꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
"Ayyyieee. . .!"
Muntikan pa akong masamid nang makita ko ang isang pamilyar na babae na nagmamadaling makalapit sa akin. Bakas din ang excitement sa mukha niya. Tinigil ko na muna ang pagkain ko para mapagmasdan siya nang maigi.
Samantha, I acknowledged inside my head.
"Danny, I missed you!" Tuwang-tuwa siyang umupo sa harap ko at ngumiti nang kay-luwang sa akin.
Iba talaga magbiro ang tadhana. Ang daming babaeng kakilala ko ang maaari kong makasama sa araw na ito, ang madaldal pa talagang ito ang natiyempuhan ko.
"Look!" Pinakita niya sa akin ang palasingsingan niya. "I'm getting married!" tili niya.
"Oh, wow. Congrats," kaswal kong tugon sa kaniya.
"Iyan lang? Wala bang ngiti, o. . ." Pinatong niya ang dalawa niyang siko sa mesa at nangalumbaba. "Wow, Sam! I'm so happy for you! Sana magkaroon kayo ng maraming anak ni Joseph!" Pilit niyang ginaya ang tono ng boses ko ngunit pumalya siya.
Pinaikot ako ang aking mga mata saka tumugon, "Okay."
"Do it!" udyok niya sa akin.
"Bakit ako magpapanggap na masaya kung hindi naman talaga?" kunot-noo kong sabi sa kaniya.
Lumabi siya. "Ikaw talaga. Hindi ka pa rin nagbabago. Blunt ka pa rin!" Ngumisi siya sa akin. "Pero mas lalo kang gumanda."
"Okay." Nagpatuloy ako sa kinakain ko at hinayaan na lang siyang dumaldal nang dumaldal.
"Anyways, nag-confess na ba sa 'yo si Kristoff?"
Na-trapped sa ere ang akmang pagsubo ko ng pagkain at nagtatakang pinagmasdan si Samantha.
"Hindi mo pa alam?" tila hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Nagpatuloy lang ako sa pagmasid sa kaniya. How did she even know him?
Pumalatak si Samantha. "Haist! Ang kupad talaga ng lalaking 'yon. Pagdating sa 'yo napakakupad."
"Ano ba ang pinagsasasabi mo, ha?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.
Tumikhim siya bago sumagot, "Siya iyong secret admirer mo!"
Umismid ako sa sinabi niya. Secret admirer my foot!
"Matagal na iyong in-love sa 'yo. Nakaka-bilib nga na loyal pa rin sa iyo ang loko kahit seven years na ang lumipas. I mean. . ." Tumikhim siya bago nagpatuloy, "Ang mga guwapong tulad niya dapat ay hindi na single ngayon. Pero baliw na baliw sa 'yo ang loko." She giggled after.
"I don't believe you." Malay ko ba kung gawa-gawa lang niya ang mga sinabi niya.
Umiling siya. "Believe me! Ako na ang nagsasabi sa 'yo ngayon nito dahil nagpapakatorpe pa ang knight in shining armour mo. Si Kristoff talaga—"
"Samantha!"
Sabay kaming lumingon sa pinagmulan ng tinig. Isang may hitsura at matangkad na lalaki ang naglakad patungo sa direksyon namin. Tumayo siya sa likuran ni Samantha at hinalikan ang buhok ng babae.
"Joseph, dumating ka na pala." Ngumiti ng todo si Samantha at inudyukan ang fiancé niya na umupo sa kaniyang tabi. "Nakita ko si Danny dito kaya nakipagkuwentuhan muna ako. Sinabi ko na rin ang tungkol sa feelings ng torpe mong kaibigan. Pero hindi siya naniniwala. Patunayan mo nga—"
Natahimik siya nang siniil ng halik ni Joseph sa mga labi niya.
Tumikhim ako at pilit na umiwas sa kanila ng tingin. Nang hindi ko na nakayanan ay tumayo na ako. Kapag minamalas ka nga naman. . . When it rains, it really pours!
Hiningi ko muna sa waitress ang bill ko para bayaran bago umalis sa restaurant na pinagkainan ko. Saka na lang ako makikipagkumustahan kay Samantha kapag ayos na ang nabagok nitong ulo.
· · • • • ✤ • • • · ·
꧁༒•Kristoff's PoV•༒꧂
NGUMITI ako habang pinapanood si Rafael na abala sa ginagawa niyang pagpipinta sa isang maliit na canvas na binili ko para sa kaniya. Danny's child is gifted. Mahusay siya sa paghahalo ng mga kulay at madamdamin ang bawat pagdampi ng paintbrush niya sa puting canvas na ngayon ay puno na ng mga imahe.
"N-nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin habang nakatuon ang atensyon sa ginagawa.
I hummed my agreement. "I loved it, Raf."
Habang tumatagal ay napansin ko na padilim nang padilim ang gawa niya. From light colors, he mixed the paint with dark ones. It's also getting heavier emotions.
"M-mommy's always sad. S-she. . . she k-keeps on telling that she's okay but I always see her c-crying when she thinks I'm asleep." Tumingala siya sa akin at agad akong nakaramdam ng simpatya sa sinabi niya.
"Bakit kaya siya malungkot?" tanong ko. Hinawi ko ang buhok ni Rafael na tumatabing sa mga mata niya.
"I-I. . . I don't know. Maybe b-because I'm this way," he murmured. I felt like something hit me when the young boy said those words.
Pinahinto ko siya sa kaniyang ginagawa at sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Raf. . ." Inudyukan ko siyang tumitig sa mga mata ko. "It's not because of you. She's happy when you are happy. So don't think that way if it makes you sad. You are a gift," I said earnestly.
Gumalaw siya at natabig ang mga pintura dahilan upang kumalat ang mga iyon sa sahig. Natapunan din ang suot kong damit ng mga kulay.
"Naku, Rap-rap! Sorry ho, kuya." Dulog sa amin ni Beng na aligagang pinunasan ang suot kong damit. Inagaw ko mula sa kaniya ang kapirasong tela at ako na mismo ang naglinis ng dumi.
"It's okay," aniko.
Tiningnan ko si Rafael na nagsisimula na namang magwala. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tumayo at binuhat ang makulit na bata sa aking balikat. Saglit siyang natigilan bago tumawa.
"S-superhero!" sigaw niya nang magsimula akong humakbang.
I laughed before starting to run, encircling the small space we were in. Tuwang-tuwa naman na pinanood kami ni Beng habang naglalaro.
"Saglit lang po, kuya! Kunan ko kayo ng picture. Ipapadala ko kay Ate Danny."
Huminto nga ako at ngumiti habang kinukunan kami ng larawan ng dalaga.
· · • • • ✤ • • • · ·
꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
ABALA ako sa pag-aanalisa ng record documents ng finances ng kompanya nang mag-beep ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mga pinagpatong-patong na mga papeles. Kaagad ko iyong dinampot at tiningnan ang kung ano mang pinadala na mensahe ni Beng.
Kumunot ang noo ko nang makita ang larawan ni Rafael na masayang buhat ni Kristoff sa balikat niya. Kahit ang binata ay bakas din ang kasiyahan sa mukha habang nakikipaglaro sa anak ko.
Nagtaka ako dahil may meeting dapat ang CEO ng mga oras na ito kaya ano ang ginagawa niya sa bahay namin? I called Kristoff's secretary to inquire about the said meeting and learned that it was cancelled. Pero kahit na, dapat ay nasa opisina ito o 'di kaya ay ginugugol ang bakanteng oras para sa pagpapahinga nito.
Nag-beep ulit ang cellphone ko at sa pagkakataong ito ay mensahe na ang nabasa ko.
"Dumating dito kanina si Kuya Kristoff, ate."
Kuya? Alanganin akong nagpatuloy sa pagbabasa.
"May dala siyang iba't ibang klase ng paint brush at mga pintura pati canvas para kay Rap-rap. Sobrang saya ng anak mo, Ate Danny! At ang bait-bait ni Kuya Kristoff. Nanliligaw ba siya sa 'yo, ate?"
Natigilan ako sa huli niyang sinabi. Saglit pa ay hinahanap ko na ang numero ni Kristoff na naka-save sa contacts ko at sinubukan siyang tawagan.
Out of reach.
Kinabahan akong bigla. Ano ba talaga ang kailangan niya sa amin?
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
General FictionAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...
