Chapter Five

63 5 25
                                        

꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂

NAKAHINGA ako nang maluwag nang madatnan ko na walang tao sa loob ng firescape ng building namin. Umupo ako sa dati kong puwesto para matulog. I didn't sleep a wink last night dahil sa nangyari at ngayon pa lang ako babawi. Susubukan kong makatulog kahit ilang minuto lang at kahit sobrang init. Dito kasi ay walang mang-iistorbo sa akin.

Oh, well . . . nagkamali ako ng iniisip.

Hinihila pa lang ako ng antok nang biglang bumukas ang pinto ng firescape at niluwa niyon si Jordan na kay-luwang ng pagkakangiti nang masilayan ako. I felt irritated. Sa dinarami-rami ng pagkakataon na maaari ko siyang makasama sa iisang lugar ay sa ganito pa talagang oras.

Bigla tuloy akong na-conscious sa hitsura ko. Sigurado ako na nanlalalim ang aking mga mata at kulang din sa kulay ang aking balat dahil sa kakulangan ng tulog. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong zombie dahil sa kalagayan ko.

"Hi," bati ni Jordan at walang kemeng tumabi sa akin ng upo. "Okay ka lang ba?" tanong niya habang nakatingin sa mukha ko.

"Bakit ka ba nandito?" Dapat pala ay sa oval na lang ako pumunta. At least doon walang maglalakas ng loob na lumapit sa akin.

"This is my place. My safe haven," sagot niya.

I slightly scrunched my nose. "Wala ba kayong practice?"

"Nah. Lumiban muna ako," tugon niya sa tanong ko. "Kumain ka na ba?" biglang usisa niya sa akin.

Nang hindi ako sumagot ay ngumiti siya at may kinuha sa loob ng kaniyang bag. An apple.

"Eat this. You need it," he said.

Tinitigan ko lang ang hawak niya at hindi kumibo.

"Wala itong lason. I am not a witch. I'm more of a prince," sabi niya at kumindat pa sabay ngiti.

I rolled my eyes over his unearthly claim. Padaskol kong tinanggap ang mansanas at baka kung ano-ano pa ang sabihin niya sa akin. Mas lalo lang akong mab-bad trip.

"Salamat."

Hindi ko kinain ang mansanas at mukhang hindi naman niya iyon napansin dahil abala siya sa pagsasalita. Nagkuwento siya ng kung ano-ano hanggang sa hindi na namin pareho namalayan ang oras. Natagpuan ko na lang din ang sarili ko nakikipagtalastasan kay Jordan at palitan ng salita.

He's got a sense of humor. Kahit paano ay napagaan niya ang loob ko kahit sa loob ng maikling oras.

"Can we be friends?" maya't maya ay tanong niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot dahil sapat nang hinayaan ko siyang makalapit sa akin. Nakalimutan ko na ang tungkol sa pagtulog. Oras na rin ng susunod kong klase sa masungit naming professor.

"Bye, Dan. See you around," paalam sa akin ni Jordan bago kami naghiwalay ng daan.

───※ ·❆· ※───

NAGLALAKAD ako sa hallway ng university nang makasalubong ko sa daan sina Mildred, Jaymee at Layne. Masama pa rin ang tingin pinupukol ng tatlo sa akin kaya katulad ng dati ay hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

I and Mildred bumped into each other. I felt that it was intentional that's why I glared at the her but to my annoyance, she'd just smirked at me. I clicked my tongue then continued walking.

Sa paglalakad ko ay napansin ko ang sulyap na ibinibigay sa akin ng ibang mga estudyante nakakasalubong at nadaraanan ko. Nagulat pa ako nang may lumapit sa akin na dalawang lalaki at sinabing, "Mamaya. Sa stock room."

I was confused as hell ngunit hindi ko iyon pinahalata sa dalawa. Tumuloy ako sa locker room kung saan ko naabutan si Samantha na nagr-retouch ng make-up.

"Hello, Danny!" bati niya kasunod ng pagkunot ng noo. Pinagtakhan ko ang bigla niyang pagtungo sa aking likuran at pagkuha ng kung ano mula roon.

"Gosh! Who did this to you?" Tumaas ang kilay ko dahil sa taas ng boses ni Samantha na nahimigan ko pa ng galit at simpatya. Tiningnan ko ang hawak niyang papel at may nakasulat nga roon in bold letters.

"Ano'ng nakasulat?" Akma ko sanang aagawin ang papel mula sa kamay ni Samantha ngunit mabilis niya iyong naiiwas. I sighed. "Give me that," may talim na sabi ko sa kaniya.

Nag-aalangan man, binigay niya pa rin sa akin ang papel.

Puno ng pagtataka na binasa ko ang nakasulat sa papel, kasunod niyon ay ang pagbabago ng emosyon sa aking mukha. My nose flared with anger as I pressed my lips together. I was so furious as I crumpled the paper in my hand.

"Saan ka pupunta, Danny?" nag-aalalang tanong sa akin ni Samantha nang talikuran ko siya at nagsimulang maglakad paalis sa locker room.

Mabibigat at puno ng galit akong humakbang para hanapin ang tatlong nakasalubong ko kanina. Sila lang ang alam kong gagawa nito sa akin. Those bitches!

Nahanap ko sina Mildred sa cafeteria kung saan kay-lakas ng tawanan ng mga ito habang nagkukuwentuhan kasama ang iba pang estudyante ng university. Naglakad ako palapit sa kanila at ubod ng lakas na binagsak ang dalawa kong kamay sa mesa na pinag-uumpukan nilang magkakaibigan dahilan upang lumikha iyon ng malakas na tunog na ikinalingon sa gawi namin ng ibang mga tao.

"D-Danny?" Gulat na tumingin sa akin si Layne subalit nakatuon lang ang atensyon ko kay Mildred.

"You, bitch!" singhal ko sa kaniya.

"Ano bang problema, Danny?" tanong niya na ikinaismid ko.

"You did this, didn't you?" Tiim-bagang kong pinakita rito ang papel na sobrang gusot na dahil sa panggigigil ko.

"I-I. . . No," sagot niya habang hindi makaapuap ng salita at hindi rin makatingin ng deretso sa akin.

"Huwag ka nang magmaang-maangan. Alam kong ikaw ang may gawa nito— kayo ng mga kasama mo!" Sinipa ko ang isang upuan dahilan upang mapapitlag sila sa pagkagulat.

"Hindi kami ang may gawa niyan," pagitan ni Jaymee. "Bakit ba kami ang sinisisi mo?"

"Oh? Because you are a total bitch?" I retorted back.

"Stop it, Danny. Stop making a scene," wika ni Mildred na mas lalo lang nakadagdag ng galit ko.

"Just answer me. Ikaw ang may gawa nito?" nagpipigil na tanong ko habang ibinabalandra sa mukha niya ang nakasulat sa papel.

"Hindi nga! Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?" tugon niya na sinasabayan na rin ang galit ko.

"Stop playing dumb when you are already. I'm so sick of your stupidity!" I snapped.

Namula sa galit ang mukha ni Mildred ngunit wala akong pakialam doon. Tumayo siya at bigla na lang akong sinampal nang ubod lakas. Napasinghap din ang lahat ng nakasaksi sa ginawa niya. Bigla akong namanhid at saglit na natuod sa kinatatayuan ko.

Tiningnan ko siya nang masama at ginantihan ng sampal. Mas doble pa ang sakit na naidulot ng sampal ko sa pisngi niya na ang bilis bumakat.

Dahil sa nangyari ay nakigulo na rin sina Jaymee at Layne at pinagtulungan ako ng tatlo. Marami ang nagtangkang umaawat sa amin ngunit ni isa sa amin ay walang nagpatinag hanggang sa may marahas na malalaking braso ang humila sa akin palayo sa gulo.

"Bitawan mo ako!" singhal ko sa may hawak sa akin at pilit na kumakawala. "Ang sabi ko, bita—!"

Naumid ang dila ko nang malingunan si Jordan. He was holding me tightly.

"Stop now, Dan," malumanay niyang sabi sa akin.

Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa pinaghalong galit at pagkahapo. I mustered my strenght and pushed him away from me. Muli kong tinapunan ng masamang tingin sina Mildred bago umalis ng cafeteria. Dumaan ako sa may trash bin at doon tinupon ang gunak-gunak nang papel.

It says, "I'm still a virgin. Can someone help me to have some experience?"

























A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon