Dear Leila,
Belated happy birthday! :(
(Malungkot ako ngayon) (Nasasaktan ako ngayon) Masaya ako para sa iyo kasi nahanap mo na 'yung lalaking para sa iyo. Sa sobrang saya ko pumapatak ang aking mga luha habang isinusulat ko ang liham na ito. Sa sobrang saya ko wala ng pakiramdam ang dibdib ko.
Ngayong gabi parang naubos lahat ng pag-asa ko.... parang sumara lahat ng pintuan.....parang dumilim lahat. Gayunpaman, totoo 'yung sinabi ko na masaya ako para sayo. Oo kumikirot ang dibdib ko pero ganun siguro yata talaga, masakit umibig.
At huwag kang mag-alala dahil handa naman akong masaktan. Hindi ako okay pero siguradong magiging okay din ako.
Kung hindi talaga tayo ang para sa isa't isa, ang tanging hiling ko na lamang ay sana...... sana sa kabilang buhay...... sa susunod na buhay ay pag tagpuin pa rin tayo ng tadhana. At kapag nangyari iyon pangako ko na mas magiging matapang ako at mas magiging malakas ako para panindigan ang nararamdaman ko para sayo.
Sa ngayon sa mga papel na ito ko muna ibubuhos lahat, mga salitang sana ay naririnig mo at damdamin ko na sana ay nalalaman mo. Dahil (hindi pa ito ang tamang oras)nakikita ko na maligaya ka sa damdamin niya para sa iyo.
Masaya ako dahil mayroon ng lalaki na nakakapagpasaya sayo. Isang lalaking kaya kang paninindigan. Isang lalaki na aalagaan at mamahalin ka. Isang lalaki na hindi mahihiya at kaya kang ipagmalaki sa buong mundo. Isang lalaki na magiging sandalan mo at magpupunas ng iyong mga luha sa tuwing nalulungkot ka.
Isang lalaki na hindi ako pero pinapangarap ko na maging.
Siguro sa susunod na lang...
Kung may susunod pa...Nagmamahal,
Lucas
BINABASA MO ANG
Dear Leila | COMPLETED
قصص عامةKaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad? Halika takas tayo!