22: Back

17.8K 643 227
                                    


Marthae's Pov

"Congrats Marthae." I turned to look at who spoke behind me and I shyly smile when my gaze met hers.

"T-Thank you, Miss Thaline." Nahihiyang sagot ko dito. Nagulat din ako nang lumapit siya sa'kin upang batiin ako.

First name basis din kami, hindi lang naman ako ang tinatawag niya by first name kasi she told us na pag nag-uusap kami sa kan'ya ay huwag na masyadong formal.

"Huwag mo akong kalimutan 'pag na-engineer kana ah." She joked that made me laugh.

"Hindi naman po ako others miss Thaline." Sinakyan ko nalang ang pagbibiro nito. We laughed in unison after what I said.

Pero napatigil ako sa pagtawa nang magtama ang mata namin ni Cathy..

She's looking at our direction with an expressions that I can't tell.

Umiwas din kaagad ito sa tingin ko, pero hindi nakatakas sa'kin ang malungkot niyang ngiti.

Ngunit naputol ang pagmamasid ko dito nang magsalita ulit si Miss Thaline.

"So, since second year kana sa susunod na pasukan. What's your plan?" Binalingan ko ulit ito nang may pagtataka sa mukha. Mukhang na gets naman niya kaya nagsalita siya ulit.

"I mean, I heard that you have received a full scholarship from Fiore University. It is still open up until now, are you gonna accept it?" Naalala ko tuloy ang tungkol dito.

After that incident with the dean, he called me again after a week but I still refused it. Nakalimutan ko na nang tuluyan ang tungkol do'n, pero naalala ko ulit.

I also don't know if I'll accept it, but one thing I know is, kung saan si Zen ay doon din ako.

Hindi din namin ito napag-usapan ni Dad pero sasabihan ko nalang siya tungkol dito. May dinner kami mamaya sa bahay, doon ko nalang siguro buksan ang topic.

"I don't know yet, Miss but I think I'll continue to study here." Sabi ko nalang, tumango naman ito at nagpaalam bago pumunta sa iba kong kablock.

She also congratulated the others. Today is our last day of being a first year college. Some professors congratulated those who are DL and also those who passed the first year.

Simula nang magtama ang tingin namin ni Cath ay hindi ko na ito makita.

Lininga ko ulit ang paningin sa paligid upang hanapin si Zen. She told me that she'll just gonna go to the comfort room for a minute but she's still not here.

I waited for another minute at nung tuluyan na'kong nainip ay naisip kong sundan ito.

I went to the nearest comfort room because why would she chose to go to a far comfort room, lol.

But my forehead creased when I saw no one inside. I checked all the cubicles but there was no one.

Don't tell me iniwan niya ako?!

Tinungo ko agad ang parking lot para i-check kung ando'n paba ang kotse niya at nakahinga ako nang maluwag nang makitang ando'n parin ang ginamit niyang sasakyan.

Tinahak ko ulit ang building namin at paakyat na sana ako nang mahagilap ko ang pamilyar na pigura.

My head lit up when I confirmed that it is really Zen. Her back is currently facing at my direction so apparently, she can't see me nearing her.

Pero anong ginagawa niya sa gilid ng building? Wala din masyadong tao sa kung nasaan siya at hindi mo siya makikita agad kung hindi mabilis ang mata mo.

Nilapitan ko din ito at parang nagsasalita ito kaya mas lumapit ako dito para marinig ko ang sinabi nito.

Wala naman siyang kasama pero sinong kausap niya?

Sailed (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon