Marthae's PovAng akala ko ay masayang break dahil makakasama ko si Zen ay isang malaking maling akala lang pala.
She spend her break outside the country, in States to be exact.
Kung alam ko lang na doon pala siya ay sana pumayag nalang ako sa sinabi ni kuya Rayray. I don't know if I have already mentioned this but Kuya Miyven, Kuya Rayray and mom is in States right now.
Sabi ni Zen kailangan niyang pumunta doon for business and personal matters.
Kaya naman nakabusangot ako ngayon habang nakasandal sa counter ng bar. Wala talaga akong gana.
"Uy Marts, ikaw na kumuha sa order ng table 9." Sabi ng isa kong katrabaho. Marts na talaga ang tawag nila sa'kin. Kasalanan 'to ni Yrah. Nasanay nalang din ako.
Tumango nalang ako dito at hindi na nag-abalang sumagot. Agad kong tinungo ang table 9 at kinuha ang order nila.
As usual, they tried hitting on me but I remained still and didn't talk until they surrender and just told me their orders.
Kahit wala sa mood ay pinagpatuloy ko padin ang pagtratrabaho at nung pagsapit nang linggo, giliw ako'y iniwan mo- charot.
At nung pagsapit nang alas diez ay nag-out nadin ako.
I am now laying in my bed while staring at my phone, in Zen's contact number to be exact.
Gustong-gusto ko siyang tawagan para kahit sandali ay marinig ko ang boses niya. Sobra ko siyang na miss at tiniis ko na sa loob ng isang linggo at ilang araw ay huwag siyang tawagan, baka kasi may ginagawa siya at nahihiya din ako. Lalo na't wala siya sa bansa.
I sighed before turning my phone down. 'Di bale, malapit naman na mag monday, Friday na kasi ngayon at sure naman akong uuwi siya at makikita ko siya nang monday kasi start na ng second semester.
And that thought made me smile.
K'onting tiis nalang Marthae, makikita mo ulit siya kaya stop kana magdrama.
Maybe sa Sunday siya exactly uuwi pero ayoko namang storbohin siya kung sakali, dahil gusto ko makapagpahinga muna siya.
Kaya nang pagsapit ng sunday nang umaga at bumisita ako sa café ay gano'n nalang ang gulat ko nang makita si Zen.
Nakatagilid ito sa'kin but I'm sure she can see me in her peripheral vision, so I was expecting that she will turn her head to look at me, but I was only disappointed when she didn't.
Everyone greeted her and she just nod at them. I'm still hoping for her to at least glance at my way, and again I was disappointed the second time when she just went straight to proceed in her office.
Baka hindi niya talaga ako nakita? Pangungumbinsi ko pa sa sarili ko. Pero sinong niloloko ko? Edi sarili ko lang din.
I decided to just stay in the cafe and wait for her to go out in her office. Kanina ko pa siya gustong puntahan pero hindi ko magawa. Wala naman kasi akong excuse at wala akong work tuwing sunday.
Pero dumating nalang ang lunch at hindi padin ito lumalabas. I'm sure hindi pa ito nag lunch, kaya nagpasiya akong i text siya.
To Zen:
I saw you earlier. Nakabalik kana pala, btw have you had lunch already? If you still haven't, can we have lunch together?
I sent it. I waited for her to reply after a moment but an hour had past.. She didn't.
Gano'n ba siya kabusy at hindi niya matignan ang phone niya?
Nangangalam na ang sikmura ko pero hindi ako kumain, nawalan ako ng gana.

BINABASA MO ANG
Sailed (GxG)
RomanceI'm tired... Give me one more enough reason to keep sailing into your unsure world.. I'm really tired. I'm tired of being pushed away. One reason is enough for me to keep sailing, but one reason is also enough for me to stop.. Date started: March 18...