꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
I sighed when I heard Rafael's sharp cry the moment I entered our home. Pagod na hinubad ko ang suot kong blazer at tiningnan ang anak ko na nasa kusina. Pinagtutulakan niya palayo si Beng.
"Ano ba'ng nangyari?" tanong ko sa dalaga.
Lumingon sa akin si Beng saka malungkot na ngumiti. "Nagpumilit ho kasi kaninang mamasyal sa labas itong si Rap-rap kaya dinala ko siya sa parke na malapit lang dito sa bahay natin. Okay naman po, eh. Wala namang problema. Kaso nakita niya iyong mag-anak na masayang nagp-picnic, tapos nagsimula na siyang magtatanong kung bakit wala siyang kasamang malaking lalaki. Bakit daw palaging ako at ikaw lang ang kasama niya."
Sinapo ko ang aking noo saka tumalikod sa kanila. Something just pierced inside of me and the pain was unbearable.
Kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan doon, si Abby. Kaagad namang sumagot ang nanay ko at sinabi ko sa kaniya ang problema. Habang nagsasalita ay pasikip nang pasikip ang dibdib ko. Pagkatapos ng aming pag-uusap ay nangako siya na pupunta kaagad sa amin.
I turned to Rafael and tried to calm him down but I failed.
"Raf. . . Please don't make this hard for me, anymore," I begged without him hearing any single word dahil muli kong tinakpan ang tainga niya gamit ang mga palad ko.
Binalingan ko ng tingin si Beng na malungkot na nakamasid sa amin at nagpaalam na aakyat muna ako sa kuwarto ko at doon tahimik na umiyak. Hindi ko makayanang pakiharapan ng mga oras na ito si Rafael. Ayaw kong makita niya kung gaano ako naapektuhan sa lahat ng mga nangyayari.
Parang pinipiga pa rin ang puso ko sa tuwing naaalala na ang batang katulad ni Rafael ay nangangailangan din ng kalinga ng isang ama.
Subalit paano ko mabibigyan ng haligi ang kanilang tahanan kung ginugulo pa rin ako ng nangyari sa akin? Ang dahilan kung bakit siya nabubuhay sa unfair na mundong ito? Paano ko muling magagawang magtiwala sa isang lalaki kung alam sa sarili ko na sakit lang ang maiidulot niyon sa amin? At sino ang handang humalili at tumayong haligi na magpo-protekta sa sa amin?
Those stupid questions came flooding inside my head. Kaya ko naman, eh. . .
Akala ko ay napaghandaan ko na ang pagdating ng panahon kung kailan maghahanap na ng ama si Rafael, ngunit hindi pa pala. Dinudurog pa rin ako niyon at pilit na hinihila sa kumunoy na tinatapakan ko.
I love my son so much ngunit paano niya maibibigay ang bagay na tinalikuran na kami pareho? Tinangay na lahat-lahat mula sa amin- akin. It may be selfish to think of keeping my son only for myself, but that's what life had taught me so.
To keep my guard up no matter what.
───※ ·❆· ※───
DAHIL sa nangyari ay minabuti ko na ipasok si Rafael sa isang institute kung saan pawang mga katulad lang niya ang kaniyang makakasalamuha. Dito ay matututukan ng maigi si Rafael at matuturuan pa ng maayos. Higit sa lahat ay marami siyang matututuhan at malalaman tungkol sa isang makulay na mundo na nakalaan para lang sa katulad niya.
Pero syempre, bago ako nagdesisyon sa bagay na ito ay dinulog ko muna opinyon ng nanay at kapatid ko. Hindi naman nila sinalungat at sinabing mas mainam iyon kaysa magkulong si Rafael sa sarili niyang mundo na kung minsan ay hirap kaming mapasok.
My attention was caught by the sound of a door creaking. Umangat ako ng tingin at tumayo mula sa pagkakaupo sa waiting area nang makilalanan ang babaeng pumukaw sa akin.
"Miss Daniella, naghihintay na ho sa iyo sa loob si Ma'am Mari," tawag sa akin ng sekretarya ng founder at presidente ng Sparkling Minds Institute (SMI). Layon ng institusyon na pagyamanin at suportahan ang mga batang may autism at espesyal na pangangailangan, gaya na lamang ni Rafael.
Hindi na ako nagsayang pa oras, pumasok ako sa loob ng sinabing opisina ng presidente.
Nginitian ko ang babaeng nakaupo sa likod ng mahagony table na sinenyasan akong maupo sa visitor's chair sa katapat niya na kaagad kong sinunod. Maganda siya sa kabila ng edad, siguro ay mas matanda lang ng limang taon sa nanay ko. May maganda rin siyang ngiti at presentable kung manamit.
"Kumusta, Ms. Salazar?" tanong niya sa akin matapos akong pumormal ng upo.
"Ayos naman po." Muli akong ngumiti nang ganoon din ang ginawa niya.
Hindi niya binura ang ngiti sa kaniyang mukha kahit nang pinagsalikop niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. "You have a very strong presence. Are you aware of it?"
I shook my head then smiled humbly. "No, ma'am."
"Nakita at nabasa ko na ang profile ng anak mo. He's a handsome boy, and talented," wika niya na nakapagpataba ng aking puso.
"He is."
Tinitigan niya ako nang maigi. "Siguro ay kamukhang-kamukha niya ang tatay niya."
Natigilan ako at nawalan ng kibo. Umiwas ako ng tingin dahil biglang lumikot ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. I secretly heaved a sigh before smiling.
"I am not sure with that," I said.
Saglit niya akong pinagmasdan bago lumarawan ang pang-unawa sa kaniyang mukha. "I am sorry for bringing that up all of a sudden."
"It was fine, ma'am."
Kinumpas niya ang isa niyang kamay sa ere. "Please don't call me ‘ma'am’. Everyone else here addresses me ‘Ms. Mira’, at feeling ko mas nagiging bata ako sa ganoong tawag kahit may asawa't anak na ako."
"I can see that. . . You look great."
"Thank you!" Muli niya akong tinitigan. "Aren't you going to find someone in your life?"
"You mean someone like. . ." my words trailed off. Ngumiti ako saka nagpatuloy, "I'm sorry. But I don't need that someone in my life."
"Oh, who does not!" Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa naging tugon ko. "Everyone needs someone in their life—someone they can rely on."
"But not all are is given the chance to have one," I replied. "At hindi ko ho iyon kailangan."
"But your child does."
Malungkot akong ngumiti sa kaniya. "Siguro nga ho," aniko. "But am I not doing enough? I can provide for him and give the love he needs in this world. Masaya na ho ako at kontento na kaming dalawa lang, at sigurado ako na ganoon din si Raf. After all, me being a single mom is already enough to be called the man in our home."
Nasisiyahang pinagmasdan ako ng ginang. "Yes, I agree with you. And I admire every single mother like you. Nanay rin ako, eh." Marahan niyang tinapik ang kamay ko na nasa ibabaw ng kaniyang mesa. "Naalala ko bigla ang anak ko sa 'yo."
"Maganda siguro siya katulad n'yo," I meekly said.
Tumawa siya at umiling. "No! He's a man. A very handsome man."
Tumango ako.
"Kung hindi lang abala ngayon ang anak ko ay baka ipakilala ko siya sa 'yo. I liked you the moment you entered in my office, Daniella," sabi niya na kailan man ay hindi ko inasahan.
Muli akong tumango. Bigla akong nailang sa kaniya.
Ngumiti sa akin nang matamis si Ms. Mari. "You are really beautiful, I swear. Even ‘Danny’ suits you perfectly. You are very blessed."
Kinagat ko ang aking ibabang labi sa narinig. The meaning of my name was ‘God is my Guide’.
But is He really guiding me?
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
Fiksi UmumAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...
