꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
"IYONG bilin ko, Beng, ha?" wika ko sa desenuwebe anyos na dalagang magiging tagabantay ni Rafael habang wala ako at nasa trabaho. Pinsan ko siya sa kapatid ng aking ina.
"Noted po, ate," sagot niya sa akin.
"Nasa cabinet lahat ng gamot at vitamins ni Raf. Pakainin mo siya sa tamang oras. Give him dark chocolate when he whines," habilin ko sa kaniya bago ko nilapitan ang natutulog kong anak saka siya hinalikan sa noo. "Bye for now, baby. Uuwi kaagad si Mommy," bulong ko kay Rafael.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga bago nagpasyang lisanin ang silid ng nahihimbing kong anak.
Tinungo ko ang garahe ng aming bahay at kinawayan si Beng bago ako sumakay sa compact car na regalo sa akin ng nanay at kapatid ko para sa aking pagbabalik saka iyon pinausad. Ngayon ang araw ng interview ko sa Highlands Shipping Company kung saan ako nag-apply bilang bagong accountant ng kompanya.
Noong bumalik ako sa probinsya ay napagdesisyunan kong mag-switch ng course, mula Business Administration ay lumipat ako sa Accountancy. Dahil mataas ang demand sa bago kong course ay kinailangan kong umulit ng first year, idadag pa na malayo ang leap na ginawa ko thinking about my previous course. Pero sa kabila ng lahat ay kinaya ko pa ring makipagsabayan sa ibang mga estudyante ng university na pinasukan ko. It has been a tough fight but I managed to survive and cope with everything.
Nagpatuloy ako sa pag-aaral sa kabila ng maselan kong pagbubuntis through online learning noong first year ko sa accountancy. Naging mahirap sa akin ang maraming bagay subalit mabuti na lang ay may mga tumulong sa akin, partikular na ang lolo't lola at mga kaibigan ko. They were very attentive to me lalo na noong pinanganak ko si Rafael.
My son was such a blessing in disguise. Siya ang nagsalba sa akin noong nalulunod ako sa nakaraan na dahilan ng pagkakasilang niya sa madayang mundo na ito.
───※ ·❆· ※───
PAGDATING ko sa kompanyang in-apply-an ko ay kaagad akong pinatuloy ng sekretaryang naghihintay sa akin sa opisina ng boss dahil iyon daw ang personal na nag-i-interview sa mga aplikante. Walang kakaba-kaba na tumuloy ako sa malawak at maaliwalas na opisina ng may-ari ng shipping company. Nagustuhan ko ang pagiging minimalist ng interior niyon at hindi gaanong masakit sa mata.
Tumikhim ako nang makita ang isang lalaki na nasa likod ng executive desk. The man has a lean shoulder and dark hair, nakayuko siya at abala sa mga inaanalisang dokumento. Tumuwid ako ng tayo at huminga ng malalim.
"Good morning," pukaw ko sa lalaki sa pinapormal na tinig. Hindi naman nagtagal ay nag-angat din siya paningin sa akin.
His eyes held mine for a short moment of time. Bahagyang umawang ang mga labi niya habang tinititigan ako na para bang nakakita siya ng multo sa katauhan ko. I mentally shrugged my shoulders because of the thought.
"My name is Daniella Salazar, sir." Pagpapakilala ko sa kaniya. Napansin ko ang mabilisang pagkislap ng mga mata niya at ang kapiranggot na pagkurba ng mga labi para sa isang ngiti.
"H-hello, Miss Salazar."
Nautal ba ito?
He cleared his throat before motioning me to take a seat on the visitor's chair that was in front of him, which I obligingly did.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at sinimulan na ang pag-interview sa akin. Magaling siyang magsalita at professional— iyon ang napansin ko. Ngunit lingid sa aking kaalaman ay nad-distract siya sa akin.
"By the way, I am Kristoff Delgado," bigla niyang singit sa kalagitnaan ng pag-uusap namin.
"As I already know, sir," I formally replied.
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
General FictionAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...