꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
NAGKAMALAY ako sa sarili kong kuwarto. Ilang segundo ko munang pinakiramdaman ang sarili ko habang blangkong nakatitig sa kisame. How I wish it was only a dream. A nightmare, perhaps, but it's not. And I am sure, everything has changed.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Wala akong matandaan. Pero ang isip at katawan ko ay sigurado sa nangyari noong nagdaang gabi, because I felt sore all over my body.
I covered my eyes using the back of my hand then sobbed violently. I am doomed. My life is doomed.
Jordan. . .
The name made me want to vomit. I gave him my trust without even realizing it. Nagawa niyang pasukin ang sistema ko nang walang kahirap-hirap dahil sa pagiging pabaya ko, at ngayon ay huli na ang lahat para sa akin. Nawala na ang lahat. My body, soul, and trust— lahat ng iyon ay kinuha ng iisang lalaki sa iisang pagkakataon.
I grimaced in pain.
Kahit may nararamdamang kirot ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na bumangon sa kama at tumungo sa banyo para mag-shower. Para akong robot habang naglilinis ng katawan. Ni wala akong maramdaman bukod sa lamig na dumaraan sa buo kong katawan. Hindi ko magawang lumuha dahil sa pighati kahit gustong-gusto ko nang umiyak at kahit nananakit na ang lalamunan ko. Hindi ko magawa katulad ng wala akong nagawa para madepensahan at maprotektahan ang sarili ko mula sa lalaking pinag-ukulan ko ng panahon at ngiti.
I'm so stupid! I felt so robbed. . .
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang cellphone na nasa bedside table at tinawagan ang numero ng nanay ko. Nasa out of town siya para sa isang business deal at ako lang mag-isa sa bahay namin nang mga ilang araw. Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang marinig ang boses ni Momma pagkatapos ng tatlong ring.
"Hi, Danny! Kumain ka na ba? Kumain ka sa tamang oras, ha? Mapapagalitan talaga kita kapag nalaman kong hindi ka kumakain sa tamang oras," mahabang bungad niya sa akin. Her voice is lively as usual.
Pinigilan ko ang aking sarili na mapahagulhol. Finally, tears came dripping down on my face.
"M-ma. . ." I called in broken voice. Mukhang hindi naman niya iyon napansin. "Kailan po ang uwi mo?"
"Bakit? Miss mo na ba ako, baby? I'm sorry, matatagalan pa kasi ako rito. Baka sa makalawa makabalik na ako d'yan. I miss you, Danny. Kayo ng kuya mo."
Kinagat ko ang gilid ng isa kong kamay para pigilan ang tunog na kumakawala mula sa lalamunan ko. I'm crying unbeknownst to my mother.
"Come back soon, Mom. I miss you, too." I need you. Hindi ko na nagawang isa-tinig ang huling tatlong salita dahil nawala na siya sa kabilang linya.
I turned off my phone at pagpihit ko'y saktong natapat ako sa full lenght mirror. I could feel his marks all over my body. On my neck, my chest, and everywhere.
Patakbo akong tumungo ang banyo at binuksan ang shower saka tumayo sa ilalim niyon. I bathed myself with my clothes on. Gusto kong matanggal ang duming dumikit sa pagkatao ko. Gusto ko iyong mawala kaya mariin kong nilinis ang buo kong katawan ng paulit-ulit.
I'm empty. Wala nang natira pa sa akin.
───※ ·❆· ※───
"DANNY, may problema ba?" tanong sa akin ni Samantha nang maabutan ko siya sa locker room.
Hindi ko siya pinansin at deretsong binuksan ang locker ko.
Gusto kong sumigaw nang may makita na naman akong mga bulaklak at chocolate sa loob niyon. Inalis ko ang dalawang bagay na nasa locker at binitawan sa tiled floor saka tinapak-tapakan. Gulat naman na pinanood ako ni Samantha at ng iba pang kasama namin sa locker room ng aming department.
![](https://img.wattpad.com/cover/316048237-288-k716816.jpg)
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
Художественная прозаAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...