9: Close

19.8K 721 196
                                    


Marthae's Pov

"Ang daya mo talaga! Parang di magkaibigan ah!" Yrah frustratedly said with a high pitched tone.

"Sabi ko naman kasi sayo, hindi ako nagpapaangkas." Sumimangot naman siya ng todo dahil sa sinabi ko.

Nung isang araw pa'to nangungulit na sasakay nalang daw siya sa'kin pauwi kapag out namin para daw makatipid siya ng pamasahe. Hindi ako pumapayag kasi ayoko talagang may umaangkas sa'kin pag yang Ducati ko ang gamit ko.

"Bakit ba kasi?" Pangungulit niya pa.

"Basta, ayoko." Inirapan nalang ako nito bago siya umangkla sa aking braso para sabay na kaming pumasok sa bar.

It's also been three days since the night when we talked about what she saw at the convenience store and I can say it made us more closer to each other..

She also became kind of touchy and I was uncomfortable at first but she told me na she's ganon lang talaga when she's close to a person at totoo nga dahil nakita ko na ganito din siya sa lahat ng babaeng workmates namin, hindi ko lang talaga namalayan nung una.

She also told me that she only see me as her little sister when I confronted her about her being so touchy.

Miss ko tuloy mga kuya ko. Close talaga ako sa mga kuya ko, my kuya Miyven na kapatid ko talaga na nasa States as of now para samahan si mommy sa pagpapagaling niya..

And if you guys are wondering kung ka ano-ano ko si Kuya Rayray, well he is my cousin that is like a brother to me. Relative ko siya sa father side.

Puro kuya ang meron ako kaya lagpas Pilipinas ang saya ko nung gabing naramadaman ko magkaroon ng Ate.

Pero hindi ko padin inamin kahit kay Yrah ang totoo kong edad.. Not now.

Papasok na sana kami ni Yrah sa pintuan patungong bar nang may tumawag sa'kin.

Boses ng babaeng nagpapabaliw ng puso ko sa tuwing naririnig ko ang tinig nito. Corny.

Natigilan kami ni Yrah. Humarap ako kay Zenith at nagtama ang tingin namin na mas mas lalong nagpawala ng aking sistema.

Sinenyasan ko ang aking katabi na mauna na siya habang hindi padin pinuputol ang tinginan namin ng dyosa sa harapan ko, tumango lang din si Yrah at hinalikan ako sa pisngi na nakasanayan ko na bago ito nagpaalam at tuluyan ng pumasok sa pinto patungon bar.

Hindi din nakatakas sa paningin ko ang pagsama ng tingin ni Zen sa pisngi ko bago ulit pinagsalubong ang aming tingin.

Her dagger gazes didn't change while we're staring at each other and I don't know but I started to feel nervous na parang may nagawa akong kasalanan.

Mukha akong kakatayin ni Zen ng buhay sa tingin na binibigay niya. Gago ano bang nagawa ko?

Kahit kinakabahan ay pinili kong magsalita.

"A-ah Zen bakit?" Instead of answering me, she just rolled her eyes at me and hissed.

"Landi. Since when did the two of them become so close?" I heard her whispered something but I didn't hear it clearly.

"Pardon? I didn't hear what you said Zen, can you kindly repeat it?" Using my kind voice because I don't want to offend her that I didn't heard her but maybe I'm really tanga kasi bakit niya naman ibubulong kung gusto niya marinig ko.

Oo nga no? Mindset din minsan Mariel.

I was even surprised when she just rolled her eyes and turn her back from me.

Bago pa siya tuluyang makalayo ay nagsalita na muli ito. Ang hilig niya sa ganiyan noh? Yung tatalikod tapos lalakad sabay hinto, tsaka lang magsasalita.

Sailed (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon