Chapter Sixteen

26 0 0
                                        

꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂

NAGSALIN ako ng kape sa aking mug. Tinitigan ko na muna ang usok na nagmumula sa mainit na kape bago ako bumuntong hininga at sumimsim sa tinimpla ko. Umandig ako sa counter at kinuha ang cellphone ko upang tawagan ang anak ko na nasa pangangalaga ngayon ng pinsan kong si Beng.

"Hi, baby!" Ngumiti ako nang humarap sa screen si Rafael at ngumiti pang lalo nang makita ko ang dungis niya sa mukha dahil sa pagkain ng dark chocolate. "Kumusta ka na d'yan?" tanong ko sa bata na hindi mapigil sa sobrang paggalaw.

Lumikot ang mga imahe na naka-flash sa screen. Paniguradong nagtatatalon na naman si Rafael. Pinaikot ko ang aking mga mata saka huminga ng malalim.

"Stop na, baby. Let me see you," aniko. Sumunod naman agad sa akin si Rafael.

"A-anong oras ka uwe, mommy?" tanong niya sa akin.

"Later pa, anak. Ano ang gusto mong pasalubong ko?" I asked while putting down my mug of coffee, which I was done already.

"Chocolate!" mabilis niyang tugon.

Banayad akong tumawa. Kay Rafael lang nakatuon ang buo kong atensyon kaya hindi ko na namalayan na may kasama na akong ibang tao sa loob ng pantry na aking kinaroroonan.

"B-buy me c-colors!" my son eagerly said.

"I will. Ano pa?"

"I-I miss you. . ." My heart melted upon hearing those words from him.

Pumihit ako para sana ilagay sa sink ang mug na ginamit ko nang magulat. Muntikan ko pang mabitiwan ang hawak kong cellphone, mabuti na lang ay mabilis ang reflexes ko.

Tiningnan ko ang screen ng aking cellphone saka bumuntong hininga. Iniwan na naman ni Rafael na naka-on ang cellphone nito. Tinapos ko na ang video call at binigyan ng pormal na ngiti ang CEO ng shipping company kung saan ako nagsisilbi bilang bagong accountant.

"Good morning, sir," bati ko sa kaniya sa pinapormal tinig.

"Just call me "Kristoff'," sagot niya sa akin.

"But it is important for me as your employee to address you accordingly. Boss ko kayo kaya nararapat lang na tawagin ko kayong 'Sir'. Unless you sent out a memo na obligado ang mga empleyado rito na tawagin kayo on a first-name basis," tugon ko sa kaniya na puno ng pormalidad.

Muli siyang ngumiti habang hindi pa rin binabawi ang paningin mula sa akin. "Anak mo ba iyong kausap mo kanina?"

"Yes, he is," I replied.

"He's unusual."

"He's autistic," I corrected immediately. Nagkasalubong ang aming paningin at siya ang unang bumawi.

"I'm sorry," kaagad niyang paumanhin.

I shrugged my reply, "It doesn't really matter."

"I heard that he wants you to buy him colors," pag-iiba niya ng paksa.

"Yes, he did." Humugot ako ng malalim na hininga bago siya tiningnan ng deretso. "Wala ho bang nagsabi sa iyo na huwag makinig sa usapan ng iba?" I blatantly asked.

Napipilan siya sa tinuran ko. "Uhm, well. . . I'm sorry. I heard it by accident and I don't really mean to pry on things that doesn't concern me."

"It doesn't matter." I was being rude, I know.

Ilang sandali rin niya akong pinagmasdan bago siya naglakad patungo sa counter para magtimpla ng sarili niyang kape. Saglit ko siyang pinanood bago ako nagpaalam na babalik na sa aking opisina. Nilingon niya ako saka nginitian bago nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

Batid ko na masyadong naging malamig ang pakikitungo ko kay Kristoff. Hindi naman niya ako masisisi lalo na kung malalaman niya ang dahilan kung bakit ako ganito, umiilag.

Matagal nang nawala ang tiwala ko sa mga lalaki at pati na rin sa ibang tao. After everything that happened to me; after all of my sufferings from deception and treachery— it only counts me right to be cautious from everyone and everything.

· · • • • ✤ • • • · ·

꧁༒•Kristoff's PoV•༒꧂

"TADA!"

Gusto kong mapangiwi nang bigla na lang iminuwestra ni Samantha ang likuran ng kaliwang kamay niya sa akin. Subalit ang ngiwi ko'y nahalinhinan ng ngiti nang makita ko ang sapphire ring sa palasingsingan ng kaibigan kong babae.

"Ikakasal na ako! Ikakasal na kami ng baby ko," excited na wika niya sa akin.

"Congratulations! I'm happy for you both," nakangiti kong sabi. Binalingan ko ng tingin si Joseph na hinila ang fiancé niya paupo dahil masyado nang nakakakuha ng atensyon ang pagiging kikay ni Samantha.

"Mag-behave ka." Sumimangot ang babae pero kaagad ding bumungisngis nang sabihin ni Joseph ang magic words. "I love you, baby!"

Napailing na lang ako sa mga nasasaksihan ko. Inabot ko ang tasa ng mainit na kape saka sumimsim doon.

Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako na nagkatuluyan ang dalawa. Naalala ko na sa isa kong kaibigan ipinareha si Samantha, which was Argon, ngunit may nangyari na talagang inasahan ko na.

Unang gabi pa lang ng dalawa sa Starrynight Bar ay hindi na nagkasundo ang mga ito. Masyadong madaldal si Samantha at ayaw ni Argon sa mga katulad niyang babae. Bilang bunga ay palaging nagpapasaringan ang dalawa. Ang totoo ay nag-away pa kami ng kaibigan ko dahil sa ginawa kong pag-set-up sa kanila. Disappointed si Samantha at nang mga panahong iyon ay lumitaw sa buhay niya si Joseph. At ang baliw kong kaibigan ay agad na nahumaling sa kaingayan ng babae.

And the rest is history. . .

"Kumusta kayo ni Danny?" tanong sa akin ni Joseph. Nanlaki ang mga mata ni Samantha na pinaglipat-lipat pa ang paningin sa aming dalawa.

"Cold and blunt," sagot ko. Hindi ko naman masisisi si Danny kung ganoon ang pakikitungo niya sa akin. It was supposed to be this way and I totally understand. Pero may mali ba kung sabihin ko na nasaktan ako sa inakto niya kamakailan?

"Bumalik na siya?" untag ni Samantha. Kinurot ni Joseph ang pisngi niya kaya lumabi na naman. "Masakit! Halikan mo 'yan," utos niya sa kasintahan na kaagad namang sumunod.

Ako na lang ang nahiya sa magkasing-irog. Malalim akong tumikhim bago tumayo at nagpaalam na para umalis. They turned their head to me and nodded. I smiled then said my good wishes for them both once more.

Sa aking paglalakad sa sidewalk habang nakapamulsa ay nahintuan ko ang isang flower shop. Nakuha ng naka-display na puting fresh tulips ang aking atensyon.

Habang nakatingin sa mga bulaklak ay pumasok sa alaala ko ang mga nagdaang panahon kung kailan masaya akong bumibili ng mga iyon para sa isang partikular na babae sa buhay ko. And now. . . I have this one question inside my head.

If I buy those flowers and give them to her personally, would she ever accept them?

A Glimpse Into The Darkness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon