Chapter Two

75 9 18
                                        

꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂

I pursed my lips when I finally reached the fire scape's door of our building. Pinihit ko pabukas ang doorknob saka huminga ng maluwag dahil sa relief nang mapagtanto ko na hindi iyon naka-lock. Pumasok ako sa loob at agad na sinara ang pinto. Humakbang ako at umupo sa pinakamataas na bahaging baitang ng hagdan at umandig sa pader saka pilit na pinikit ang aking mga mata.

Hindi talaga ako tinitigilan nina Mildred. They were the worst of all women I have ever met. Bakit kasi sa dinamidami ng estudyanteng babae sa buong campus ay ako pa talaga ang napagkadiskitahan nila? Nakakapagod na ang umiwas at magtago sa tatlo na walang tigil sa panggugulo sa akin. Kung hindi lang dahil sa clean record ko ay baka matagal ko na silang pinatulan.

This is really stressing me out!

I took a deep breath before opening my eyes. Magbabasa sana ako ng libro bilang pampalipas-oras nang may marinig akong ingay. Hinanap ng aking mga mata ang pinagmulan ng tunog, and then I saw him.

Sitting on the lower side of the stairs was no other than Jordan Hermoso, a basketball varsity player. Nakatingala siya sa akin habang may ngiti na naglalaro sa kaniyang mga labi.

"Hello there!" He flashed his charming smile at me but no effect. "Hindi ko akalaing may makakasama akong maganda sa mainit at masikip na lugar na ito."

"Was that supposed to flatter me?" I bluntly asked, bahagya ring nakataas ang kaliwa kong kilay. Tumawa siya at aaminin ko, may kakaibang sensasyong naidulot ng tawa niya sa akin. Weird . . .

Humakbang siya paakyat hanggang sa maging pantay ang aming mga ulo. Samantalang nanatili akong nakaupo.

"I'm Jordan. And you are. . .?" He extended his other hand to me which I reluctantly accepted.

"Danny."

"Danny. . ." Inulit niyang bigkasin ang pangalan ko na para bang minememorya ang bawat letra niyon. "It's beautiful, just like you are."

Pinaikot ko ang aking mga mata kasabay ng pagbawi ng aking kamay mula sa kaniya. He didn't stop from there. Umupo siya sa tabi ko at may kinuhang katipak ng karton at ipinaypay iyon sa akin.

"Mainit." He then smiles at me.

Hindi ko subok akalain na madaldal pala ang lalaking ito. Marami siyang ikinukwento na parang normal lang iyon sa kaniya. Sinabi niya na may laro ang kaniyang team sa makalawa at sinabi rin niya ang posisyon sa grupo. He's the team captain.

"Manonood ka ba?" tanong ni Jordan kinalaunan.

I shrugged my shoulder. "No."

"'Nood ka. Hihintayin kita," aniya sa akin.

"Are we close?"

"I told you my story, so basically, yes!"

I sighed. Tumayo ako at iniwan siya sa loob ng fire scape habang tinatawag ang pangalan ko.

"Lunatic," I muttered in the air while shaking my head.

───※ ·❆· ※───

"ANO na naman ba ang ipinuputok n'yang butsi mo?!"

Pagkapasok ko sa loob ng aming bahay ay iyon na kaagad ang bumungad sa akin- ang malakas na sigaw ni Papa na nagmula sa kusina. I went straight to the stairs leading to my room but stopped when I heard my mother's angry voice.

"Tinatanong kita kung saan ka galing! Mahirap bang sagutin iyon?" Kasunod niyon ay ang sunod-sunod na kalampag ng mga nabasag na gamit.

"Bakit kailangan mo pang alamin?" iritadong sagot ng tatay ko.

"Dahil asawa kita, asawa mo ako, at may mga anak tayo!"

"Tumigil ka na!"

I shut my eyes closed to stop my tears from falling. Mabibigat ang hakbang na tumungo ako sa aking silid at pabagsak na humiga sa kama. Ilang minuto rin akong nanatiling nakatitig sa kulay kremang kisame bago ako nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Inabot ko ang isang unan at tinakip iyon sa aking mukha upang doon tahimik na umiyak.

Nineteen na ako at malapit nang magtapos sa pag-aaral ngunit hindi pa rin nagbabago si Papa. Madalas pa rin itong mambabae. It infuriates me! Parang wala siyang anak na babae. Parang hindi siya kasal at pamilyadong tao.

Mahirap ang lumaking ganito-hindi magkasundo ang mga magulang. Laging may away sa bahay, sigawan, at sakitan dahil sa pesteng tatay. Mariin kong kinuyom ang kamay ko na mahigpit na nakahawak sa makapal na kumot at piniga ang tela dahil sa paghihinagpis. My father's a total asshole, dickshit and a loser. Palagay ako na siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.

I curled my body and tried to comfort, myself because no else will.

Pagkalipas ng isang oras ay nagsimula na akong bumangon sa kama at nagpasyang bumaba para humanap ng makakain sa kusina. Doon ko naabutan si Momma na tahimik na umiiyak habang nililigpit ang mga nabasag na gamit. Para akong tinadyakan sa dibdib dahil sa aking nadatnan na kalagayan ng nanay ko.

"Mom," tawag atensyon ko sa kaniya. My forehead creased, and my lips parted when I saw her turn around to wipe away her tears.

"Hi, Danny. You're home na pala," pilit niyang pinasigla ang tinig at ngumiti nang humarap sa akin. "Have you ea-"

"Home? It doesn't feel like one, Mom," mapait kong tugon. "Bakit hindi mo pa kasi iwan? Bakit ka nagtatyaga sa katarantaduhan niya? Babae ka, babae rin ako na bunsong anak ninyo. Bakit hindi mo siya iwan para sa akin? Para kay kuya," puno ng hinanakit kong sabi. Nanginginig na rin ang mga kamay ko dahil sa sumisidhing emosyon kaya marahas ko iyong kinuyom.

"Daniella," sambit niya sa buo kong pangalan, "You don't understand-"

"Hindi talaga!" sigaw ko. My mother flinched because of my reaction. "Wala akong maintindihan; hindi kita naiintindihan; at hinding-hindi kita maiintindihan. You got it, Mom?"

I bit my lower lip to suppress the words that would totally shatter her into pieces, but failed. "Why are you so stupid? Ano ba talaga ang nakita mo kay papa at hirap na hirap kang iwan siya? Was it because of us? Well, damn it, mom! You could have just ran away from all of this. Why did you choose this kind of life?!"

Pumatak ang isang butil ng luha ko nang tinutop niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kaliwang kamay at impit na umiyak. Mahigpit din ang kapit ng isa niyang kamay sa kitchen counter animo roon nakadepende ang buhay niya.

"Danny. . ." My mother sobbed.

Parang piniga ang puso ko sa aking mga nasasaksihan. My mother's a beautiful lady . . . Narito na ang lahat ng magagandang katangian na hinahanap-hanap ng ibang mga lalaki, pero ang magaling kong ama ay hindi man lang iyon makita.

"Just do us both a favor, Momma. Leave him," wika ko. Nang hindi siya umimik ay bumangon na ang galit sa dibdib ko. "Huwag mo siyang hayaan lang! Twenty-four years na kayong mag-asawa at hanggang ngayon binabastos ka pa rin niya. Binabastos niya ako at si kuya!"

I slammed my fist on the dining table, my knees going weak. I took a seat and buried my face in my palms.

Ito ang dahilan kung bakit ako lumaki sa probinsya, sa pangangalaga ng aking lolo't lola, dahil malaking gago ang tatay ko.

My throat tightened and my chest heaved as I was crying.

Ilang beses ko na bang iniyakan ang pagiging babaero ng tatay ko? Ilang beses na rin ba akong nasaktan sa tuwing nakikita ang nanay ko na umiiyak katulad na lang ngayon?

Hindi ko na mabilang. I lost my count for a long time now.

Lumunok ako para tanggalin ang bikig sa aking lalamunan. I stood up at nilapitan ang nanay ko na ngayon ay nakasalampak sa sahig at tahimik na umiiyak. Bumaba ako at niyakap siya mula sa likuran.

"I love you, Danny. Kayo ng kuya mo," aniya habang hinahagod ang braso ko na nakapalibot sa kaniya.

"I love you, too, Mom. Sobra . . ." bulong ko bago siya hinalikan sa tuktok ng kaniyang ulo.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya at pagkakatikom ng aking bibig habang patuloy sa pagdaloy ang mainit na luha galing sa aking mga mata. I also buried my face on my mother's shoulder while weeping silently.

A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon