꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
NAIINIP na inikot ko ang aking paningin sa paligid ng mall na pinagdalhan sa akin ni Jordan. Nagpaalam ang binata na may kukunin lamang saglit at iniwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko.
A sudden miracle happened this day. Pumayag akong sumama kay Jordan na mag-malling galing sa university na hindi ko naman talaga gawain. Ayos lang naman dahil bakante ang huling subject namin kaya maaga akong makakauwi, pero siya namang anyaya ni Jordan na maglibot sa mall at hindi na ako nakatanggi.
Sa wakas ay natapos na rin ang aking paghihintay. Bumalik na si Jordan, may dala siyang popcorn at movie tickets.
"Sorry kung pinaghintay kita nang matagal," pumanhin niya sa akin.
"Ayos lang," sagot ko. "Manonood tayo ng sine?" tanong ko habang nakatingin sa mga dala niya.
"Oo. Sana okay lang sa 'yo ang RomCom."
"I prefer action movie more," I replied.
"Ahh. . ." Kumamot siya sa ulo saka nahihiyang ngumiti. "Papalitan ko na lang."
"Huwag na. Puwede na 'yan." At baka maghintay na naman ako ng matagal. I gave him a wry smile.
"I am sorry. I should have asked for your preferences," he said in obvious lament.
I raised my shoulder for a shrug. "It's fine."
Magkaagapay kaming naglakad patungo sa sinehan. Hindi pa man kami nakalalayo sa aming pinanggalingan ay nagkaroon agad ako ng rason para huminto. Nagtatakang binalingan ako ng tingin ni Jordan ngunit wala sa kaniya ang atensyon ko kundi sa magkaparehang kasalubong namin na huminto rin sa paglalakad.
"Danny," tawag sa akin ni Papa.
"Kilala mo siya, honey?" tanong ng babaeng kasama niya.
I blew a low snort. Sa lahat ng puwede naming makasalubong ay ang tatay ko pa talaga at ang bago na naman niyang babae.
I raised my chin to meet their gazes with confidence kahit pa nanginginig na ang kamay at tuhod ko dahil sa galit at pagkasuklam. I clenched my jaw to control my rising temper. Pumikit ako at pagdilat ko ay sinigurado ko na masigla ang aking anyo.
"Oh, hi! Hindi ko inasahang makita ka rito, Jace." I flashed a playful grin on my face at lihim akong tumawa sa isip nang makita ang bahagyang pamumutla ni Papa habang takang-taka naman ang babae niya sa inaakto ko. "Hindi mo na ako sinipot noong huling beses na sinabi mong magkita tayo. At sino siya?" tanong ko bago tinaasan ng kilay ang babaeng katabi niya na naestatwa sa kinatatayuan.
"Daniella," mariin na sambit ni Papa sa pangalan ko.
Hindi ako nagpatinag kahit sa kabila ng pagkalabit sa braso ko ni Jordan upang awatin ako. I resumed.
"I've missed you, sweetheart. May nahanap ka na naman palang iba. Kumusta na ang asawa't mga anak mo?" aniko sa pinalanding tinig. Gusto kong masuka pinaggagagawa ko.
"M-may asawa ka na?" tanong ng babae sa tatay ko. Bigla na lang siyang umiyak nang hindi sumagot si Papa at tumakbo paalis.
"Cathryn!" Akmang hahabulin sana ng tatay iyong babae nang mapagmasdan niya ako. Galit ang lumarawan sa mukha niya ngunit wala iyon sa nararamdaman ko nang mga sandaling ito. Pagkamuhi.
"We will talk later at home," may pagbabanta sa boses na sabi niya bago tuluyang umalis.
Nang mawala sa paningin namin si Papa ay saka lang ako nakahinga nang maluwag dahil parang pinipiga kanina ang dibdib ko.
Binalingan ko ng tingin si Jordan na manghang nakamasid akin. "Pwede bang huwag na tayong tumuloy? Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko."
Tumango siya sa akin bilang tugon.
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
General FictionAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...
