Chapter Seventeen

27 1 0
                                        

꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂

NAHINTO ako sa akma kong pag-upo sa swivel nang may makita ako na isang tangkay ng puting bulaklak, a tulip, sa ibabaw ng aking mesa. Luminga ako sa paligid at tumingin sa transparent wall ng opisina ko kung saan malaya kong nakita na abala sa kaniya-kaniyang gawain ang ibang empleyado ng kompanya.

Kinuha ko ang bulaklak upang sana ay itapon sa trash bin subalit natigil na naman ako nang may malaglag sa sahig. Isang maliit na note card. Dinampot ang papel at binasa ang nakasulat doon. My forehead creased.


"I'm so glad that I saw you again.
Indeed, sun will appear after the rain."


Tiningnan ko ang ibabang parte ng note card kung saan ko maaring makita ang pangalan ng nagbigay sa akin. But my frown just went bigger.

There was nothing.

Nalilitong binaba ko ang bulaklak at ang maliit na papel sa aking mesa pagkatapos ay umupo na ako. Kinuha ko ang MacBook ko upang simulan ang trabaho ngunit nabagabag ako ng ilang katanungan na nabuo sa isip ko.

Who could it be? Alam ko na may malalim na kahulugan ang nakalagay sa sulat, kaya sino ang nagbigay niyon sa akin?

Nahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Si Beng ang tumatawag kaya kaagad ko itong sinagot.

"Bakit, Beng—"

"Ate, si Rafael nagwawala. Hindi ko mapahinto. Iyak din nang iyak. Hinahanap ka,"  anang dalaga na nasa kabilang linya.

Sinapo ko ang aking noo saka tumango. "Sige. . . Pupunta na ako riyan. Hintayin mo ako. . . Bigyan mo siya ng dark chocolate kahit ilan pa ang hingin niya. . . Okay, bye."

Nagmamadali akong lumabas ng aking opisina. Pagdating ko sa parking area ng building ay parang gusto ko nang humiyaw sa sobrang inis. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa ako na-flat-an ng gulong? Sinipa ko ang bumper ng sasakyan at naglakad para humagilap ng taxi na maaari kong masakyan pauwi.

May sampung minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin akong mapara na taxi. Dinadaanan lang ako ng mga ito. Sinapo ko ang aking noo at huminga nang malalim. Sumabay kasi sa rush hour ang lahat.

"May problema ba?"

Nilingon ko ang nagsalita. Si Kristoff.

"Nagmamadali ka. Hatid na kita sa pupuntahan mo," sabi niya matapos akong pagmasdan.

Umiling ako. "Hindi na kailangan. Salamat."

Kumibit-balikat siya bago naglakad paalis. Ang akala ko ay hindi na siya babalik pa ngunit nagkamali ako.

Kumunot ang aking noo nang huminto ang puting toyota fortuner sa tapat ko. The owner rolled down the window then unlocked the passenger seat's door, which made me frown even more.

"Hop in. Baka hinahanap ka na ng anak mo," wika sa akin ni Kristoff.

Confusion took over my head. Paano niya nalaman na dahil kay Rafael kaya ako nagmamadali?

Tumingin ako sa suot kong wrist watch saka bumuntong hininga. Muli akong luminga sa abalang kalsada. Sa huli ay sumakay na lamang ako sa kotse ni Kristoff at sinabi ang address ng bahay namin. Mas lalo pa akong nagtaka nang mag-drive ang binata na parang alam na alam ang daan patungo sa amin.

"Paano mo nalaman?" tanong ko nang hindi na ako nakatiis.

"Alin?"

"Na dahil sa anak ko," sagot ko. I swallowed the lump in my throat. Iba ang lumabas na tanong sa bibig ko.

Ngumiti siya. "Lahat naman ata ng ina ay gan'yan. Nagiging aligaga pagdating sa anak nila."

He's got a point kaya hindi na ako nagtanong pa.

Mabilis namin narating ang bahay na tinutuluyan namin ni Rafael, iyon din ang dati naming tinirhan ng pamilya ko noon. Sa kasalukuyan ay mas pinili ng nanay ko na mag-isang manirahan sa condo unit na naipundar nito kaya ngayon ay kami na lang ni Rafael ang naninirahan dito sa bahay.

Kaagad akong bumaba sa kotse ni Kristoff at tinakbo ang loob ng aming kabahayan. Nanlumo ako nang makita si Rafael na hinahagis ang lahat ng laruan nito. Bakas din ang pagkalito ng tagapagbantay ng anak ko sa kung ano ang dapat gawin para mapahinto ang bata.

"Ate. Salamat naman at dumating ka na," relief ang lumatay sa mukha ni Beng nang lapitan ko siya.

"Ayos ka lang ba, Beng? Pasensya ka na." Humihingi ng paumanhin na hinawakan ko ang kamay ng pinsan kong babae. Tumango lang siya bilang tugon at pang-unawa sa akin.

Nilapitan ko si Rafael at umuklo sa harap niya. Wala siyang tigil sa pagsigaw kaya tinakpan ko ang magkabila niyang tainga gamit ang dalawa kong kamay.

"Shhh. . . Nandito na si Mommy, Raf. Sorry kung nahuli ako ng dating." Kumirot ang dibdib ko nang mas lalo pang lumakas ang iyak. "Raf, stop na please. Bibilhan kita ng bagong colors, I promised."

"I-I. . . I-I. . . want you, m-mommy!" sigaw niya sa putol-putol na salita.

"Okay. Nandito na ako. Stop crying na." Niyakap ko siya at sinubukang patahanin ngunit walang nangyari.

Lumipas ang sandali ay bigla na lang siyang huminto sa pag-iyak—hindi dahil sa akin o sa sinabi ko. Binitawan ko ang anak ko at nagtatakang sinundan ko ng tingin ang minamasid niya. Bahagyang umawang ang mga labi ko nang makita ko si Kristoff. Hindi pa pala umaalis ang binata.

"S-sino. . . Sino siya, m-mommy?" tanong sa akin ni Rafael habang hindi pa rin binabawi ang paningin sa lalaking pumukaw ng kuryusidad niya.

I can't blame him for his reaction. Bihira lang kasing magkaroon ng ibang lalaki na bumibisita sa amin bukod kay Kuya Daryll.

Alanganin akong sumagot sa kaniya. "Boss ko, baby."

"B-boss. . .?" inosente niyang ulit sa salitang binigkas ko.

Tumango ako. "Yes, Raf. Boss ko siya."

"N-name!" ungot niya sa lalaking pinag-uusapan namin. Bumuntong hininga ako saka tiningnan ang boss ko.

"Kristoff," sagot ng binata bago lumapit sa amin. "Hello, Rafael!" Hinaplos niya ang pisngi ng anak ko at tinuyo ang mga luha gamit ang kaniyang palad.

"You know what?" Ngumiti si Kristoff habang matamang nakatitig sa anak ko. "Crying is good for men, but too much is bad."

"W-why. . .?" sumisinghot na tanong sa kaniya ni Rafael.

"Because your eyes will suffer from too much crying. It will be itchy and little monsters will come out from it. And when that happens, they will drink the waters inside your body," pagkausap niya sa inosenteng bata. "Fight those little monsters. You're brave and strong, aren't you?"

Hindi basta-bastang nakikipag-usap sa ibang tao si Rafael kaya nagulat ako nang sunod-sunod na tumango ang anak ko kay Kristoff.

"I-I'm. . . I'm b-brave!" He giggled after saying those.

Ngumiti si Kristoff bago ginulo ang buhok ni Rafael. "That's my boy!"

───※ ·❆· ※───

"ANG bait naman po ng boss ninyo, ate." Tiningnan ko si Beng na naghahanda na para sa hapunan namin.

"Oo," sagot ko sa kaniya.

Muli kong tinanaw sa may salas si Rafael kasama ang bago nitong kalaro na si Kristoff. Nagpapahabaan ang dalawa ng mga hinilera ng mga ito na laruan. Hindi na sana magtatagal sa amin ang binata pero nagpumilit ang anak ko na manatili siya na kaagad naman niyang pinaunlakan.

"Ang guwapo niya!" kinikilig na usal ni Beng. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagmasid sa dalawa.

Tuwang-tuwa si Rafael habang kalaro niya si Kristoff, magiliw naman na pinakikitunguhan ng huli ang anak ko. And then suddenly, fear crept within me.

Paano kung dumating ang panahon kung kailan hahanapan na ako ni Rafael ng bagay na kailanman ay hindi ko makakayanang ibigay sa kaniya?

Natatakot ako sa mga posibleng mangyari.

A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon