Chapter Twenty-One

25 2 0
                                    

꧁༒•Kristoff's PoV•༒꧂

PINUNASAN ko ang gilid ng bibig ni Rafael na nadungisan ng dark chocolate na kinain niya. Ang totoo'y hanggang ngayon ay kumakain pa rin siya.

"M-mommy. . . mommy c-cried again," sabi niya habang kinakagat ang chocolate bar. "I-I want to wipe those. . . t-those tears away p-pero ayaw nya." Tiningala niya ako. "S-she ran away."

Bumigat ang kalooban ko habang pinagmamasdan siya. Banayad akong ngumiti at dinala ang ulo niya sa dibdib ko. "Just let her know that you'll be by her side. She needs you, Raf," bulong ko sa kaniya.

Tinuon ko ang aking paningin sa nakabukas na telebisyon, naka-mute iyon dahil ayaw ni Rafael makinig; gusto lang niyang manood.

"I-Ikaw ba a-ang. . .ang papa ko?"

Nahinto ako sa paghaplos ng buhok ni Rafael nang marinig ang tanong niya. Tiningnan ko siya.

"M-my friend at school t-told. . . told me t-that they have a big man in their h-house. They call h-him ‘papa’," kuwento niya, "A-at wala ako no'n."

Hinawi ko ang buhok na tumatabing sa mga mata niya at ngumiti nang magaan. "I could be one for you."

Kumislap ang mga mata niya at lumawak ang kaniyang ngiti nang tiningala niya ako. "R-really. . .?"

"Yes." Dinala ko ang isa kong daliri sa tapat ng aking bibig. "Basta secret lang natin."

Tumawa ako nang tumayo si Rafael at nagtatalon sa saya. I could feel my heart melting while watching the kid play and be swallowed by his own world all over again.

I stared at my hands for a couple of seconds before hearing my phone ringing. Luminga ako sa paligid upang hagilapin si Beng at tinawag ang dalaga upang bantayan si Rafael.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya. Kailangan ko lang sagutin itong tawag," wika ko kay Beng nang lumapit siya sa akin. Kaagad naman siyang tumango kaya tumungo ako sa beranda ng bahay nina Daniella at sinagot ang tawag ng sekretarya ko.

"Good afternoon, sir. I will just inform you about the invitation from Mr. Sukehiro of Hatura Company. Gusto niya raw ho kayong dumalo sa blow out birthday party ng isa sa mga best employee niya this evening," imporma ni Janice na siyang sekretarya ko na nasa kabilang linya.

"What's my schedule, Jah?" tanong ko sa kaniya.

"You have cancelled all of your appointments this afternoon including your dinner meeting with Mr. Choo," sagot niya. "And also, pati po kami na ‘best employees’ mo ay invited. Kaya if you'll be asking for my pretty opinion about this matter. . . You should come, sir."

Sa isip ay na-imagine ko ang ngiting naglalaro sa mga labi ng secretary ko. Pinadaan ko ang aking palad sa ulo ko hanggang sa may batok.

"Are you there, sir?"

Tumikhim ako at tumango kahit hindi naman ako nakikita ng kausap ko. "I will be there. Just confirm it with Mr. Sukehiro."

Lumingon ako nang marinig ang boses ni Rafael. A smile crept on my lips when I saw the little kid running around on the living room. Kay-lakas din ng tawa nito.

"May kasama ka ho bang bata ngayon, Sir Kris?" usisa ni Janice. Most probably ay narinig niya ang tawa ni Rafael.

I hummed. "Yes, I have. Just inform Mr. Sukehiro's secretary about my acceptance on his invitation."

"Opo," sagot ng sekretarya ko bago siya nawala kabilang linya.

Ilang segundo ko ring tinitigan ang screen cellphone ko bago iyon sinilid sa bulsa ng suot kong dress slacks saka pumasok sa loob ng bahay nina Danny. Tinawag ko si Rafael na kaagad namang lumapit.

A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon