꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
SA PAGMULAT ng mga mata ko ay tumambad sa akin ang kulay puting kisame. My room's ceiling has never been white. Luminga ako sa paligid at nakita ang nanay ko na natutulog sa may settee. She was sleeping uncomfortably.
"M-Mom. . ." nahihirapan kong tawag sa kaniya. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko at masakit din.
Nagising si Momma saka lulugo-lugong tumayo. Kaagad niyang naunawaan ang ibig kong ipahiwatig sa uri ng tingin ko at mabilis siyang kumuha ng isang baso ng tubig bago lumapit sa akin.
Nanginginig ang kamay na sinubukan kong hawakan ang baso ngunit tumilapon lang ang tubig sa suot kong hospital gown. Napatingin ako sa pupulsuhan ko na may bandage at kasunod niyon ang alaala ng tangka kong pagkitil sa sarili kong buhay sa pamamagitan ng pananakit sa aking sarili. I looked at my mother then opened my mouth to utter a word but I failed. My throat was so dry.
Mapang-unawang inalalayan ni Abby ang likuran ng ulo ko gamit ang isa niyang kamay, ang isa naman ay hawak ang baso na dahan-dahan niyang itinapat sa bibig ko. I took a sip of the water.
"T-thank you," I said. My voice was flat. "How long have I been asleep?"
Hinaplos ng nanay ko ang aking pisngi at nakita ko ang panunubig ng mga mata niya. "You slept for two days." She asked, "Ano ba'ng nangyayari sa iyo, Danny? Bakit mo kami tinakot ng ganoon ng kuya mo?"
Kasama niya si Kuya Daryll? Luminga ako ngunit hindi ko nakita ang hinahanap ng mga mata ko. Kami lang ni Momma sa loob ng pribadong hospital suite.
"He's with Jessica," my mother told.
Nang-uusisa ang mga mata na tumingin ako sa nanay ko.
"She fainted after seeing what happened to you," sagot niya nang maunawaan ako.
Hinalukay ng hindi inaasahang guilt ang dibdib ko. Pumikit ako upang kontrolin ang aking sarili na nagsisimula na namang umiyak.
"Danny. . ." Hinawakan ni Momma ang dalawa kong kamay at kinulong iyon sa mga palad niya. "Tell us what's bothering you. Ano ba ang nag-udyuk sa iyo na gawin iyon? Tell me, baby. Ano'ng problema? Was it school-related matter?"
Sunod-sunod akong umiling. May bumarang bikig sa lalamunan ko kaya hindi ko nagawang makapagsalita. Nahihirapan ako at alam iyon ng nanay ko na nagsisimula nang lumuha.
Bumukas ang pinto ng hospital suite at niluwa niyon si Kuya Daryll na magulo ang buhok. Halata rin na kulang siya sa tulog. Napabayaan na niya ang kaniyang sarili sa loob ng dalawang araw.
"You're safe. I'm so glad you're safe." Patakbo siyang lumapit sa akin at inundayan ng hindi gaanong kahigpit na yakap ang ulo ko. Ginawaran din niya ako ng munting halik sa sintido. "I love you, Danny. Don't do that again, please. You'll be killing me."
Humikbi ako habang nakasubsob ang aking mukha sa dibdib ni Kuya Daryll at mahigpit na nakakapit sa laylayan ng suot niyang polo shirt.
"Si Jessica?" tanong ng nanay namin kay Kuya na patuloy lang sa paghagod ng buhok ko.
"She's fine. The doctor said that our baby was out of danger," sagot niya.
Nang mahimasmasan na kaming tatlo ay umupo silang dalawa sa magkabila kong side.
"Tell us, Danny.What happened? Hindi mo gagawin ang ginawa mo nang walang dahilan," wika ni Momma habang hawak ang isa kong kamay.
I wanted to cry again but I choked my tears back. Malamlam ang mga mata na umiwas ako ng tingin sa nanay ko. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko nagsimulang magsalita.
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
General FictionAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...
