꧁༒☬Danny's PoV☬༒꧂
PAANO ba magbiro ang tadhana? Kung sasagutin ko ang katanungang iyan, siguro ay ito. . .
Hindi ka niya pangingitiin sa sobrang galak, at mas lalong hindi ka niya papatalunin sa tuwa. Kundi papatayin ka sa sindak, lalagutan ng hininga dahil sa pagkamuhi, at uubusan ka ng luha sa galit.
Ngunit base lamang iyan sa mga nararamdaman ko nang mga oras na ito.
Nagkatotoo ang sinabi sa akin ni Jordan. Ngayon ay panghabang-buhay ko nang dadalhin ang parte niya sa pagkatao ko bukod sa dinadala ko na rin ang sanggol na nabuo sa pangyayaring iyon. Sirang-sira na ang buhay ko. Kahit mga pangarap ko'y naglaho na parang bula.
I wasn't smart at all. Bakit hindi ko pinagdudahan ang totoong intensyon sa akin ng lalaking iyon? Bakit hiyaan ko lang siyang makalapit sa akin?
He was a good actor. Iyon lang ang sagot na nabuo sa isip ko.
Suminghap ako at walang ganang umisod ng higa sa kama. Hinila ko ang kumot at nagtalukbong gamit iyon. I am not in the mood for anything. Kung sana lamang ay nadadala sa tulog ang lahat, hindi sana ngayo'y naiidlip na ako panghabambuhay.
"Danny. Kumain ka na," malumanay na utos sa akin ni Abby. Ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko kasama ng dalawang iba pa, malamang ay si Kuya Daryll at Jessica iyon. Hindi pa umaalis ang magkasintahan buhat noong nalaman nila ang pagbubuntis ko.
"Wala akong ganang kumain ngayon, Mom. Iwan n'yo na muna ako. Gusto kong mapag-isa," puno ng pait kong sagot sa nanay ko.
Abby sighed harshly. "Hindi pwede! Kakain ka ngayon at panonoorin ka namin," pagmamatigas niya. Inalis niya ang kumot na nakatalukbong sa akin.
My mother's lips parted as she watches me, her only daughter, on my helpless state.
Umupo siya sa tabi ko at ginagap ang isa kong kamay. "Gusto mo bang bumalik sa probinsya? Naghihintay na sa iyo roon ang lola't lolo mo. Miss ka na raw nila, anak," bakas sa tinig niya ang pagpipigil ng iyak kaya mas lalo lang sumikip ang dibdib ko.
I sat my body on the bed before reaching for my mother's arms. I clung unto them while shutting my eyes closed.
Siguro nga'y mas mainam na umuwi na lang ako sa bahay ng grandparents ko sa probinsya. Roon ay tahimik at may masasandigan pa akong mga kaibigan.
"Ako na ang mag-aayos ng ticket mo papunta roon. Doon mo na lang din ipagpatuloy ang pag-aaral mo," sabi naman ni Kuya Daryll na nakapagpadilat ng aking mga mata.
Halatang nahihirapan na siya sa sitwasyon namin lalo pa't nagdadalang-tao rin ang nobya niya. Idagdag pa ang annulment case ni Jessica sa asawa nito.
"I am so sorry, Danny. Mahal ka namin ng kuya mo, and always remember that," madamdaming saad ng nanay namin.
"Promise us that you will continue fighting, Danny." Kuya Daryll patted my head.
Tumango ako bago dumukwang upang yakapin ang nanay namin. Nakiyakap rin ang kuya at si Jessica na binigyan pa ako ng isang banayad na ngiti sa mga labi.
· · • • • ✤ • • • · ·
꧁༒•Kristoff's PoV•༒꧂
MALALAKING hakbang ang ginawa ko habang nagmamadaling pumasok sa cafeteria upang hanapin ang taong sadya ko roon. Matiim ang anyo na nilapitan ko si Jordan na walang kamalay-malay sa paglitaw ng presensya ko at walang sabi-sabing inundayan siya ng malakas na suntok sa panga dahilan upang mabuwal siya mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkagulat ay lumusob ulit ako at pinagsusuntok siya sa mukha.
BINABASA MO ANG
A Glimpse Into The Darkness
Художественная прозаAfter respect, trust is regarded as the world's most valuable commodity. Daniella Salazar lost it when she trusted three men in her life. Danny's life was disturbed by the most nefarious thing that happened to her. It ruined her faith in the future...
