Seven Years Later. . .
꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
I groaned when I heard Rafael's constant nagging again. Tumayo ako mula sa inuupuan kong swivel chair para puntahan sa kinaroroonan nito ang aking makulit na anghel.
"Raf," tawag ko sa bata na kinukulit na naman ang Lola Juanita ko.
"Chocolate! Choco— late!" sigaw niya habang binabayo ang mesa gamit ang kaniyang munting mga kamay. "Chocolate!"
Umiling ako. Sinapo ko ang aking sentido dahil bigla na namang kumirot iyon, pagkatapos ay umuklo ako upang ikulong ang mukha ng anak ko sa aking mga palad.
"Okay, granny will give you your chocolate. Stop whining now," malumanay kong ani kaniya.
"Naku, Daniella. Bakit ba ang hilig-hilig ng anak mo sa tsokolateng ganito? Ang pait-pait," sabi ng lola ko na wala nang nagawa kundi pagbigyan si Rafael.
"Dark chocolate ho kasi iyan. With no sugar," sagot ko. Ayaw ni Rafael sa sobrang tamis na chocolate at nagagalit siya o di kaya nama'y tinatapon ang pagkain.
"Ewan ko ba rito sa anak mo," nakangiting turan ni Lola habang hinahaplos ang buhok ni Rafael na nagsisimula nang kumain. "Hindi ko akalaing magkakaroon ka ng ganito ka-gandang regalo, Danny. Kahit pa hindi katulad ng mga normal na bata itong si Rap-rap ay kinakaya pa ring makipagsabayan sa iba."
"Siyempre naman ho. Anak ko siya, eh. 'Di ba, baby ni mommy?" Pinupug ko ng halik ang buong mukha ni Rafael at tumawa nang pilit niya akong pinagtulakan palayo.
Hinaplos ko ang pisngi ng anak ko habang may ngiting namumutawi sa aking mga labi.
Rafael was born with Autism. Sa kabila ng kalagayan niya ay wala pa ring makakatumbas sa pagmamahal na inaalay ko para kaniya. He's my happy pill, my savior and guardian angel. Proud na proud ako sa kaniya. Proud ako na maging ina ng isang tulad niya.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, ha, Danny?"
Bumuntong hininga ako nang marinig ko na naman ang tanong na iyon ng Lola Juanita ko habang nag-e-empake ako ng mga gamit namin ni Rafael.
"Pinaliwanag ko na 'di ba sa iyo, 'la? Nakahanap na ako ng bagong mapapasukan sa Maynila, interview na lang ang kulang. At mas mabuti na rin iyon para makasama naman namin ni Raf si Momma at Kuya. Pati na ang pinsan ng anak ko," sagot ko sa matanda.
"Hay! May maayos ka naman kasing trabaho rito sa atin sa probinsya at malaki rin ang sahod. Matutustusan mo pa rin ang mga pangangailangan ng anak mo kahit nandito lang kayo," wika niya. Ayaw niya talaga akong paalisin, which made me smile.
"'La. . ." Inayos ko ang pinakahuling piraso ng damit sa trolly bag at sinara iyon. Nilingon ko si lola sabay yakap sa kaniya. Maglalambing ako sa huling pagkakataon. "Sumama ka na lang kaya sa amin? Doon ay maaalagaan pa namin kayo ni Momma."
Umiling siya at banayad na ngumiti. "At paano ang taniman natin dito, aber?"
"Iyon na nga ho." Ngumiti ako sa kaniya. "Hayaan mo na lang muna kami na umalis ni Rafael. Pangako ho, bibisitahin pa rin namin kayo rito."
Tila sumusukong tumango siya sa akin bago tumugon, "Siya! Bahala ka. Buhay n'yo iyang mag-ina."
"Thank you, 'la!" masigla kong tugon bago ko siya niyakap nang mahigpit. "Mahal ka po namin ng apo ninyo."
"Kung buhay pa sana ang lolo mo ngayon ay tiyak na hindi iyon papayag na muli kang manirahan sa lungsod," wika ng matanda na kababakasan ng lungkot ang tinig.
Malungkot akong ngumiti. Katulad niya ay miss ko na rin ang Lolo Besting ko na tatlong taon nang namaalam sa mundo.
"Nakapagpaalam ka na ba sa mga kaibigan mo?" tanong sa akin ni Lola.
I nodded my head slowly. "Nakausap ko na ho kahapon si Ate Ching at Pat. Tinawagan ko na rin kanina si Shawn." Abala ang huli sa trabaho nito ngayon na nakabase sa Thailand.
"Mabuti na lang talaga at may mga kaibigan ka na katulad nila. Sayang lamang at biglang nagbago ang lahat," saad ng lola ko.
My lips teetered in a quasi smile. Seven years ago nang bumalik ako rito sa amin sa probinsya ay nakilala ko ang kaibigang manunulat nina Ching. The woman was nice and beautiful. Kabilang ako sa mga nanghihinayang sa sinapit na kapalaran ng babae.
"Sya. . . Kaillangan mo ba ang tulong ko?" tanong sa akin ni Lola na pumukaw sa akin.
"Sige ho," sagot ko bago magpatuloy sa ginagawa ko kanina.
───※ ·❆· ※───
KINABUKASAN ay sinundo kami ni Kuya Daryll. Nasisiyahang nagyakap kaming magkapatid at nagkumustahan.
"Wow! Ang laki na ni Rap-rap," puno ng galak na wika ni Kuya nang masilayan si Rafael. Binuhat niya ang anak ko na tuwang-tuwa nang makita ang tiyuhin. Pinupug niya ng halik ang buong mukha ng bata na siya namang tawa nang tawa.
Habang nasa biyahe ay walang patid ang kuwentuhan namin ng nakatatanda kong kapatid. Nagkatawanan din kami habang pinag-uusapan ang kaniya-kaniyang mga karanasan namin sa mga lumipas na taon. Bihira lang kasi kaming magkita dahil malayo ang probinsya sa Manila, idagdag pa na abala rin kami sa kaniya-kaniyang trabaho at pamilya.
Nagpatuloy kami sa aming masayang usapan. Hinayaan lang namin si Rafael sa sarili nitong mundo habang nakaupo sa back seat ng sasakyan.
"Kumusta si Jane?" ang tinutukoy ko ay ang anak ni Kuya Daryll kay Jessica na asawa na niya nang limang taon.
Tumagal pa ng dalawang taon bago sila nagpakasal dahil madami rin naging sagabal sa pagsasama nila. Gayunpaman ay walang nagawa ang ex-husband ni Jessica kundi pakawalan ang babae. At ako naman. . .
Let me say that I am happy for them both. Masaya ako na nakatagpo si Kuya ng isang babae na gaya ng asawa niya ngayon.
"Malusog at matalinong bata. Manang-mana sa akin," tugon ni Kuya sa katanungan ko kanina na may halong pagmamalaki. "Malapit na rin ang kabuwanan ni Jessica." Bumaling siya sa akin at masayang ngumiti.
"Oo nga," aniko. "Congratulations sa pagkakaroon ng bagong miyembro sa pamilya ninyo."
He beamed at me. "Salamat."
We laughed together. Isa ito sa mga na-miss ko—ang makipagkuwentuhan at tawanan kasama ang kuya ko.
Sa wakas ay tinuon niya na ang kaniyang buong atensyon sa pagmamaneho. Lampas limang oras din kaming nasa biyahe bago namin narating ang Makati City dahil sa mahabang traffic.
Welcome back, self! aniko sa loob ng aking isip.
Tinanggal ko ang suot kong seatbelt saka nilingon si Rafael. A soft and contented smile appeared on my lips nang makitang nahihimbing ang aking munting anghel.
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
General FictionAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...
