Chapter Eighteen

30 1 0
                                        

꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂

"RAF? Mommy's home!" masayang bungad ko habang pumapasok sa loob ng kabahayan namin. "Guess what I have brought for you. Rafael—"

Para akong sinemento sa kinatatayuan nang makita ang mga kasama ng anak ko sa living room.

Galit. Oo, iyon agad ang naramdaman ko nang makilalanan ang kalaro ng anak ko. Kaagad ding natuon sa akin ang atensyon ng mga ito.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig kong tanong sa lalaking nakaupo sa sahig at nilalaro si Rafael.

"Daniella," tawag niya sa aking pangalan. I gave him a sharp look. Yumuko siya at ginulo ang buhok ni Rafael which infuriated me even more.

"Don't you dare touch him!" singhal ko sa kaniya. "Beng!" tawag ko sa dapat na nagbabantay sa bata. Luminga ako sa paligid ngunit hindi ko man lang nasilayan ang pinsan ko.

"Danny." Binalingan ko ng tingin si Abby.

Lumapit sa akin ang nanay ko at hinawakan ako sa may siko saka niya ako inakay patungo sa kusina kung saan hindi kami gaanong maririnig ng mga tao na nasa living room ng bahay.

"Bakit kasama mo siya, Mom?" tanong ko sa kaniya pagkaraan ng ilang sandali.

"Danny, matagal na niya kayong gustong makita at makasama," sagot niya.

"The hell I care!" bulyaw ko. "Mom naman. . ."

Sinapo ko ang aking noo at huminga nang malalim. Gusto kong magalit at sumigaw ngunit natatakot ako na baka marinig ni Rafael.

Hinaplos ni Momma ang braso ko upang subukan akong pakalmahin. "Just give him another chance. Tatay mo pa rin siya," wika niya.

"Another chance?" Umiling ako. Pumait bigla ang panlasa ko sa sinabi niya. "Huwag mong sabihin na binigyan mo na naman siya ng isa pang pagkakataon? Hindi ka ba napapagod, Mom? For more than eight years nawala siya sa buhay natin at kinaya naman natin, 'di ba? Bakit ngayon gusto mong pagbigyan ko ulit siya?"

"Danny, nagbago na siya."

I scoffed. "At bakit bigla na lang siyang nagbago?"

Napipilan siya at biglang naging mailap ang mga mata sa akin.

"May sakit ba siya, Mom? Kasi ang alam ko kapag mga babaero't manloloko nagbabago lang at nagsisisi kapag dumating na ang karma," maanghang kong bitaw sa kaniya.

"Don't be too harsh, Danny," malumanay niyang sabi.

"Ano ba dapat, Mom? Matuwa ako kasi sinabi mo na nagbago na siya? May patunay ka ba?" Nanghahamon ko siyang tinitigan pagkatapos ko iyong sabihin.

Yumuko siya at pabulong na nagsalita, "More than two years na kaming nagkikita, anak."

Natigilan ako sa aking narinig.

More than two years? At sa loob ng dalawang taon na iyon ay wala man lang akong kamalay-malay sa mga nangyayari sa buhay niya. Kaya ba mas pinili niya ang manirahan sa unit niya sa kabila ng pakiusap ko na magsama na lang kami sa iisang bubong bilang pamilya? I scowled at the last word. I don't know where it stand right now.

"Alam ba ni Kuya?" tanong ko sa kaniya.

Dahan-dahan siyang tumango.

Pumalatak ako dahil sa sobrang frustration. "Naglihim kayo sa akin." Puno ng hinanakit ko siyang tinitigan. "Mom, for Christ's sake, bakit kayo naglihim sa akin?"

"Ayaw lang namin na alalahanin mo pa kami. Namomoblema ka noon kay Rap-rap kasi nga nagkaroon pa siya ng komplikasyon. Ayoko lang na mag-aalala ka. And I know how much you hate him for what he had done. But I swear right now, Danny. . . nagbago na siya," sagot niya sa akin.

Umismid ako. "That's too much for a concern. Sa tingin mo ba ay sapat na iyong rason para maglihim kayo sa akin?"

"No, Danny." Sinubukan niya akong hawakan ngunit mabilis akong pumiksi. Lumatay ang sakit sa mukha niya ng dahil sa ginawa ko.

Muli akong umiling at nagpasyang iwan siyang nag-iisa sa kusina. Tumuloy ako sa aking silid at dinala na lang sa tulog ang galit at poot ko sa lalaking nasa loob ngayon ng sinira niyang tahanan.

Jace, ang tatay ko.

· · • • • ✤ • • • · ·

꧁༒•Kristoff's PoV•༒꧂

I called for Danny this morning. Wala naman talaga akong malinaw na intensyon sa pagpapatawag ko sa kaniya rito sa opisina ko pagkatapos ng mahaba kong trabaho ngayong araw.

I guess. . . I just wanted to see her face even just for a short while.

"G'morning, sir." Sa wakas ay nasilayan ko ulit ang mukha niya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay umiiwas siya sa akin.

Pinagmasdan ko ng at napansin na medyo nanlalalim ang kaniyang mga mata. Maybe because of hectic schedule and workloads. Nakahihiya man sabihin, pero iyong dating accountant ay maraming hindi natapos na trabaho dahil na rin sa biglaang pagkakasakit.

"It's 'Kristoff', " I said.

Tumango siya sa akin. "Sir Kristoff."

"Drop the 'sir'," aniko na hindi naman niya gaanong pinansin.

"May kailangan po ba kayo?" tanong niya bago naglakad palapit sa mesa ko at nilagay sa ibabaw niyon ang dala niyang folder na naglalaman ng dokumentong pinansyal. "That's the financial report for this month."

Tumango ako at saglit na tiningnan ang gawa niya. Danny is an effective and efficient worker. Alam na alam niya ang ginagawa at malinis magtrabaho. I'm glad na siya ang bago naming accountant.

"Kumusta si Rafael?" usisa ko sa kaniya pagkatapos kong itabi ang dokumento.

"Okay lang. Your answer to may question, please," malamig niyang tugon sa akin.

"Kumusta ka?" Hindi ko pinansin ang pagbakas ng iritasyon sa mukha niya. "Kumain ka na ba? May ipina-deliver akong pagkain para sa inyo."

"Iyan lang po ba kaya ninyo ako pinatawag dito?" tanong niya sa akin. Lakas-loob niya ring sinalubong ang paningin ko. "If you don't mind, Kristoff, I have lots of work to do. Please, excuse me."

Pagkatapos iyong sabihin ay umalis na nga siya. Mariing pinagdikit ko ang aking mga labi bago inandig ang likuran ko sa sandalan ng inuupuan kong executive chair. Tumitig ako sa kisame at sunod-sunod na bumuntong hininga.

"Damn it, Kristoff! Bakit ba nagkakaganito ka kapag kaharap siya?" kastigo ko sa aking sarili. Tinampal ko ang sarili kong noo at tumawa.

Nababaliw na siguro ako.

Umiling ako at nagdesisyong umalis na lang. Pupuntahan ko ang mga kaibigan ko sa aming hang-out place, which is the Starrynight Bar.













A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon