Chapter Twelve

40 4 2
                                        

꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂

MULA sa aking silid ay naabutan ko si Samantha sa may living room ng bahay namin. Takang pinagmasdan ko ang dalaga na dali-daling tumayo mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa at mahigpit akong niyakap. Naestatwa ako sa ginawa niya at nahirapang huminga dahil sa sobrang higpit ng pagkakayapos niya sa akin.

"I'm so sorry for what happened to you," maluha-luha niyang sabi. Suminghot din siya kaya mabilis akong kumawala sa pag-aalalang matuluan niya ako ng kaniyang sipon.

Para kasi siyang timang. Hindi naman kami close ngunit heto siya nang mga oras na ito, nagpapakita ng concern.

"Nasaan si Mama?" tanong ko kay Samantha.

"Nasa kusina si Tita. Ginagawan tayo ng merienda," sagot niya. "Nasa lahi n'yo ba talaga ang pagiging guwapo't magaganda?" usisa niya sa akin.

Pinaikot ko ang aking mga mata sa sinabi niya. My eyes settled sa isang pumpon ng fresh white tulips na nakapatong sa coffee table.

"Ayy! Oo nga pala." Kinuha ni Samantha ang dala niyang mga bulaklak at inabot iyon sa akin. "Para sa 'yo. Pinadala lang sa akin."

"Nino?"

"Secret admirer mo," nakangising sagot niya sa akin.

Hindi ko tinanggap ang bulaklak sa pag-aakalang galing iyon sa lalaking kinasusuklaman ko. Ngunit hindi ko na iyon pinahalata pa kay Samantha at baka sumama pa ang loob niya akin. Ang balita ko pa naman ay matampuhin siya.

"Alam mo bang nagkakagulo ngayon sa university dahil sa nangyari sa 'yo? Halos lahat kami ay nagtatanong kung sino ba ang may gawa niyon sa 'yo. Sino ba, Danny?" aniya nang makaupo na kami pareho.

"Kumusta?" Pag-iiba ko sa paksa. Hindi ko ugaling makipag-usap o mangumusta ngunit hangga't maaari ay ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa nangyari. Ang totoo ay nawawalan na ako ng pag-asa na mapanagot ang may sala sa akin dahil sa mga koneksyon nito.

It's unfair. So damn unfair and unjust!

Hindi ako pinansin ni Samantha at nanatili sa topic na gusto niya.

"Kahapon ay nakipag-away pa ako dahil sa 'yo."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Lumabi siya. "Iyong three silicones—si Mil-dreadful, Jaymee-ndot, at Layne-me think first, nagpapakalat sila ng misinformation sa buong campus. Na ginusto mo raw ang nangyari sa iyo. Layne even said na baka gawa-gawa mo lang ang lahat."

Malakas akong napasinghap sa narinig. Hindi ko lubos akalain na magagawa pa no'ng tatlo na gawin iyon sa akin.

Kinuyom ko ang aking dalawang kamao kasabay ng pag-ahon ng galit sa dibdib ko. Those bitches never faltered to piss me off no matter what circumstances I was in, really.

Sa wakas ay dumating na rin ang nanay ko dala ang isang tray ng meriendang pagkain para sa amin ni Samantha. I salivate after smelling the fresh aroma of baked coffee-flavored cake. May kasama pa iyong hinog na mangga.

Subalit habang nasa kalagitnaan ng pagbabalat ng mangga si Momma ay nakaramdam ako na tila hinalukay ang sikmura ko nang maamoy ang prutas. Hindi ko iyon nakayanan kaya tumayo ako at dere-deretsyong tumungo sa kusina— dahil iyon ang pinakamalapit— at sumuka sa lababo.

Nanghihinang kumapit ako ng mahigpit sa gilid ng sink matapos ilabas lahat ng kinain ko kanina. Naubusan ako ng enerhiya at nahihilo pa.

"Danny," tawag sa akin ni Abby na nakatayo sa likuran ko. Kasama rin niya si Samantha na alalang-alala habang nakamasid sa kalagayan ko.

"Okay lang po ako. D-don't wor—" muli akong sumuka. Para akong lantang-gulay nang matapos.

Pinahid ko ang gilid ng aking bibig gamit ang likuran ng palad ko. Namawis bigla ang kalahati ng parte ng katawan ko dahil sa nangyari.

"Danny. . ." Marahan akong hinawakan sa balikat ng nanay ko. "Uhm, anak. Dumating na ba ang buwanang dalaw mo?"

Para akong tinadyakan ng paulit-ulit nang ma-realize ang ibig sabihin ni Momma. Hindi ko rin magawang gumalaw nang mapagtanto ko na ilang araw nang delayed ang dalaw ko sa buwang ito.

Ipinilig ko ang aking ulo. It cannot be. . .

My chest heaved. I was unable to breathe properly, hence, I continuesly gasped for air.

"M-mom. . ." Nanikip ang lalamunan ko at ang pakiramdam ko'y lumulutang ako kaya pilit kong inabot ang kamay ng nanay ko. "Momma. . ."

"Danny!"

Hindi ko na namalayan kung kanino galing ang tinig na iyon umikot ang paningin ko kasabay ng pagdilim ng buong paligid.

· · • • • ✤ • • • · ·

꧁༒•Kristoff's PoV•༒꧂

HINDI sinasadyang napadaan ako sa locker room ng men's basketball team ng university nang hapon na ito. Aalis na sana ako ngunit narinig ko ang pamilyar na tinig ni Jordan kausap ang mga kaibigan niya.

"Ano'ng plano mo, pare?" tanong ng lalaking may malalim na tinig.

"I'll continue living my normal life," tinig naman iyon ni Jordan.

"Paano kung subukan nilang pagbayarin ka sa nangyari? Tayo-tayo lamang ang nakakaalam nito kaya hindi ko maiwasan na kabahan para sa iyo, pare."

"Tsked! I don't care. Wala naman silang ebidensya laban sa akin," sagot niya.

"At siguradong hindi ka pababayaan ng daddy mo. He's the president of this university, after all," sabi naman ng ikatlong tinig.

Kinuyom ko ang aking mga kamao at akma na sana silang susugurin nang may pumigil sa balikat ko. Si Nico.

Kunot-noong nilingon ko ang matalik kong kaibigan.

"Mr. Hermoso is asking you to his office," he told me.

Nag-isang guhit ang mga labi ko. Unti-unting lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay ko saka sinalubong ang paningin ni Nico at tinanggal ang palad niya na nasa balikat ko. Tahimik akong humakbang paatras at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Wala akong nagawa kundi ang puntahan sa opisina nito ang presidente ng unibersidad na pinapasukan ko. But deep down inside me, I swore. . . Bukas ay hindi ko na palalampasin ang ginawa ni Jordan Hermoso sa babaeng binaboy nito.

A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon