꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
HINDI ba't sinabi ko noon na hindi ako manonood? Hindi ako manonood dahil wala akong hilig sa ganitong sport. Ngunit heto ako ngayong oras na ito— nasa basketball court ng Alexons University dahil hindi ko matanggihan ang pakiusap ng isang babae na pilit na nakikipagkaibigan sa akin.
Nilingon ko ang aking katabi na nagngangalang ‘Samantha’ na bigla na lang akong kinalabit saka nagtitili. Ganito ba talaga kabaliw ang mga babae sa basketball players? Umusog ako para magkaroon ng distansya sa pagitan namin ng babae at baka mapaghahampas niya pa. Mahirap na.
Kahit hindi ko talaga gusto ay pilit ko pa ring tinutok ang aking atensyon sa laro. Then, I saw him again.
Lumakas ang ugong ng hiyawan at tilian nang makapuntos ang Ranging Tamaraw team. Siyempre, score iyon ni Jordan na tumingin pa sa aking direksyon at nag-flying kiss. I hid my grimace and crossed my arms over my chest. Akala ng mga kasama kong babae sa puwesto ay para iyon sa mga ito kaya ganoon na lamang kasakit sa tainga ang naging tili ng mga ito. They should know better.
Nang magtawag ng time-out ang kalaban ay humiwalay sa grupo niya si Jordan at lumapit sa akin. He was wearing that usual smile again that could almost melt every girls' knees— at hindi ako roon nakaligtas. Nalilito ako sa epekto niya sa akin.
"Hi, Dan!" bati ni Jordan sa akin.
"Dan?" Did he just gave me a nickname? Hindi pwede. "Danny," pagtatama ko sa kaniya.
"Sabi ko na nga ba at darating ka. Thank you."
Umiling ako. "Hindi dahil sa 'yo." Tinuro ko ang aking katabi na si Samantha na manghang nakatingin sa aming dalawa. Ganoon din ang iba pang nasa loob ng hardcourt. "Inaya lang ako at hindi ako nakatanggi."
"But still, you came. It doesn't matter on what reason. Basta nandito ka," nakangiti niyang sagot.
I nodded my head as to dismiss him but he didn't move an inch. Nanatili siyang nakamasid sa akin dahilan upang mailang ako sapagkat hindi ako sanay sa ganitong uri ng atensyon na ibinibigay sa akin. Mabuti na lang ay magsisimula na ulit ang laro. Wala siyang ibang choice kundi ang bumalik sa gitna at ipanalo ang team.
"Oh my god!" Binalingan ko ng tingin si Samantha. "Magkakilala kayong dalawa? Ang suwerte mo, Danny. Nilapitan ka pa talaga niya," mangha niyang sabi.
I nonchalantly shrugged my shoulders. The whole game bores me. Ang ingay at ayaw ko sa ganitong lugar.
Nilingon ko si Samantha at nagpaalam na aalis na para maghanda sa susunod kong subject, which is Entreprenuership. Hindi naman niya ako pinigilan pa at kinumbinsi na manatili dahil bakas sa anyo ko ang pagkainip.
"Bye, Danny. Thank you sa pagsama mo rito sa akin." Ngumiti siya nang matamis saka kumaway sa akin.
I nodded my head. Tinapunan ko ng huling sulyap si Jordan na abala sa pagtakbo bago tuluyang umalis.
· · • • • ✤ • • • · ·
꧁༒•Kristoff's PoV•༒꧂
NILALARO-LARO ko ang soccer ball sa aking mga paa nang mahagilap ng mga mata ko ang babaeng hindi na yata pumapalyang agawin ang atensyon ko. She sits on the usual spot at tahimik na nagbabasa.
The longer I look at her way, the louder the voices inside my head gets: Ano kaya ang pangalan niya? Napapansin kaya niya ako?
Last time ay sinubukan ko siyang lapitan ngunit naging mailap siya sa akin. I tried to bump with her at the hallway pero nakakaiwas pa rin siya sa akin. Ngayon ay pinag-iisipan ko na naman kung paano ba siya malalapitan. Nais ko lang naman magpakilala at alamin kung bakit ginugulo niya ang aking sistema; kung ano ba talaga ang mayroon sa kaniya.
She has a captivating beauty. Her aura shouts superiority and innocence at the same time. May pagka-intimidating din ang dating niya kaya napapansin ko na medyo ilag ang ibang kalalakihan sa kaniya ngunit kapag nasa malayo naman siya ay nakikita ko ang paghanga sa mukha ng mga kinabinataan sa kaniya.
Hindi ko pa rin inaalis ang paningin sa dalaga hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagbigat ng aking balikat.
"Sa kanya ka na naman nakatingin," may himig panunukso na sabi sa akin ni Joseph. "You know what, bro? I made you a favor."
Tumaas ang aking kilay sa sinabi ng kaibigan ko. "At ano naman 'yon?"
"Hindi mo pa alam ang pangalan niya, 'di ba? Kaya inalam ko." Proud siyang ngumisi sa akin. "Her name is Daniella Salazar, a.k.a Danny, all the way from Business Administration department."
Tumango ako bago muling tumingin sa direksyon ng dalaga.
Daniella . . . I savored her name inside my head then a smile trailed on my lips.
"Danny," I whispered. It's beautiful just like her.
Nawala ang atensyon namin mula kay Daniella nang marinig ang pagpito at pagtawag atensyon ng aming head coach. Nagmamadali kaming lumapit kay Mr. Stroam upang makinig ng announcement.
While listening, I would constantly steal a glance at Danny's direction to the point na halos hindi ko na lubos maunawaan ang sinasabi ng coach. I smiled while wishing that she would see it.
But that thing remains a wish . . .
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
General FictionAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...
