Chapter Ten

45 4 2
                                    

(TRIGGER WARNING: Read At Your Own Risk_This Chapter Contains Self-harm)

-
-
-
-
-

꧁༒•Kristoff's PoV•༒꧂

NAHINTO ako sa akma kong pag-inom ng tubig mula sa tumbler ko nang lumapit sa akin ang mga kaibigan ko na sina Marvin at Joseph. Kakaibang emosyon ang nabanaag ko sa mukha nila kaya nilimot ko na ang tungkol sa tubig ko.

"May nasagap kaming balita sa Business Ad., department," panimula ni Marvin. "Binugbog ni Daniella ang bulaklak at chocolates na iniwan mo sa loob ng locker niya."

"Bakit daw?" tanong ko. Nakaramdam akong bigla ng panibugho sa narinig.

Kumibit-balikat si Joseph. "Iyan ang hindi namin alam pati ng mga taong nakakita sa kanya. Ang sabi nga ng kakilala ko ay galit na galit si Danny nang umalis sa locker room sabay ng pagtapon nito sa basurahan ng mga bigay mo."

Hindi ako nakaimik. Sinipa ko ang soccer ball na gumulong papunta sa direksyon ko at malalim na bumuntong hininga.

"Lapitan mo na kasi, bud. Introduce yoursef. Tell her that you exist," payo sa akin ni Argon.

"Don't be such a chicken," Nico said.

Nahahapong umupo ako sa bermuda grass at tinitigan ang mga kamay ko. "I will. . ."

Pabagsak akong humiga sa damo at pinanood ang pamumuo ng ulap sa kalangitan.

───※ ·❆· ※───

KINAKABAHAN na tumingin ako sa pinto ng silid kung saan ginanap ang huling klase ni Danny. Nanunubig na ang kamay ko kasabay ng mabilis na kabog ng aking dibdib ngunit wala nang estudyante sa loob ng silid ay hindi ko pa rin nahagilap ang babaeng hinihintay ko.

Lakas-loob kong pinigil braso ang isang babae na dumaan sa harap ko, at lumunok. Gulat na tumingin sa akin ang babae pero nahalinhinan din ng ngiti ang mukha niya nang mapagmasdan nang maigi ang hitsura ko.

"Uhm. . ." Binasa ko ang nanunuyo kong mga labi sa paraan ng mabilisang pagdaan ng dulo ng dila ko roon. "Nasaan si Daniella?" tanong ko sa babaeng hawak ko sa braso at nagtaka nang makita ang paglamlam ng mukha niya.

"Si Danny ba?"

Tumango ako bilang sagot.

"Limang araw na siyang hindi pumapasok. Hindi ko nga rin siya ma-contact o kahit sino man dito. Wala siyang paramdam mula noong insidente sa locker room," aniya dahilan upang bumigat ang pakiramdam ko.

"Alam mo ba kung bakit hindi siya pumapasok?" tanong ko na nilakipan ng pag-asam na sana ay "oo" ang maging sagot niya.

Luminga siya sa paligid bago ako hinawakan sa may siko at giniya papunta sa isang sulok kung saan wala masyadong dumaraan na tao.

"Una sa lahat. . ." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ano ang pangalan mo, pogi?"

Natigilan ako. Oo nga pala't hindi pa ako nakakapagpakilala. "Kristoff," I said, "Kristoff Delgado."

"Kristoff," ulit niya. "The varsity soccer player?"

Tumango ako. So, she knows me.

"I only know you by name," wika niya na tila nabasa ang naisip ko. "Ano'ng kailangan mo kay Danny?" usisa niya sa akin.

"Gusto ko lang siyang makita at makausap," sagot ko.

"Tungkol saan?"

I hesitated. Marami siyang tanong, dinaig pa niya ang reporter. "Personal."

A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon