Chapter Twenty-Three

24 1 0
                                    

꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂

NAGISING ako dahil sa pakiramdam na tila may nakamasid sa akin. Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang nakatawang anyo ni Rafael na nakatunghay sa akin.

"M-mommy's awake!" sigaw niya.

I smiled. Binuka ko ang dalawa kong braso habang hindi pa rin bumabangon sa kama. Tumawa si Rafael na kaagad naunawaan ang ibig kong gawin niya saka pumaloob sa braso ko. Pinupog ko ng halik ang buong mukha ni Rafael habang nakikisabay sa tawa ng anak ko.

My whole room was filled with morning laughter and giggles because of us.

"Y-you. . . you look like a m-mess, mommy!" Rafael exclaimed while laughing breathlessly.

"Am I really?" Amused kong pinagmasdan ang pilyo kong anak. "I thought maganda ako tuwing bagong gising."

"N-not right now," sagot niya.

Pinigil ko ang sarili ko na matawa nang malakas. Nakalimutan ko na rin ang sakit ng ulo dahil sa kaniya. I cupped Rafael's face with my two hands. "Where's my good morning kiss, baby?"

"Y-you kissed. . . you kissed me already!" he yelled.

I couldn't hold it anymore. Tumawa ako hanggang sa may umibis na luha sa mga mata ko.

"M-mom. . . why are you c-crying?" Ngayon lang ako natauhan nang makita ang pagkalito sa mukha ni Rafael habang nakatitig sa akin.

"No! Hindi ako umiiyak, Raf." Stupid answer. Hindi ko naman maloloko ang sarili kong anak pagdating sa bagay na ito, kaya nga palagi akong nagtatago sa presensya niya kapag napupuno na ako sa mga bagay-bagay.

Tinuyo ko ang nabasa kong pisngi dahil sa luha gamit ang likuran ng isa kong kamay. "Masaya lang ako, baby. These tears? These were tears of joy."

"R-really?"

"Really," tugon ko sa kaniya. "Now, mommy's going to take a bath. Then I will drive you to school."

Hinawakan ko ang kamay ni Rafael upang sabay kaming tumungo sa kusina kung saan nanggaling ang naamoy kong nilulutong tapa at longganisa. Siguradong nagluto rin si Beng ng sinangag para sa agahan namin.

"Good morning po, ate!" masiglang bati sa akin ng dalaga na nasa harap ng kalan. "Tapos ko nang timplahin ang gatas mo, Rap-rap."

Pinaghila ko ng silya si Rafael at hinayaan siyang maupo at inumin ang gatas niya.

"Maliligo lang ako saglit, Beng," paalam ko at mabilis na kinintilan ng halik ang pisngi ng anak ko.

"Sige ho, ate," tugon ni Beng habang nakatuon ang atensyon sa pagluluto.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ng damit pang-opisina ay kaagad akong bumalik sa komedor para kumain ng almusal. Mabilis akong natapos dahil may lalakarin pa ako sa bangko.

"Bye-bye, T-tita Beng!" Rafael bade. Kinawayan niya rin ang dalagang tiyahin habang nakalabas ang ulo sa bintana ng sasakyan namin.

"Behave now, Raf," aniko habang maingat na nilalabas sa gate ang minamaneho kong compact car.

───※ ·❆· ※───

BUMUNTONG HININGA ako nang matagumpay kong naalis ang aking atensyon mula sa nakabukas kong desk computer. Nagiging subsob na naman ako sa trabaho.

Kinuha ko ang mug na nasa tabi ng mga nakatambak na papeles at mas lalo pang bumuntong hininga nang makitang malamig na ang tinimpla kong kape kanina.

"Time to refill," I murmured to myself and went to the pantry to do so.

A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon