Chapter Twenty-Five

13 0 0
                                        

꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂

HINDI ko naiwasan ang makaramdam ng kaba habang dahan-dahang inililipat sa mga braso ko ang bagong silang na sanggol. My heart thuds when I heard the baby gasped and I saw his tiny lips twitched.

"He's so tiny. . ." I whispered while playing with the baby's little hand.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata kaya mabilis kong inangat ang mukha ko at kumurap. Why am I being so emotional?

"Ang ganda ninyong pagmasdan." Binalingan ko ang nagsalita, si Momma. "It's been so long since the last time you held a baby in your arms. Tama ba, anak?"

I made a short nod. "Oh, he looks so cute, mom."

Suminghot ako habang hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi ko. Feeling ko ay biglang napunan ang butas na mayroon sa aking dibdib. I wasn't able to hold Rafael like this when he was born, I was so depressed back then that I couldn't even look at my own son.

"Oras na para sa breastfeeding, Danny," bulong sa akin ni Momma. She tried to get the baby from me but I refused. Nagsalubong ang mga mata namin at agad naman niyang nauwaan ang nais kong mangyari.

Dahan-dahan akong lumapit kay Jessica na nakahanda na para kunin sa akin ang baby niya. She smiled at me after having the baby in her arms.

"Nakapag-decide na ba kayo ni Kuya Daryll kung ano ang name ni baby?" usisa ko sa aking sister-in-law pagkatapos niyang mag-breast feed. Natutulog na sa kaniyang bisig ang bata.

Jessica carefully nodded her head. "It's Samuel, Danny. We named him 'Samuel'," she said.

A sweet smile flashed on my face. The name suits the baby so well dahil matagal nang hiling ng kuya ko na magkaroon ng lalaking anak. "God has heard," iyon ang kahulugan ng pangalan ng pamangkin ko. Pinindot ko ang tungki ng ilong nito saka ngumisi.

Nag-usap pa kami ni Ate Jessica pero hindi rin nagtagal ay kinailangan na rin niyang magpahinga. Kailangan na rin ako ng aking anak kaya nagpaalam na ako sa kanila para umuwi.

───※ ·❆· ※───

KINAUMAGAHAN ay naisipan kong mag-grocery sa department store. Tahimik akong nag-iikot sa pamilihan ng essential goods tulak ang cart nang makasalubong ko si Miss Mira, the SMI's president. Nilapitan niya ako suot ang usual niyang palakaibigan na ngiti.

"Hello, Danny! It's nice to see you here," bati niya sa akin. She lightly held my left elbow and kissed my cheek.

"It's nice to see you also, ma'am," aniko sa kaniya.

Nagkumustahan kami habang magkaagapay na namimili, paminsan-minsan ay nagmumungkahi siya sa akin ng mga produkto na puwede kong subukan.

"They have nice veggies here. Dito ako namimili ng gulay dahil fresh at mura," sabi ni Miss Mira nang makarating kami sa fruits and vegetables section.

I find it amusing somehow that she was like this. Sa uri kasi ng pananamit niya masasabi mo talagang sopistikada. Simple lang naman ang kaniyang gayak, trouser pants at cream shirt na tenernuhan ng casual loafers. Siya na yata ang human definition ng "Classy Tita".

Hindi ko naiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan si Miss Mira na ekspertong pumipili ng mga gulay para sa lulutuin niya. I admit na hindi ako magaling sa ganito, pero dahil sa kaniya ay natututo ako.

"Naisip ko nga sanang pumunta sa public market pero na-realize ko na masyadong mainit ang panahon," pagbabahagi niya sa akin habang inilalagay sa push cart ang natipuhan niyang isang packed ng sigarilyas. "Have you already been to a public market, Danny?" tanong niya sa akin nang abutin ko ang pakwan na nasa istante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon