ng panlalabo ng aking paningin dahil sa tuloy-tuloy na pag-iyak.






















━─━────༺༻────━─━

Author's Note: What's your favorite line from this chapter?

I hope you enjoyed! 💖

A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon