CHAPTER 23

6 1 0
                                    

A/N: ta-dan next update na ulit hahaha bumabawi ako guys kase matagal akong hindi nakapag-update. At na miss ko na ding magsulat.

CHAPTER 23
NAGISING si Brianna na wala na siyang katabi, pero alam niyang nakatulog din sa tabi niya si Jacob dahil merong bakas ng hinigaan ang katabing unan niya.

Bumangon na lamang siya at inayos ang pinaghigaan niya.
Nang matapos ay pumasok siya ng banyo para maghilamos.

Tinignan niya ang orasan na nasa side table niya. Gabe na pala hindi man lang niya napansin.

Lumabas na siya ng kwarto niya para mag ayos ng kakainin nila. Pero laking gulat niya ng pumasok siya sa kusina meron ng nakahandang pagkain sa table pagkatapos ay meron na ding mga plato.

Nakita niya ang binata na merong sinisilip sa loob ng ref kaya tumikhim siya para kunin ang atensyon nito.

"Oh gising kana pala."ani nito sa kaniya ng marinig ang tikhim niya.

"-magdinner kana, alam kong nagugutom kana." Dagdag pa nito.

Tumango na lamang siya at umupo sa bakanteng stool na nasa island counter na nasa kusina niya.

"Did you...cooked this all?" Tanong niya dito ng makita ang nakahain sa harapan niya.

"Yeah, sinipag ako magluto, mag-oorder nalang sana ako kaso hassle pa yun sa magdadala ng pagkain kaya ako nalang ang nagluto." Ani nito sa kaniya.

Tumango nalang siya at nag-umpisang kumain. Umupo dito ito sa kaharap niyang stool.
Kumuha siya ng kanin at nilagay sa plato niya.

Nilagyan naman siya ng adobong baboy sa plato ng binata.
"Salamat."aniya dito nginitian lamang siya nito at inasikaso din ang sarili.

Tahimik lang silang dalawa habang kumakain walang nagtangkang bumasag sa katahimikan na pumapalibot sa kanilang dalawa.

Nakita niyang nagkukusot ng mata si Sofia habang naglalakad papasok sa kusina.

Tahimik lang itong umupo sa tabi niya.

"What's the dinner? I'm hungry Bria."ani nito at halatang bagong gising dahil paos pa ang boses.

"Nagmumug ka ba?" Tanong niya rito.

"Yeah, i did. But fuck i'm really hungry." Aniya nito sa nagrereklamo na tono.

Nilagay niya ang isang plato sa harap nito at nilagyan ng kanin. Tyaka nilagyan ng ulam na gulay at kaunting adobo.

"Kumain kana." Aniya rito at nagpatuloy sa pagkain. Ramdam niya ang titig sa kaniya ng binata kaya sinulyapan niya ito.

At di nga siya nagkakamali tiyig na titig ito sa kaniya. Tinaasan na lamang niya ito ng kilay at nagtatanong na tinignan ito.

Umiling-iling lamang ito.

Tahimik lang silang tatlo.

Hanggang sa..." i want rice pa." Ani ni Sofia sa kaniya.

Binigyan niya ito sa plato mukhang gutom nga ito.

Naunang natapos si Jacob na kumain sa kanilang dalawa ni Sofia lumapit ito sa ref at parang meron na namang hinahanap. Ng makita na ang pakay ay lumapit ito sa counter kong nasan sila.

Nilagyan sila ng juice sa tig-iisang baso ng binata naupo itong muli sa harap nila at nilabas ang selpon ng magbeep iyon.

Sabay silang natapos ng dalaga na kumain, nagtawanan pa silang dalawa dahil sa lakas ng dighay nito.

Nagpaalam na ito na magpapahinga na muli. Kaya hindi na niya pinigilan pa ang matalik na kaibigan.

Niligpit na lamang niya ang pinagkainan nila. Ang subrang ulam ay nilagay niya sa tupperware na may takip at nilagay sa ref ang mga subrang ulam.

OBSESSED WITH MY EX-GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon