꧁༒•Kristoff's PoV•༒꧂
TUMINGIN ako sa direksyon ni Danny na tahimik lang habang sumisimsim sa baso na iniinuman niya. Matagal bago ko binawi ang paningin mula sa dalaga at tinanggap ang inabot ng katabi kong lalaki na inumin para sa akin.
"Nagiging madalas po yata ang pagnakaw-tingin mo kay Miss Daniella, sir, ah!" Pabiro akong siniko ng katabi kong si Nataniel. Hindi ko siya pinansin at muling tumingin sa kinaroroonan ni Danny.
I'm glad na rito ako umupo at natatanaw ko siya nang mabuti.
Nanunukso naman ang tingin na ibinibigay sa akin ng mga kasama ko sa mesa. May iba pa na walang kahiya-hiya na binibiro ako. Tinatawanan ko na lang ang mga ito at pasimpleng nginingitian.
"Crush mo po si Miss Danny, 'no?" Siniko ako ni Arron at umingay naman ang iba dahilan upang dumako ang atensyon ng ilan sa amin.
"Tigilan ninyo ako or else wala kayong christmas bonus," pagbabanta ko sa kanilang lahat. Kaagad naman ang naging pagprotesta nila sa akin. I just laughed.
It is one of my golden rule to maintain a good relationship with my employees. Dahil naniniwala ako na hindi tatayog sa pinakataas ang kompanya namin kung hindi dahil sa sipag, hirap, at dedikasyon nila sa trabaho. Kaya katulad ni Mr. Sukehiro na siyang nag-oranigasa ng mumunting selebrasyon para sa kaarawan ng isa sa mga empleyado nito, malaki rin ang pagpapahalaga ko sa aking mga nasasakupan.
"Baka sa susunod, ‘Ma'am’ na rin ang tawag natin sa bagong accountant," biro ni Margaret. Umugong naman ang tuksuhan sa sinabi ng babae.
I scratched my eyebrow and curved my lips into a half smile.
Habang tumatagal ay mas lalong umiingay ang paligid. Marami na rin ang lasing na at hindi mapigil. Bumaling ako sa tumabi sa akin na si Mr. Sukehiro.
"Thank you for accepting our invitation." Nilahad niya ang isa niyang palad upang makipagkamay sa akin na kaagad ko namang pinaunlakan.
"Thank you also," sagot ko sa kaniya.
Nag-usap kami patungkol sa negosyo. While conversing with Mr. Sukehiro, I took a sideway glance at Danny's direction. Bahagyang umawang ang mga labi ko at tumaas din ang aking kilay nang mapansin ang kakaibang kinikilos ng dalaga.
". . . I will be greatly pleased if you will come on that big event, Kristoff."
Bumaling ako ng tingin sa kausap ko at tumango kahit hindi ko naman lubos na naunawaan ang sinabi niya. Sinipat ko ang oras sa suot ko na relong pambisig.
"I think we should end this celebration now. Maaga pa bukas ang mga empleyado natin," aniko.
Mr. Sukehiro immediately agreed. Inasikaso ko muna ang ibang mga empleyado ko bago nilapitan sa puwesto niya si Danny na nakasubsob ang mukha sa kaniyang dalawang braso. Dumako ang paningin ko sa baso na halos wala nang laman. She has a low alcohol tolerance, I reckoned.
Inangat ko ang isa kong kamay upang sana ay pukawin si Danny ngunit siya namang pag-ayat ng ulo ng dalaga mula sa pagkakayuko. Sinapo niya ang kaniyang noo at hinilot iyon saka ipinilig naman ang kaniyang ulo. Lumunok ako bago nagpakawala ng malalim na tikhim.
"Miss Salazar. The party's over," wika ko sa kaniya.
"Yeah. I am sorry—" suminok siya saka tinutop ang kaniyang bibig pagkatapos. "Sor—" again.
Inikot ko ang aking paningin at nang mahagilap ang isang baso at pitsel na may lamang tubig ay kaagad ko iyong kinuha. Pinuno ko ng tubig ang baso at inabot iyon kay Danny na tumanggi naman sa offer ko.
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
Ficción GeneralAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...
