꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
Mag-isa akong kumakain sa cafeteria. It has always been like this since that certain incident. And for those who may not know me yet— my name is Daniella, o mas kilala bilang Danny, third-year BS Business Administration student sa Alexons University kung saan ako kasalukuyang nag-aaral.
It's been almost a week since I started avoiding Mildred, Jaymee, and Layne— the three silicones. Wala naman akong pinagsisisihan. It was their fault, by the way.
Tama na ang ilang pagkakataong nagpagamit ako sa tatlo. I have helped them with their personal lives, even with the answers on their exams. Minsan nga ay nakakalimutan ko nang ahead sila sa akin ng isang taon, fourth-year college students ang tatlo at malapit nang magtapos.
Ngunit paano nga bang nangyari na napasok ako sa grupo na tinaguriang Filipina version ng ‘Mean Girls’?
Well, it all started at the library. I was peacefully reading when Layne approached me and asked for some help with one of her major subjects. Pareho lang naman kami ng course, which is Business Ad., kaya hindi ako nagdalawang-isip na tulungan siya. Ganoon ako kabait.
And then one was followed by two. Kinaibigan nila ako, and I intertained them. Wala akong gaanong kaibigan sapagkat ilag ako sa ibang mga tao; idagdag pa na galing akong probinsya at ang mga tunay kong kaibigan ay naiwan doon.
Natigil ako sa pag-iisip nang may umupo sa aking harapan. I paused to draw a loud breath when I saw the trio sitting in front of me.
"You've been avoiding us," simula ni Mildred, ang feeling superior.
"May problema ba, Daniella?" tanong ni Jaymee.
I shook my head then rolled my eyes simultaneously. Tinabi ko ang aking kinakain dahil nawalan na ako ng gana.
"Excuse me." Kinuha ko ang aking bag saka tumayo para umalis.
"Stay right where you are!" maawtoridad na utos ni Mildred. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang estudyante na nasa loob din ng cafeteria. "You think you can do anything just because you were smart?"
I halted to face them and gave them a smug smile. "Then try to be smarter. When you did get smart . . . approach me. Wala akong time sa inyo ngayon," I nonchalantly replied.
Nagpupuyos sa galit na tumayo si Midred, ganoon din si Jaymee at Layne.
This kind of confrontation bores me, so I left without minding anything or anyone. They all can stare at my way for the hell I care!
"Pagsisisihan mo 'to, Danny. You bitch!" sigaw ni Mildred sa aking likuran.
· · • • • ✤ • • • · ·
꧁༒•Kristoff's PoV•༒꧂
"YOUR SCHOLARSHIP has been renewed," nakangiting sabi ni Mr. Hishiro akin na labis kong ikinagalak.
"Thank you, sir!" nasisiyahan kong sagot saka tumayo sa harap niya at yumuko. "Thank you so much."
"Just do your best, Delgado. Aim for the trophy with your team."
"Yes, sir." Muli akong yumuko bago nakangiting lumabas sa opisina ni Mr. Hishiro.
Hanggang sa marating ko ang locker room ng mga athlete sa Alexons University kung saan ako nag-aaral sa kursong Entrepreneurship ay nakangiti pa rin ako. I was in good mood. Mahalaga sa akin ang scholarship dahil iyon ang nagsisilbing motibasyon ko sa pag-aaral at paglalaro ng sport. Kung tutuusin ay kaya ko naman magpatuloy sa pag-aaral kahit walang scholarship dahil hindi naman naghihirap ang pamilya ko, ngunit ito talaga ang gusto ko.
It feels like a milestone in my life— iyong hindi ko na kailangang humingi pa sa mga magulang ko para lang matustusan ang mga pangangailangan ko sa pag-aaral pati na rin sa passion ko.
Last year ay pinadala ang aming team sa Combodia para mag-training. Nagbunga lahat ng hirap at pagod namin nang mag-champion kami sa Football Cup na ginanap sa Russia at dahil doon ay nakapagbigay kami ng karangalan sa buong Alexons University at sa Pilipinas. It made me ecstatic and proud. And now, we are aiming for another thropy.
"Hello, bud!" bati sa akin ni Nico, ang goalkeeper ng aming team at best friend ko.
"Good day," ganting-bati ko sa kaniya.
"You seem to be in good mood today."
"I am. My scholarship has been renewed," I replied.
"That's good to hear. You deserve it, by the way. You're the best sweeper of our team," Nico said which made me grin. Tinapik niya ang balikat ko bago nagtungo sa shower room para maligo.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng soccer jerseys ay tumungo ako sa field kung saan naroon na rin ang iba pang team members para sa warm-up at training namin. Weekday kaya maraming estudyanteng nanonood, ang iba nama'y dumaraan lang.
But only one person caught my eyes and attention. A girl sitting alone in the middle part of the bleachers.
Ilang beses ko na siyang nakita at nakasalubong sa daan ngunit parang balewala lang sa kaniya ang presensya ko. She's aloof, haughty, and rarely smiles. Ang narinig ko'y nasa ikatlong taon na rin siya sa kolehiyo katulad ko at isa sa may ipaglalaban—kung utak ang kailangan—na estudyante sa buong university.
"She's cute," aniko habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa babae. Nagulat na lang ako nang biglang may umakbay sa akin at ginulo ang aking buhok.
"Focus, Kris!" It was Joseph, our midfielder. Sinundan niya ng tingin ang minamasdan ko kanina saka malawak na ngumisi. "Don't tell me you like that girl? Naku, bud! Hindi ka papansinin niyan," wika niya bago ako siniko sa bandang tagiliran.
"Shut up!" mahina kong singhal sa kaniya. Tumawa lang si Joseph at iniwan akong nakatanga sa babaeng kumuha ng atensyon ko.
Mukhang naramdaman naman ng dalaga na may nakatingin sa kaniya kaya umangat siya ng paningin mula sa binabasang makapal na libro. Napalunok ako dahil sa biglaang pagsalakay ng antisipasyon sa dibdib ko at marahang napabuga ng hangin. I raised my hand for a wave but got ignored.
"What a shame . . ." I mumbled to myself, utterly embarrassed of what I did.
━─━────༺༻────━─━
Author's Note: How's the experience? Do not hesitate to leave a comment. Thank you and have a great day ahead! 😊
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
Fiction généraleAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...
