Chapter Seven

53 4 20
                                    

꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂

KUMUNOT ang noo ko nang buksan ko ang aking locker at may nakita roon na isang bugkos ng fresh tulips na kulay rosas. Luminga ako sa paligid bago sinara ang locker at naglakad dala ang bulaklak palabas ng silid na iyon.

Hinanap ko ang nag-iisang lalaki na laman ng aking isip na posibleng nag-iwan ng mga ito sa locker ko. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil agad kong nakita si Jordan kasama ang mga tropa niya na nagkukwentuhan.

"Hi, Dan!" Kumaway sa akin ang binata bago nagpaalam sa mga kaibigan niya para lapitan ako. Tumingin siya sa hawak ko bago huminto sa aking harapan.

"Sa iyo ba galing ito?" tanong ko. Bahagya kong tinaas ang dala kong bulaklak.

Tumingin siya sa aking mukha. Noong una ay wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya bago siya ngumiti nang matamis. "Oo. Nagustuhan mo ba?"

Hindi ko na napigilan ang gumanti rin sa kaniya ng ngiti. Saglit siyang tagilan habang nakatitig sa akin.

"Yeah. Salamat, ha?" Sinamyo ko ang bulaklak pagkatapos ay ngumiti.

"You smiled." Parang naengkanto si Jordan habang hindi pa rin binabawi ang mga mata mula sa akin.

"Huh?" Maang kong tiningnan si Jordan. Bakas ang kasiyahan niya habang nakatitig pa rin sa akin.

"Gosh! You're a beautiful smiler." Nagulat ako nang bigla na lamang siyang sumigaw dahilan upang tumungo sa amin ang atensyon ng ibang mga estudyante. "My Dan is a beautiful smiler!"

My mouth gaped at him. Nakakahiya sa ibang mga tao. Huli na rin nang mapuna ko ang paggamit niya ng possessive adjective sa pangalan ko.

"Sorry," hinging paumanhin niya nang mapansing hindi ako komportable sa naging asal niya. "I meant it, Dan. You're a lot more beautiful when you smile."

Binaba ako ang aking paningin saka lihim na ngumiti. I was flattered by his words.

Napapitlag ako nang hawakan ni Jordan ang kamay ko at pinisil iyon nang marahan. Sa ginawa niya ay may parang mainit na bagay ang humaplos sa dibdib ko. Hindi ko na rin namalayan na gumuho na ng tuluyan ang pader sa paligid ko nang dahil sa kaniya.

"Tara. May ipapakita ako sa 'yo," sabi niya bago ako hinila papunta sa kung saan.

Dinala ako ni Jordan sa rooftop ng Accounting department building. Ito ang pinakamataas na gusali sa buong university. Manghang tiningnan ko ang paligid sa ibaba. Kitang-kita ko ng malawakan ang field ng unibersidad kung saan may nagt-training na mga atleta. Napagmamasdan ko rin ang mga nagdaraang professor at mga estudyante na abala sa kaniya-kaniyang mundo.

"Wow. . ." I said in total awe. "Ang ganda rito."

"I'm glad you liked it here. Dahil gusto ko pang makita ang mga ngiti mo," Jordan spoke.

I did smile at him. Pinuno ko ng sariwang hangin ang aking baga saka malalim na bumuntong hininga. Minsan sa aking buhay sa wakas ay nakaranas din ako ng totoong kapayapaan. All thanks to the man beside me.

Muling hinawakan ni Jordan ang kamay ko at hindi na ako nag-abalang bawiin iyon. It seems like my hand suits with his perfectly.

Unbeknownst to me, Jordan stared at my side view, especially at my small but pointed nose, and lips that were slightly parted with his unreadable expression in his eyes.

Nagpatuloy kami sa pagtanaw sa paligid.

· · • • • ✤ • • • · ·

A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon