dirleyla02
"Sir bukas na ho ng umaga ang susunod na biyahe ng barko, last trip na po 'yung kanina balik na lang ho kayo bukas o kaya naman ay diyan muna ho kayo sa waiting area"
Laglag ang balikat ko ng marinig ang sinabing iyon ng lalaki na naroon sa bilihan ng ticket. Ibig sabihin ba nun ay bukas pa ako makakuwi? Haysstttt.
"Salamat ho manong" pagkasabi niyon ay kaagad rin kaming umalis noong lalaki doon sa bilihan ng ticket at naglakad patungong waiting area. Kaunti lang ang tao roon na naghihintay , may ilan na nakatulog na.
"Okay na ako dito, pwede ka ng umuwi" sambit ko roon sa lalaki pag upo ko sa kulay asul na upuan na nakatalaga para sa waiting area. Hindi ko maimagine ang sarili ko na matulog ng naka upo roon tapos medyo malamok pa wala man lang aircon. "Oh bakit? wag mong sabihin na sasamahan mo pa rin ako dito" saad ko ng makitang nakatayo pa rin siya sa harapan ko at hindi pa umaalis. Nakita kong napabuntong hininga siya at saka bahagyang hinimas ang kanyang batok.
"Hindi ka man lang magtathank you?" hindi makapaniwala na tanong niya sa akin. Nailing pa siya maybe a sign that he's disappointed on me.
Dahil hindi lang ako nag thank you?
What the heck?
"Edi thank you" malamyang saad ko at saka humalukipkip sa inuupuan ko.
"Wow, wow, bakit 'di ko maramdaman 'yung sincerity?" sarkastikong aniya. Dahilan para mapairap ako at saka pilit ang ngiting tumingin sa kanya.
"O sige, thank you po ha utang na loob ko po ang buhay ko sa iyo sana pagpalain ka palagi at maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay para mas marami ka pang matulungan na ibang tao, maraming, maraming,maraming salamat po" sunod sunod kong sambit sa kanya. "Oh ano okay na?" sarkastikong dagdag ko pa.
"Walang anuman" sagot naman niya at saka umupo sa katabing upuan ko. Kaya salubong ang mga kilay kong tiningnan siya. "Oh ano na naman?" nagtatakang tanong niya sa akin ng makita ang ekspresyon ng mukha ko.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya.
"Hindi" sagot niya at mukhang wala nga siyang balak na iwan ako. Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil sa oras na ito ay ayoko ring iwan niya ako mag isa, hindi ko kasi kilala ang mga taong kasama namin sa waiting area baka kung anong mangyari sa'kin mas mabuti ng may kasama ako.
"Pustahan tayo uulan bukas" kapagkuway sambit ko matapos kaming balutin ng mahabang katahimikan. Tanaw kasi mula sa kinauupuan namin ang langit at walang makikitang bituin doon ngayon.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya at saka tumingin rin doon sa kalangitan, nagtataka.
"Walang bituin eh, I can still remember during our science class, 'yung mga tao before naniniwala na kapag walang bituin sa langit uulan kinabukasan" sunod sunod na sambit ko habang nasa itaas pa rin ang paningin. Sa dinami dami ng itinuro nung science teacher namin ay iyon lang yata ang natandaan ko.
"Ahhh sige, pustahan tayo malungkot ka 'no?" siya naman ngayon ang nakikipag pustahan sa akin. And what the heck is the connection of our topic sa nararamdaman ko?
"Paano mo nalaman?" pero hindi ko na nagawang tumanggi pa sa nararamdaman ko dahil tama naman siya doon. Ang hindi ko lang alam ay kung paano niya nahulaan iyon.
"Wala kang nakikitang butin eh" sagot niya, dahilan para malipat sa kanya ang paningin ko at dahil magkatabi lang kami ng kinauupuan ay halos magdikit na ang aming mukha. Mabuti na lang at nasa taas pa rin ang paningin niya hanggang ngayon. "May nagsabi kasi sa'kin na kapag daw walang nakikitang bituin ang isang tao ibig sabihin nun malungkot siya" pagkasabi niyon ay tumingin siya sa akin, deresto sa aking mga mata na para bang mayroon siyang nakikita at nababasa roon dahilan para magka titigan kami. At bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
General FictionKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!